CHAPTER 4: Kill Joy

309 6 3
                                    

(Andrei's POV)

Lumabas na muna ako sa room namin ni Clyde. Mukhang may pinoproblema eh. Ano kayang meron dun kay Clyde? Kanina pa siya walang imik. Tapos mukhang may iniisip pa... Ah! Baka nag-iisip na yung gago na yun kung sino ang susunod niyang popormahan! Tss. Chickster nga naman. Pero sabagay, marami nga namang chix sa classroom. Hihihihi-

*BLAG! BLAG! BLAG!*

Napatigil ako pag-iisp ng may narinig na kalabog ng isang bagay...

Ano yun? Pero kanina lang parang katok lang yung nariinig ko ah. Hahaha! Oo. Malakas pandinig ko. Joke! Ang tahimik kasi sa dorm kasi konti pa lang kami sa dorm. Pero seryoso. Ano yun?May away ba? May nahulog ba? May nabunggo ba? Sayang! Dapat nakita ko yun eh! Hahahaha! Laptrip siguro yun. Hahahaha-

*BLAG! BLAG! BLAG!*

Ay tae! Ano ba yun?! Kanina pa ah! Nakakainis na! Naglakad na lang ako ng naglakad papunta sa di malamang daan. Hindi ko naman talaga planong umalis eh. Sadyang mukhang kailangan ng privacy yung gunggong na kadorm ko.

Bababa na sana ako ng hagdanan ng marinig na naman yung kalabog na yun... Galing sa taas? Eh floor namin yun ah. Nasa loob pa naman kasi ako ng dormitory. Sabi ko nga diba, di ko naman planong lumabas ng dorm. Nakakatamad.

*BLAG! BLAG! BLAG!*

Tss. Since nacurious na ako, napaakyat tuloy ako ng wala sa oras. Dahan dahan at tahimik akong umakyat sa hagdanan. Naririnig ko na palakas ng palakas yung kalabog. Ibig sabihin ay palapit lang ako ng palapit kung saan ng gagaling yung tunog.

Nang makarating ako sa floor namin ay nagtago muna ako sa tabi. Sinilip ko yung hallway papunta sa room namin. Nanlaki ang mata ko sa nakita...

(Third person's POV)

"Sht! Sino yun?! Anong kailangan niya?! B-b-bakit siya may dalang... malaking kutsilyo? T-tsaka ba't niya sinisira pintuan namin?!"

Takang-taka na sabi ni Andrei sa isipan niya. Nakasilip lang si Andrei at nagtatago sa isang poste ng pader. Nakikita nito na gustong makapasok ng tao na ito sa kanilang kwarto. Nang humina ang pagkatok ng misteryosong tao ay akala ni Andrei ay aalis na ito.

Pero nakita ni Andrei na nakabukas ang kanilang pintuan pero hindi ito bukas na bukas. Napag-alaman nitong kinabit ni Clyde ang door lock or chain nila sa pinto.

"Buti naman at ginamit rin ng gago ang isip." hingang maluwag na sabi ni Andrei sa isipan.

Patuloy nitong sinulyapan ang misteryosong nasa tapat ng pintuan nila. Nagtataka si Clyde kung bakit nakatunganga lang ito eh nakabukas naman ang pinto. Nagulat na lang siya ng biglang dumukot ng kutsilyo ang misteryosong tao at pinagpipilitan ang sarili sa pintuan habang pinapasok ang kutsilyo sa pintuan.

Kinabahan na ng tuluyan si Andrei. Kinakabahan na rin ito para kay Clyde. Hindi rin matukoy ni Andrei kung lalaki ba o babae ang misteryosong tao na ito. Ang katawan kasi nito ay parang pangbabae pag nakatalikod. Pero ang lakas nito na parang panglalaki. Imposible rin namang makapasok ang mga babae sa kanilang dorm dahil bawal ang girls sa dormitory ng boys, pwera na lang kung may permission. Bawal rin naman ang boys sa dormitory ng girls, pwera na lang din kung may permission.

Nakasuot kasi ang misteryosong tao na ito ng itim na jacket at itim na pantalon. Hindi nito maaminag ang mukha pero alam ni Andrei na may maskara ito.

Nakarating na rin sa kaniya ang tsismis tungkol sa classroom nila. Halos lahat naman ay narinig na. Pati rin naman ang mga kaklase niya at alam na ang pwedeng maging kapalaran nila ngayong school year. Pero sinusubukan ng mga ito na huwag magpakaduwag dahil na rin sa kanilang pride...

Room 406Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon