CHAPTER 11: Hunting Season

183 6 1
                                    

Kinabukasan ay halos lahat ng students ng 406 ay tila mga lutang at tulala. Mahahalata ngang kulang ito sa tulog dahil na siguro sa trauma.

----------------------

Sa loob naman ng classroom ay tahimik at maski isa ay walang nagsasalita. Some were staring out the window, staring at the tv, and even staring at Francis's chair.

Napapapikit ang mga ito nang maalala ang nasaksihan kahapon. Maski ang mga transferee ay nakaramdam ng takot.

Angeline kept the note at taimtim niya itong binabasa at sinusuri. Sinusuri nito ang bawat pahayag na nasa papel pati na rin ang sinabi ng killer kahapon. Bigla naman itong may napansin.

"Guys, ilan na ang namamatay satin?" Biglang tanong ni Angeline.

Nagtaka naman ang mga kaklase nito dahil sa tanong ni Angeline.

"May pinapahiwatig ka ba?" May mukhang nanghihinala na sabi ni Brandon. Tinaasan lang siya ng kilay ni Angeline.

"Shunga! I'm just asking."

"Apat pa lang naman... pag sinama na natin si... ano... you know..." Sabi ni Brandon referring to what happened yesterday.

"Exactly. Apat pa lang pero bakit sabi sa note, lima na?"

Lahat nagkainteres sa sinasabi ni Angeline, especially those people who had witnessed it yesterday at the classroom. Napapasang-ayon rin ang mga ito dahil sa kaalaman ng mga ito 4 pa lang.

"Oo nga noh."- Alexander

"First is si Clyde."-Daniella

"Sunod si Andrei..."- Johanne

"Then si Y-yana"- Maxinne

"And then si Francis..."- Angel

"Oh. Apat lang pala eh. Bakit sinasabing 5?" Naguguluhang sabi ni Jem.

Napaisip ang lahat at nanahimik. Bigla namang may naisip si Elijah na nakapagpangisi sa kaniya. Napansin iyon ni Angeline kaya napatitig ito sa kanya.

"Pano kung... may isa na pala tayong kaklaseng namatay... Di lang talaga natin alam..." Nakangising sabi ni Elijah sabay tingin sa dating upuan ni Mell na ngayon ay upuan na ni Denzel.

"So sino-"

Hindi na natuloy ni Carlo ang sasabihin nang biglang bumalibag ang pinto at hinihingal na dumating si Lily. Lahat napatingin sa kanya at nagtaka. Lumapit naman sa kaniya si Princess at nagtanong kung anong nangyari.

"M-mell... S-si Mell... Yung k-katawan niya... F-forest..." Hinihingal na sabi ni Lily habang nanginginig na tinuro ang daan.

Nanlaki ang mga mata ng mga estudyante at nagsitakbuhan papunta sa forest ng school.

------------------------

Naabutan nilang nakaupo si Zoe sa lupa at nanginginig na nakatingin sa lasog lasog na katawan ni Mell.

"O-oh my god."

Napatakip ng mga bunganga, mata at ilong ang iba dahil sa nakita at amoy. Mangiyak-ngiyak na sina Zoe at Lily habang nakatingin sa katawan ni Mell.

"What the hell happened?!"

Hindi nila maintindihan kung bakit narito pa si Mell dahil ang alam nila ay nakaalis na ito sa school. Tinulungan nilang itayo si Zoe para na rin patahanin.

"G-guys... T-tara na muna. S-sasabihin ko na muna k-kila Sir toh." Pagyaya ni Princess sa mga kaklase niya habang iniiwasan na mapatingin sa katawan ni Mell.

Room 406Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon