Clara's POV
Sa loob ng isang taon mahigit nagkita kami ulit! And yet the feeling still here. Sa pangalawang pagkakataon ng pagkikita namin, legit pa rin yung kaba at sensational feelings ko towards him.
'Naku clara! Your heart still throbbing so fast! Mahal mo pa rin?ugh! No,no,no!' Pagmamaktol nang maliit na tinig sa utak ko.
Bakit pa kasi siya nagbalik at nagpakita? Kung saan nagiging okay na ako sa buhay ko, saka naman siya sumusulpot na parang kabote.
'Think clara! Niloko kana niya at namatay ang baby niyo dahil sa kanya at sa asawa niya!' Kontra nang utak ko. 'Well apparently it's not his fault, kasalanan yun ng asawa niya.' Kontra ko naman ng pabulong.
Para na tuloy akong baliw! Sira ulo kasi yung lalaking yun, nagpakita pa kasi masyado niyang ginagambala ang maganda kong buhay. I snap back to reality ng makarinig ako nang ingay mula sa labas ng kwarto ko, kaya nagmadali akong bumangon at tinungo ang sala. Naabutan ko roon ang tatlo, si Yuri, Kylie at Xia habang abala sa pag-uusap tungkol sa nangyari kagabi.
"Oh! Hi sissy, halika may tsismis ako sa'yo." Nakangising tawag sakin ni Xia. Nilapitan ko naman sila at umupo sa pang-isahang sofa.
"Ano na naman 'yon?" Tanong ko.
"Alam mo ba hiningi nang mga lalaki kagabi yung number natin, tapos nag-text sa'kin yung isa na nag-ngangalang Paul and alam niyo ba anong sabi?"
Nagsalubong naman agad ang kilay ko sa paglalahad nito, binigay ang number namin!? What the! Binalewala lang nito ang reaksyon ko at halatang kilig na kilig sa convo nila nang Paul na 'yon kagabi.
"Anong sabi?" Sabay na tanong ni Yuri at Kylie na halatang kinikilig rin.
"Pwede ba raw kami mag-date mamaya?" Halos pasigaw na niyang sabi.
Tuwang-tuwa naman ang dalawa habang ako ay parang sinagasaan nang bulldozer, at talagang hindi maipinta ang mukha ko. Napansin naman agad nila ang reaksyon ko kaya kunot-noo nila akong tiningnan.
"Ang pakla mo sissy! Anong reaksyon ba yan!?" May bahid ng pagkadismayanh turan ni Xua sa'kin.
"Bakit!?wala naman akong sinabi ah!" Depensa ko.
"Wala ka ngang sinabi pero sa hitsura mo parang gumuho ang mundo mo! Gosh!" Reklamo nito.
"Hayaan mo na, broken hearted pa rin ata sa ex niya." Panunudyo naman ni Kylie ng nakangisi.
"Oh' tigilan niyo nga ako." I rolled my eyes.
"Beshie, magbigay ka naman ng kaunting kaligayahan sa buhay mo, hindi pwedeng kami masaya tapos ikaw parang pinagsakluban ng langit at lupa sa sobrang bitter ng reaksyon mo." Panunudyo naman ni Yuri sabay tawa.
"Kaya nga eh! Paliguan niyo nga yan at hagurin lahat ng kapaitan sa katawan!" Natatawang pang-aasar ni Xia.
I deep sighed and just close my eyes. 'Kung alam lang nila, kung sino ang isa sa mga lalaki na naroon tiyak akong kamumuhian nila 'yon at marahil kahit kasama nito damay rin.'
"Oh! Ano yan?nmatutulog kana naman." Pang-aasar muli ni Xiam
"Ewan! Diyan na nga kayo, may essay pa ako na dapat tapusin."
Iniwan ko silang tatlo sa sala habang ako bumalik sa aking silid. Pamilya na ang turing namin sa kanila ni kuya kaya malaya silang nakakamasok-labas rito sa bahay. Tinungo ko ang study table ko at umupo sa silya saka kinuha ang hindi ko pa natapos na essay nang tumunog ang phone ko, kinuha ko ito at binasa ang mensahe mula sa 'unknown number'.
"Hi sweetheart." Text ng unknown texter.
Ilang segundo pa akong nakatitig sa text habang napapaisip kung sino ang unknown texter na ito.'Grey Hunter Valdimore?' Tss! Ang haba pala nang pangalan niya, kagabi ko lang nalaman.
Pinaikot ko ang aking mata saka binalik sa mesa ang cellphone, minabuti kong hindi pansinin ang text nito at magpatuloy sa ginagawa ko, nang tumunog muli ang message tone ng cellphone ko kaya kinuha ko ito muli at binasa ang message.
"F*cked! Ayaw mo ba akong replayan lemonade?" Text nito.
