Fever

119 4 0
                                    

Clara's POV

Pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayong araw at mainit rin ang hininga ko. Ngunit sa halip na umuwi ay tiniis ko pa rin at nagpatuloy sa'king trabaho hangang sa makauwi na ako ng apartment. Ilang sandali ay dumating na rin ang pina-order ni Grey sa'kin na panghapunan ko raw, inilapag ko muna ito sa mesa at tinungo ang banyo para sana magshower. Nagbabaka-sakali ako na humupa ang init na nadarama ko. Ngunit bigla akong nahilo at natumba sa loob ng banyo.

______________

Grey's POV

Hindi ako mapakali simula pa kanina at kating-kati na akong pumunta ng apartment para makita si Clara at alamin kung ano na ang ginagawa nito ngayon. Pagkatapos nang meeting ko ay madali naming tinungo ng driver ko ang apartment. Nagtaka naman ako dahil walang tao sa bahay. Kanina pa ako kumakatok sa pinto pero walang nagbubukas kaya mas kinabahan ako at kinuha ko ang extra key nang pinto para ito'y mabuksan. Nakita ko ang bag ni Clara sa mesa na naroon pati na rin ang pagkain na pina-order ko na hindi pa rin niya nagagalaw. Sabay kami ni Jack driver ko ang naghanap sa loob ng apartment nang may narinig akong ingay ng tubig sa loob ng banyo kaya agad ko itong tinungo at nakita ko nga si Clara nakahandusay sa sahig at nanginginig. Kaya madali kong kinuha ang tuwalya sa may pinto at binalot ang katawan nito saka binuhat papuntang kwarto para maihiga sa kama. Hindi ko naman alam anong dapat na gawin sa kanya, kaya pinipilit ko nalang itong gisingin.

"Hon_Hon! Wake-up," Hinahaplos-haplos ko ang pisngi nito at nagbabaka-sakaling magising ito. Ngunit nagpatuloy pa rin ito sa panginginig. Nilapitan naman agad ako ni Jack.

"Dalhin na natin si Clara sa malapit na ospital," Turan ko rito. Akmang bubuhatin ko na sana ito nang hinarang ako ni Jack kaya kunot-noo ko itong tinignan.

"What's wrong!?"

"Sir' ipagpa-umanhin niyo po pero kapag dinala natin si Ma'am Clara sa ospital baka makilala ka nang mga tao at maging headline kayo," Aniya.

Naisip niya pa talaga yun sa ganitong sitwasyon? pero may point naman ito. Kaya natigil din ako at binalik si Clara sa pagkakahiga. Naisip ko din naman agad si Vince dahil isa naman itong doctor kaya tinawagan ko siya at di-bale nang malaman niya ito kesa pabayaan ko si Clara dito na mamumutla na.

"Antayin mo si Vince sa labas nang pinto." Utos ko kay  Jack.

Nagmadali naman akong kumuha nang bimpo at plangganita na may tubig saka binasa ang bimpo at nilagay sa noo ni Clara. Para kahit papaano maibsan ang init nito. Ilang sandali pa dumating na rin si Vince dala-dala ang first aid kit nito. Halos malaglag naman panga nito nang makita akong may kasamang ibang babae maliban kina Trisha at Valerie. Alam ko ang magiging reaksyon niya kaya inirapan ko siya.

"Ano na doc? tutulala kana lang ba riyan o aasikasuhin mo itong pasyente mo?" I sarcastically say. Agad naman itong kumilos at kamuntikan ko pa sanang makalimutan na nakatuwalya lang pala si Clara. Kaya bago pa nito mabuksan ang tuwalya para kunan nang heartbeat pinigil ko ang kamay nito.

"Don't you dare touch my girl Vince!" Pagbabanta ko.

"Your insane bro! alam mo naman na kukunan ko siya nang heartbeat diba." Saad naman nito.

"Lumabas ka muna at bibihisan ko siya." Utos ko sa kanya.

"Kanina kapa andito hindi mo pa binihisan." Reklamo naman nito. Wala rin naman siyang nagawa kaya sinunod niya nalang ako. Lumabas siya at mabilis kong binihisan si Clara.

"Pumasok kana." Tawag ko.

Pumasok naman agad si Vince at tinignan agad si Clara. Habang tsine-check nito si Clara umupo muna ako sa single sofa na katabi lang nang higaan namin para kahit papano makapagrelax ako sa sobrang kaba. Ilang minuto pa ang lumipas natapos na rin ito at nilapitan ako na napahalukipkip pa na para bang may kasalanan akong nagawa. Hindi ko nalang ito pinansin saka tumayo at nilapitan si Clara at umupo sa tabi nito.

Lies Behind TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon