Grey's POV
Ilang araw pa bago na finalized ang divorce namin ni Val at sa states pa ito prinoseso. Kaya natuwa ako nang mapawalan ng bisa ang kasal namin ni Val. Hindi ko na rin inalam kung ano ang kalagayan ni ex-wife ko o kung saan naman sila ngayon, magpasalamat nalang siya dahil hindi ko kinuha ang ilang pag-aari nila na kung tutuusin pera naman ng pamilya ko ang nagpalago.
Titig na titig lamang ako sa folder na nasa mesa ko at napapaisip kung anong susunod kong hakbang, 'dapat ko na bang ituloy ang plano kong ibalik si clara sa buhay ko o hahayaan ko na muna siya ngayon sa buhay na mayroon siya para sa bagong simula. Hindi ko lang sigurado kung gusto niya ba ako maging parte pa ulit ng buhay niya if ever makapag-move on na siya, pero tiyak akong ayaw na nito dahil ako naman ang rason kung bakit nito gusto mag-move on.
Kaya napabuntong-hininga na lamang ako at napag-isip-isip na hahayaan ko nalang muna si clara at mag-focus na muna ako sa kompanya naming mas lumalago na ngayon at plano na rin namin mag expand sa singapore. Kaya mananatili ako roon ng ilang buwan at para mas makasiguro ako na walang ibang lalapit kay clara pababantayan ko ito. I still want to keep an eye on her, at nang walang mapangahas na lalaki ang magtatangkang lumapit sa kanya.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan si Ferry.
"Ferry!" Tawag ko.
"Yes boss," Sagot nito.
"Gusto kong ipahanap mo si clara at pabantayan mo 24/7. I want to make sure na walang lalaking makakalapit sa kanya." Saad ko rito.
"Copy boss," Sagot nito.
Pinatay ko ang tawag at sumandal sa backrest ng swivel chair ko.
'For now hon,pagbibigyan muna kitang makapagsimula ng bagong buhay na ninanais mo. Ngunit darating ang panahon na babalikan kita at kukunin muli and when that time comes, hinding-hindi na kita pakakawalan tulad ng ginawa ko sayo dati, i promised.'
-
-
-Clara's POV
Anim na buwan na rin ang lumipas at unti-unti na nga akong nakakabangon sa aking normal na buhay At ngayon bilang pagsisimula sa bagong yugto ng buhay ko, pinag-aral ako ni kuya sa isang University at ang kurso na kinuha ko ay related sa literature kaya kahit papaano may natu-tutunan ako kung paano mag-express ng feelings through writing.
Masaya naman ako sa unti-unting pagbabago ng buhay ko at kahit papaano naiibsan rin ang kalungkutan na nadarama ko sa tuwing sumasagi sa isip ko si grey.
--
'Oo! isang taon na nga ang lumipas pero nangungulila pa rin ako sa presensya ni grey, kahit itanggi ko sa iba na hindi ko na siya iniisip. Hindi ko naman ito magawang panindigan sa sarili ko dahil sa totoo lang may nanatili pa rin'g kaunting pagmamahal ang naiwan sa'kin para sa kanya. Nasaktan niya man ako nang lubusan, hindi ko naman siya nagawang kamuhian kahit nawala ang baby ko dahil sa asawa nito, dahil kung iisipin wala naman talagang kasalanan si grey sa nangyari. It his wife's fault. Kaya kung may dapat man akong kamuhian ang asawa niya at hindi siya. 'But still' galit pa rin ako sa mga ginawa niya, hindi lang talaga dumating sa point na kinamuhian ko siya. Dahil kasalanan ko rin naman kung bakit nasaktan ako nang husto, nung una pa lang alam ko nang may itinatago na siya sa'kin pero nagbubulag-bulagan pa rin ako at nagpatuloy sa pagmamahal sa kanya.
Isang taon mahigit na rin ang nagdaan. Sa ngayon nasa healing process na ako at panimula nang bagong ako. Kailangan kong baguhin ang sarili ko, hindi lang para sa'kin kundi para din sa mga taong nagmamahal sa'kin, tulad ni kuya at nang mga kaibigan ko. Kailangan alisin ko na ang dating clara na marupok at inosente. Ang clara na madaling mahulog sa patibong at maniwala sa kasinungalingan, kaya ngayon kahit si grey unti-unti ko na rin'g kinakalimutan, hindi man lahat mabura sa puso't-isip ko dahil naging parte siya ng nakaraan ko atleast kahit papaano hindi na ako nangungulila sa kanya at hindi na siya gaanong sumasagi sa isipan ko.
Isang taon mahigit na akong pumapasok bilang mag-aaral sa Las Hermañò University at nagsa-sideline rin sa pastry shop ni kuya bilang taga-gawa ng cake.
---
Kakauwi ko lang galing school at nagpapahinga sa aking kwarto nang biglang sumagi sa isip ko si grey.
'Bakit kaya hindi na ito nagparamdam? After nung incident sa bar at sa bahay nito? hindi na ito nagpakita kahit man lang anino nito, may nangyari kaya sa kanya?'
Malalim akong napabuntong hininga at napasampa ng higa sa kama.
'Bakit ko na naman ba siya iniisip?ugh! clara behave' nagsisimula ka na naman sa pagiging marupok. Isipin mo ang mga ginawa niyang katarantaduhan sayo! Tama na.' Bulong ng munting tinig sa utak ko.Pero ang nangyari.. mas lumalala ang pag-iisip ko kay grey hangang sa bumalik sa isipan ko ang mga masasayang alaala namin dati nung nagsasama pa kami, yung mga panahon na inaalagaan niya ako at yung mga intimate moments naming dalawa noon, yung kahit saan'g parte ng apartment niya gustuhin makipagtalik talagang itutuloy niya ang nais niya at hinding-hindi siya paaawat.
'Letche naman ohh! kahit sa utak ko talagang nagagawa akong ma-horny ni grey. Tama na clara! Stop! Behave!.' Wika na naman ng munting tinig sa utak ko.
Napagpasyahan kong bumangon at tunguhin ang kusina para kumain dahil night shift si kuya ngayon sa hospital nito kaya mag-isa akong maghahapunan.
Nang biglang tumunog ang phone ko. At si Xia ang tumatawag.
"Hi sissy!" Masayang bati nito sa'kin sa kabilang linya.
"Hi din xia," Malamya kong bati rito habang nagpatuloy sa pagkain.
"Saan ka?" Nakabungisngis nitong tanong.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Basta! Nasaan ka nga? Nandiyan ba si boss vince?"
Nakabungisngis pa rin ito sa kabilang linya at nawiwirduhan na ako sa kanya."Nasa bahay ako ngayon kumakain at si kuya wala rito, nasa ospital night shift siya ngayon." Sagot ko rito.
"Good!" Tuwang ani nito.
"Anong good? alam mo xia nawiwirduhan na ako sa'yo." Pag-amin ko rito habang nagpapatuloy sa pagkain ko.
"Gigimik kami nila yuri at kylie ngayon at isasama ka sana namin," Tuwang sabi nito.
"Gigimik?" Napaawang ang labi ko rito.
Oo nga pala it's friday night at gabi pala nila ngayon dahil bukas wala silang pasok sa pastry shop kaya tiyak akong maglalasing na naman sila ngayon.
"Oo! alam mo naman na friday ngayon diba? kaya it's party-party!" Natutuwang saad nito.
"Goodluck and take care gals," Malamya kong sabi rito.
"Ano bayan! ang bitter ah' ayaw mo bang sumama?wala naman diyan si kuya vince ah' sama kana 'wag kang mag-alala pagtatakpan ka namin." Pangungumbinsi nito sa'kin.
"Talagang hindi natututo xia? gusto mo pagalitan tayong apat ni kuya ulit?naalala mo pa naman siguro yung dating gumimik tayo tapos hindi tayo sabay na nakauwi dahil pareho tayong lasing! Tapos ngayon heto ka nagyayaya na naman sa'kin, baka hindi na tayo pagalitan ni kuya sa pagkakataong ito, baka parusahan na niya tayo! Huwag na! Dahil sa'kin mapapagalitan pa kayo." Mahabang sagot ko rito.
Ayoko nang sumama sa kanila, dahil sa nangyari dati nung unang pagkakataon na gumimik ako kasama sila tapos humantong ako sa muling pagkikita namin ni grey, dahilan para hindi kami sabay na nakauwi at wala silang alam kung nasaan ako, kaya sila ang nabuntunan ng galit ni kuya.
"Ipagpapaalam ka naman namin eh! Saka siguro naman ngayon hindi kana aalis ng walang paalam diba?kaya sige na! Please!" Pagpipilit nito sa'kin. Napaisip muna ako bago sumagot. Malamang kailangan ko rin ito, kaya napapayag nila ako.
"Sige na, magbibihis na muna ako, saan ba tayo magkikita?" Madali kong inubos ang hapunan ko at uminom ng tubig.
"Sa Antonio's Club, sa labas kana lang namin aantayin." Sagot nito.
"Okay sige," Aniko.
"Sige,sige bye na!" Paalam ni Xia.
"Bye," Paalam ko rin, sabay end ng call.
Nagmadali akong magbihis at lumabas ng bahay para mag-grab, hindi ako gagamit ng motorsiklo dahil baka hindi ako makauwi nang ligtas pag nagmaneho akong lasing.
-------------
Follow me for more updates and thank you for voting, i appreciate it :)
BINABASA MO ANG
Lies Behind Truth
RomanceSa kabila ng lahat na nagawa ni Grey sa akin ay nanatili pa rin ang pag-ibig ko para sa kanya. Hindi ko alam kung katangahan o kamanhiran naba ito o talagang mahal na mahal ko siya kaya hindi ko siya magawang kalimutan at patuloy pa rin siyang minam...