May sayad ata ang lalaking 'to! Ano-anong call sign ang mga pinagtatawag sa'kin. Binalewala ko na naman ang text nito at nagpatuloy sa aking ginagawa, nang ilang sandali pa sunod-sunod na ang mga text na nagpa-pop-up sa screen ng cellphone ko at napapa-irap nalang ako at mabibigat na buntong hininga na ang napapakawalan ko sa sobrang inis. Kinuha ko ulit ang phone at binasa ang mga mensahe.
"Hello!"
"Really! keep on avoiding me?"
"Babe!"
"F*ck! Nasaan ka?"
"Baby, can we talk?"
"Lemonade naman! Alam ko gising kana, why can't you reply on my messages?"
"Sorry na please,"
"Gusto kitang makausap babe, yung tayo lang, please?"
"Mamaya 8:00 pm, sa Lè Marcian Hotel, hihintayin kita! 😉
'Mag-uusap? Sa hotel talaga? may pa emoji pa ang baliw,' Bulong ko sa sarili.
"Kapag hindi ka pupunta, ako ang pupunta diyan sa bahay ni Vince, see you lemonade 😘"
'Baliw! Baliw! Baliw!' Gigil na gigil kong sabi sa sarili, ayokong mag-ingay dahil nasa labas ang mga kaibigan ko at baka maintriga pa ang mga 'yon.
I heavily breathe before answering his message.
"Stop bothering me! Busy ako sa essay ko! Wala akong time! Okay?😠" Pataray kong reply rito with emoji pa.
Ilang sandali pa at hindi na text ang pang-gambala nito sa'kin kundi sandamakmak na tawag na talaga ang ginawa nito.
'Sira ulo nga! Issh! Ba't ang kulit niya?letche naman eh!npaano ko matatapos itong essay ko kung palagi itong nang-iistorbo. Hindi pa rin ito tumigil sa pagtawag kaya napilitan na akong sagutin ito.
"Bakit ba!?" I answered annoyingly.
"What took you so long that you couldn't even answer my call?" In his baritone voice and feeling annoyed.
Sira ulo! Siya pa ata ang galit, na siya itong panay istorbo sa'kin.
"Diba nagtext ako? at sabi ko abala ako sa essay ko! Ba't ang kulit-kulit mo? Wala ka bang ginagawa sa buhay mo at ako talaga ang pagtripan mo!?" Sabi ko habang nagsusulat sa papel nang kung ano-ano, pampatanggal lang ng inis.
"Nabasa ko, pero pwede mo naman yan tapusin pagkatapos nating mag-usap ah' iniiwasan mo lang talaga ako." He's starting to irritates me.
"Ano ba kasi ang kailangan mo at bakit panay text at tawag ka!? Asawa mo ang kulitin mo huwag ako, masyadong precious ang oras ko para pagka-abalahan ka." Ganting pang-aasar ko rito.
Then i heard cussing on the line! Definitely siya 'yon, I grimaced in triumphant.
"Magkikita ba tayo mamaya o hindi? Dahil kung hindi pupuntahan kita riyan sa kuya mo at talagang kakaladkarin kita papalabas ng bahay niyo!"
Biglang nanindig ang mga balahibo ko sa mga pagbabanta nito. 'knowing him at all, alam kong toto-tohanin niya ang kanyang mga tinuran, kaya bumuntong hininga na muna ako bago sumeryoso ng sagot.
"Okay! Pupunta ako, okay na?kasi na-aabala mo na talaga ako, alam mo ba ang dami kong homework? Tapos heto ka nang-iistorbo!" Taas kilay kong turan rito.
"Great! Well im sorry for disturbing you lemonade, do you need some help? I can lend a hand," He offered.
"No thanks, it's my homework not yours!"
Then pressed the end call button, saka hinagis sa kama ang cellphone sabay napasandal sa likod ng aking study chair.
May problema ba sila nang asawa niya at ganun nalang ito ka-abala sa pag-gambala sa'kin?'hissed!
Bumuntong hininga muli ako at nag-focus na muli sa aking essay, saturday ngayon at kailangan matapos ko lahat ng essay ko pagkakinabukasan dahil sa monday ko na ito ipapasa.
--------------
Sensya guys, medyo abala ako this days kaya bihira ang mga updates 🙏
Votes will be really appreciated by me and follow for more coming updates . Thank you so much and Love lotss ❤
BINABASA MO ANG
Lies Behind Truth
RomanceSa kabila ng lahat na nagawa ni Grey sa akin ay nanatili pa rin ang pag-ibig ko para sa kanya. Hindi ko alam kung katangahan o kamanhiran naba ito o talagang mahal na mahal ko siya kaya hindi ko siya magawang kalimutan at patuloy pa rin siyang minam...