CHAPTER 2: "Her"

311 9 6
                                    

Nakabalik na ang mga estudyante sa kanya-kanyang classrooms dahil tapos na ang kanilang recess.

Lahat na ng estudyante ng room 406 ay nasa classroom na nila. May kaniya-kaniya itong ginagawa. May mga naglalaro at nagbabatuhan ng papel. May mga gumagamit ng kanilang gadgets. May nga nagchichikahan. May mga nagbabasa at marami pang iba.

Pero sa lahat ng ingay na ginagawa nila ay tila nasa ibang lugar ang isip ni Clyde.

Hindi pa rin nito naalis ang kaba na namumuo sa kanyang katawan. Hindi niya alam sa sarili niya kung maniniwala ba siya sa sinabi ni Angeline o hindi.

Napatingin tuloy si Clyde kay Angeline. Bahagyang nagulat si Clyde dahil nakatingin rin sa kaniya si Angeline na may ngiting nakakaloko sa labi nito. Agad tumingin sa ibang direksyon ang binata, habang ang dalaga naman ay tila natutuwa sa reaksyon ni Clyde.

----------------

Nagturo lang ang mga guro sa mga estudyante ng room 406. Pero kahit nakalipas na ang ilang subjects ay hindi pa rin mawala ang takot at kaba ni Clyde.

Science time na ng room 406. Ang teacher nila ay si Sir Bracs. Makulit at gwapo rin ang gurong ito. Nagtuturo lang ito at nakikinig naman ng maigi ang mga estudyante.

Habang nagtuturo si Sir Bracs ay biglang nakaramdam ng titig si Clyde. Biglang pinagpawisan ng malamig at namumutla na ang mukha ni Clyde. Dahan-dahan itong tumingin sa paligid niya. Nababasakaling baka isang loko lokong kaklase niya lang ang nakatitig sa kanya. Pero bigo ito dahil ni isa sa kaklase niya ay nakatingin sa kaniya dahil nakikinig ang mga ito sa guro o di kaya nag-uusap lang.

Inikot muli ng binata ang kanyang tingin at nagkasalubong nito ang tingin ni Elijah. May pagtataka sa mata ni Elijah dahil hindi nito alam kung bakit tumigil ang tingin ni Clyde sa kanya.

Pero biglang itong ngumisi ng makita ang paglunok at pagmumutla ni Clyde habang nakatingin sa kanya. Napangisi si Elijah dahil alam niyang may kinalaman ito sa kanya...

Biglang nag-iwas ng tingin si Clyde at humarap na lang sa blackboard ng klase.

Akala ng binata ay si Elijah ang kanina pang nakatitig sa kanya, pero nagkakamali siya...

May iba pang tao ang nakamasid sa bawat galaw nito...

Kinikilabutan na si Clyde at nanginginig na ang mga daliri nito. Nakatulala na ito sa kawalan at parang nawawala na sa sarili.

'Sht! H-hindi pwede t-toh... A-ayoko pang mamat-' isip ni Clyde pero bigla itong natauhan dahil sa tapik ng guro sa kaniyang braso.

"Clyde, ok ka lang? Namumutla ka ata?" nag-aalalang sambit ng guro. Napatingin tuloy ang lahat ng estudyante sa kanya.

"H-ha? W-wala toh sir... N-naguguluhan lang ako sa t-topic... T-tama! Y-yun nga..." pag-aalibi ni Clyde na may panic sa boses.

Nagtaka naman si Sir Bracs at ang ibang kaklase ni Clyde dahil sa inasal nito. Pero may tatlong estudyante ang nakangising pinagmamasdan ang namumutlang kaklase...

"May kinalaman ka na naman ba dito.... Angeline?" seryosong sabi ni Angel sa kambal pero di man lang nagawang tapunan ng tingin ito.

Biglang namang nawala ang ngisi ni Angeline at naging seryoso ang mukha...

"I'm just giving him his warning... And besides... No one can stop-" hindi na natapos ni Angeline ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang bell ng school dahil oras na para kumain sila ng kanilang lunch.

"Goodbye class..." paalam ng guro sa mga estudyante. Nagpaalam rin ang mga estudyante nito sa kanya.

Nagsitayuan na ang mga estudyante pati narin si Clyde na nag-iiwas ng tingin sa mga kaklase niya.

Room 406Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon