CHAPTER 14: 5th Cubicle

184 6 3
                                    

Maarteng naglalakad si Queenie sa hallways ng school papunta sa banyo habang bahagyang kumakanta-kanta pa. Kung makaasta ito ay akala mo ay nasa isang music video ito.

Nang makarating ito sa loob ng girl's washroom, tiningnan muna nito ang kaniyang sarili at gumawa ng iba't ibang ekspresyon na akala mo ay nasa isang photoshoot. Bigla itong napatigil nang makaramdam ng matang nagmamasid sa kaniya.

Bigla itong lumingon sa kaniyang likod ngunit walang bakas ng sino man ang naroon. Sinubukan nitong buksan isa-isa ang cubicles na medyo nag-aalinlangan pa. Pagdating sa panghuling ay nakarinig siya ng kaluskos.

Napapalunok na lumapit ito dito at tila kinakabahan. Nang makarinig ito ng isa pang kaluskos ay bigla nitong sinipa ang pintuan kasabay nito ang pagsigaw niya dahil sa mga ipis ma lumabas.

Diring-diri ito at patakbong lumabas sa banyo. Plano sana nitong bumalik na lang sa classroom ngunit naramdaman na ito ng pag-ihi. Ayaw niya nang bumalik sa banyo na iyon kaya napagpasiyahan nitong sa baba na lang magbanyo.

Habang naglalakad ito pababa ng hagdan, nakarinig ito ng maingay na yapak ng takong mula sa isang sapatos. Bigla itong napatigil kasabay rin ng pagtigil ng maingay na takong.

Nakaramdam muli ng mga mata si Queenie sa bandang itaas ng hagdan. Dahan-dahan na lumingon ito sa kaniyang likod nang napapalunok.

Nanlaki ang mata ni Queenie nang makitang isang babaeng may nakakapangilabot na mata ang nakatingin sa kaniya habang bahagyang kumaway pa na tila bumabati. Bigla itong ngumiti ng nakakapangilabot at naglakad palapit sa kaniya.

Nataranta si Queenie kaya agad itong humakbang palayo dahilan para madapa mula sa hagdan. Napangiwi ito ng maramdamang ang sakit sa paa. Ngunit agad din itong tumayo nang makitang papalapit pa rin ang babae...

*"Tsk. Tsk. Tsk. Be careful.. It won't be nice if you would have died there... and not by my precious hands." the girl laughed as she revealed a knife and played with it while walking down the stairs.

"No! Layuan mo ako!" Sigaw ni Queenie sabay tayo at takbo ng paika-ika. Napapangiwi dahil sa sakit at takot si Queenie habang tumatakbo.

Napatigil lang ito nang makitang may nakaabang rin na isang lalaki na nakasandal sa pader at tila may hinihintay habang pinaglalaruan ang hawak na kunai.

Dahan-dahan itong lumingon sa kanya kasabay ang pagbato nito ng kunai papunta sa kaniya. Hindi nito inasahan ang ginawa kaya tumama ang kunai sa kaniyang braso.

Napa-aray ito at akmang tatakbo palayo sa lalaki nang makita naman ang babaeng kinawayan muli siya. Pinagigitnaan na siya ng dalawang tao. Hindi na nito alam kung saan siya pupunta.

Sakto namang nasa may mga banyo sila kaya naman dali-dali itong tumakbo papasok sa girl's bathroom at ni-lock ang pinto.

Agad itong naghanap ng matataguan. Naiiyak na ito dahil sa mga nangyayari sa kaniya. Bigla namang nagsimulang kumatok sa pintuan ang dalawa.

*"Hey Queenie! Open the door!" Sigaw ng lalaki.

*"Yeah. We don't bite... we just kill. Now open this fvking door btch!" Mapaglarong sigaw ng babae sabay tawa ng malakas at palo ng pintuan.

"ANO BANG GINAWA KO SA INYO?! WHAT DO YOU WANT FROM ME?!" Paiyak na sabi ni Queenie. Bigla namang natahimik ang dalawa.

*"Well, we can't really say it to you. You wouldn't really understand anything." balewala ng lalaki sa kaniya.

Naguluhan naman si Queenie. Hindi nito maintindihan kung bakit siya nito gusto patayin. She's just new yet she's gotten into some serious trouble... Trouble that leads to some life and death situation.

*" Oh and besides... we just want everyone to know who they're messing with." Kalmado na sabi ng babae.

"So ano kinalaman ko dito?! Kung gusto niyong ipaalam sa kanila kung sinong kinakalaban nila, edi sila pagsabihan niyo. 'Wag ako! I'm just new here for fvck's sake. I don't want my life to be wasted because of you psychotic people na gustong-gustong pumatay! It's their freaking problem, not mine!" Umalingawngaw ang sigaw ni Queenie mula sa loob. Walang imik naman ang dalawa sa labas.

Lalapit sana si Queenie sa pintuan nang biglang hinampas nang babae ang pintuan. Nagulat si Queenie at napalayo sa pintuan.

*"Bitch, when I fvking said we want them to know who they're messing, we're starting it from you! And the moment you entered the classroom you're life is already wasted! You're already one step closer to hell! NOW PREPARE TO DIE BITCH!"

Bigla namang nataranta si Queenie nang makitang nasisira na ang doorknob ng banyo. Agad itong pumunta sa may pinakadulong cubicle. Hindi ito naglock dahil nakikita kung occupied ba o hindi ang isang cubicle.

Bigla namang napaigtad si Queenie nang marinig ang pagbulagta ng pintuan ng banyo. Tinakpan nito ang kaniyang bibig upang maiwasan ang ano mang ingay.

*"Hey Queenie babe, come out, come out wherever you are." Mapaglarong sabi ng lalaki.

Nagsimulang magbukas ng mga pintuan ang dalawa. Patuloy naman sa pag-iyak si Queenie. Humahapdi na rin ang braso nito at patuloy ang pag-agos ng dugo dito. Parang gusto na nitong sumigaw lalo na nang may mga ipis na nakapaligid sa kaniya. Impit na sumigaw ito nang makitang may ipis na nasa braso nito at biglang nagbukas ang ika-apat na cubicle.

May nakitang anino si Queenie na nasa may harap ng cubicle na pinagtataguan niya. Hinahanda na nito ang kaniyang sarili sa pagbukas ngunit bigla namang umalis ang anino. Naghintay pa ito ng ilang seconds. Nang makakahinga na sana ito nang maluwag at plano na sanang lumabas bigla namang nagbukas ang pinto at nagpakita ang babae at kumaway muli na tila isang inosente.

*"You're dead now, bitch!"

Nagulat si Queenie nang tumalon mula sa kabilang cubicle ang lalaki papunta sa kaniya at sinaksak siya sa tiyan at tinanggal ang kunai na nasa braso niya at itinusak naman sa ulo nito. Humandusay naman si Queenie at nakanganga at nakadilat na nawalan ng buhay.

Naghugas muna ng kamay ang lalaki at sabay alis kasama ang babae.

*"Kadiri naman yung last cubicle niyong mga babae. Puno ng ipis." Nandidiri na sabi ng lalaki.

*"Eh sa wala masyadong gumagamit nun tapos di masyadong nalilinisan. Dun pa man din madalas tumae yung iba kaya nandidiri yung iba." Napatango naman ang lalaki sa sinabi ng babae.

*"Kawawa naman pala si Queenie. Mamamatay na nga lang, sa isang mabaho at nakakadiri pang lugar."

*"Who cares. Perfect nga eh, namatay siya with her kind hahaha! Don't ever feel any pity for them, 'cause they fvking don't deserve it." makahulugang sambit ng babae...

***
TO. BE. CONTINUED.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Room 406Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon