CHAPTER 8: Transferees

209 6 12
                                    

Biglang nagtayo ang balahibo ni Janna. Tutulakin na sana ni Janna si Angeline pero napaiwas naman ito agad. Malaking ngisi ang ipinakita ni Angeline kaya napangiwi naman si Janna.

Nanahimik ang buong paligid. Nagkatitigan lamang sina Angeline at Janna. Masamang tingin ang ipinapakita ni Janna habang si Angeline ay tila natutuwa sa nangyayari.

Ramdam ng lahat ang nabubuibg tensyon sa pagitan ng dalawa. Magsasalita na sana si Janna nang biglang bumukas ang pinto. Lahat napatingin kay Princess na ngayon ay nakakunot noo. Nagtataka ito dahil halos lahat ay nakatayo at nakakumpol. Kasabay rin nito ang pagpasok ni Elijah na nakangiti habang si Djobelle naman ay poker lang.

"Anong ginagawa niyo ha?" Nakataas ang isang kilay habang nakapamewang na sabi ni Princess.

Pero imbis na sumagot ay nagsibalikan na lang ang lahat sa kaniya kaniyang upuan nang makita ang papalapit na adviser na si Sir Torde. Napanganga na lang si Princess dahil sa pagiging snob ng mga kaklase. Hindi niya na lang ito pinansin at pumasok na sa loob ng room. Dumiretso ito sa harapan kasama si Sir Torde.

"Good morning class. We have a few transfer students that would be included to our class." Saad ng adviser sa klase.

"Guys, pwede na kayong pumasok." nakangiting tugon ni Princess habang nakatingin sa labas ng pintuan. Nagsipasukan naman ang limang estudyante. Lahat ay tahimik na pinagmasdan ang mga bagong students.

"Can you please introduce yourselves and tell us something about you. Oh and, why you transferred here in SCA?" Nakangiting sambit ni Sir Torde. Napatango naman ang mga ito.

"Hi! My name is Queenie Reyes. 17 yrs old. I like singing and dancing. I transfered here in Sacred Crest because I heard there's-ehem- a lot of handsome fafas here." Maarteng sabi ni Queenie sabay kindat kay Kurt. Masamang tingin ang ipinukol ni Janna nang makita ang ginawa ni Queenie. Habang parang nandidiri naman si Kurt.

"Hello. I'm Denzel Frinz Jimenez. I transferred here because I like creepy things! And rumor has it that this particular room has mysterious killings! Kaya sinadya ko talagang dito mapunta! Hahahaha! So... totoo bang-" bago pa matapos ni Denzel ang nakakapangilabot na sasabihin ay biglang sumabat si Matthew.

"Manahimik ka na nga lang at walang kwenta naman ang rason mo! Next transferee na!" Kunot noong saad ni Matthew. Sinuway naman siya ni Sir Torde pati na rin si Princess pero wala itong pakialam.

"The name's Caleen Rose Alcantara. I'm 17 yrs old and I transferred here because I want a new life away from my parents." malamig na sambit ni Caleen at sabay nito ang pagtama ng mata nila ni Matthew... Bigla namang napangiti si Caleen kay Matthew dahilan para mapangiti rin ang binata.

"Hi there. My name's Inigo Dominique Lopez. 17 yrs old. I transferred here because of the mystery that surrounds this campus." Nakangising sabi ni Inigo habang pinagmamasdan ang kabuuan classroom.

"Hello. I'm Marla Christine Bustos. I'm 16 yrs old. I transferred here because of some problems from my previous school. Hope we can all be friends." sabi ni Marla habang may matamis na ngiti. Bigla naman itong napatigil nang magkita ang mata nila ni Alexander...

"O-okay. T-thanks for that wonderful introduction. You may take any seat that is available."

"Except sa upuan ko!" Paalala ni Princess sa mga transferees.

Nagsipuntahan naman sila sa mga napiling upuan. Umupo sa bakanteng upuan si Queenie na malapit kina Kurt. Si Denzel naman ay napaupo malapit kay Zoe na nagbabasa ng 13 Reasons Why na libro.

Umupo naman si Caleen sa bakanteng upuan na katabi lamang ni Matthew. Walang my guto umupo dito dati dahil takot ang iba kay Matthew kaya nagulat si Matthew na walang katakot takot na umupo duon si Caleen.

Umupo naman si Inigo malapit kay Elijah dahil nakuha nito ang kaniyang pansin. Naramdaman ni Inigo na parang may hindi tama dito.

"Hi." ngiting bati ni Inigo. Nginitian rin siya ni Elijah.

"Hi..." bati ni Elijah sabay ngisi ng nakakaloko. "... You should be careful, Lopez... things will get more exciting these following days..." makabuluhang saad ni Elijah na nagpatigil kay Inigo pero maya-maya ay napangiti naman ito.

"I will." Sagot ni Inigo.

Umupo naman si Marla sa bakanteng upuan na katabi lang ni Alexander, na dating upuan ni Mell. Nakatitig lang sila sa isa't isa na parang nag-uusap ang kanilang mata. Maya-maya ay nagsalita si Alexander.

"Hi. I'm Alexander, but you can call me Xander." nakangiting sambit ni Alexander sabay lahad ng kanang kamay. Napangiti rin naman si Marla sabay abot ng kaniyang kamay. Tila nakaramdam sila ng kuryente nang maglapat ang kanilang kamay.

"Hi. I'm Marla. Hope we cam be friends." nakangiting sabi ni Marla.

-----------------------
Natapos ang araw na naging komportable ang mga transferees sa mga ibang estudyante. Nagsimula na itong kumulit dahil mga taong nasa paligid nila. Natutuwa naman ang mga tiga Room 406 dahil sa bagong nilang kaklase. Di man sila nagkakamabutihan kay Queenie dahil sa nakakairita nitong ugali, pero natutuwa sila na may mga umalis man sa kanila, napalitan naman ito ng 5 pang kaklase.

Pero sa kabilang banda ay mas nakakaangat ang kaligayahan ng mga taong ito...

*"Hahaha! The more..... the deadlier! Hahahaha!"...

TO.BE.CONTINUED.

Room 406Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon