CHAPTER 5: Forest

258 6 7
                                    

Nasa loob ng classroom ang lahat ng students ng Room 406. Tahimik lang ang mga tao dito lalo na sina Alexander, Johanne, Jem, Carlo, at yung ibang nakasaksi sa marahas na pagkamatay ni Andrei at Clyde kahapon.

Hindi nila matanggap na namatay ang dalawa sa pinakamalapit na kaibigan sa kanila. Hindi pa nila alam kung sino ang pumatay sa dalawa. Pero sila na alam nila may pumatay sa dalawa... kay Andrei. Hindi nahulog si Andrei, kundi hinulog ito. Hindi nila maintindihan kung bakit pinatay ang dalawa. Kahit naman mga loko-loko ang dalawa ay hindi naman ito humahatol na may gusto ng pumatay sa kanila...

"Good morning class. We all know that we are all depress for what happened to Andrei and Clyde... We can't undo what's already done... That's why I want you all to be careful..." sabi ni Sir Torde na may poker face. Sinimulan na ni Sir Torde ang pagtuturo.

Napayuko ang ibang estudyante at mahahalatang nalulungkot ito sa pagkawala ng kaklase... ng kapatid. Pero ang ibang estudyante naman ay napapakunot sa reaction ng teacher.

'Bakit ganito lang ang reaction niya?' Pananakamot sa batol na isip ni Sandra.

'Tagos sa puso lang, sir?'naguguluhang isip ni Brandon.

'The fvk? Yun lang yun?' inis na isip ni Matthew.

Pero sa kabila nito ay tila may mga nakangisi rin sa nangyayari. Natutuwa na may thrill na rin sa school. Natutuwa dahil sa mga epic na reaction ng kaklase... At natutuwa dahil, finally, gumawa na rin siya ng galaw...

-----------------------
Pagkatapos ng klase ni Sir Torde ay lumabas agad ang mga estudyante para sa kanilang break.

Napansin ng ibang estudyante na napakatamlay ng mga ito at tahimik. Hindi sila sanay sa pagiging tahimik ng taga Room 406. Pero naiintindihan naman nila ito dahil kalat na rin sa buong campus ang insidenteng nangyari kahapon.

Nang makarating ang mga taga Room 406 sa canteen ay tinawag sila ng kanilang president na si Princess.

"Uy! Dito kayo! Magsama-sama muna tayo ng table dahil may pag-uusapan tayo." sabi ni Princess sabay upo sa upuan at lagay ng mga gamit sa mahabang lamesa. Agad namang sinunod ng mga kaklase niya ang utos nito pero ang iba ay napilitan lang.

"Guys. Wag niyong pansinin yung mga sinasabi nung iba na 'cursed section' talaga tayo." Matapang na sabi ni Princess. Pinagbubulong bulungan na kasi na totoo talaga na cursed section ang Room 406. Dahil na rin daw sa nangyari sa dalawang kamag-aral ay ipinagkalat na nila ang nangyari.

"Pero... hindi ba totoo? Na isa tayong... cursed section?" Lahat napatingin sa mahinhin na boses ni Daniella. Nailang naman ito dahil ang daming nakatingin sa kanya kaya napayuko na lang siya.

Lahat napaisip sa sinabi ni Daniella. May punto ito. Napapaisip rin sila na 'Hindi nga ba tayo isang cursed section?'. Pati na rin kasi ang nga estudyante ng Room 406 ay tila naniniwala na isa silang cursed section. The killing says it all.

Napatigil lang ang pag-iisip nila ng biglang hinampas ng malakas ni Princess ang lamesa. Nagulat ang mga kaklase nito, pati na rin ang ibang estudyante.

"Totoo man o hindi, wag kayong magpapatalo! Wag niyong ipakita dun sa kung sino man yung gustong patayin tayo, na natatakot tayo sa kanya!" sigaw ni Princess sa kanila.

"It's us versus one person..." seryosong sambit ni Lexine pero nakatuon ito sa pagd-drawing.

Lahat natauhan sa sinabi ni Princess at ni Lexine. They both have a point. It was them versus one person. Imposible naman na makakaya ng killer silang lahat... That's what they thought...

Room 406Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon