Make Over

52 2 0
                                    

Clara's POV

Halos malalaking hakbang ang lakad ko dahil sa gusto ko nang makaalis sa letseng building na'to. Bakit ba ang init ng ulo niya!?at talagang napapamura pa sa'kin, hindi naman siya ganyan sa akin dati.

'Clara! It's been 2 years na, kaya marahil nagbago na ang ugali niya.' Bulong nang isang tinig sa utak ko.

Bakit naman kasi masyado akong apektado sa galit niya, issh! Kamuntik pang tumulo ang luha ko, mabuti nalang talaga at napigilan kong mapahikbi sa harap niya.

-

Pagbalik ko sa pastry shop wala na masyadong tao at diretso ako sa counter kung nasaan si Xia at inabot rito ang cheque.

"Oh' kumusta delivery? nagbigay ba ng tip?" Nangingiting tanong ni Xia sa'kin.

"Sobra pa sa tip!" Aniko.

"Wow! Talaga, patingin nga." Mabilis naman niyang tiningnan ang chekeng inabot ko sa kanya at halos napakurap-kurap nalang si Xia rito.

"Ang laking tip! Halos triniple niya ang bayad sa cake!" Hindi makapaniwalang turan ni Kylie sa'kin at Xia. Pumasok naman ako sa loob kung nasaan si Kylie at umupo sa bakanteng upuan na sa tabi lang niya.

"Worth it pagod mo sissy," Natutuwang anito sa'kin. I rolled my eyes saka napasandal sa likod ng inupuan ko at napabuntong hininga.

"Ugh! Hindi ko kailangan nang tip Xi alam mo yan," Aniko.

Hindi naman talaga ako natutuwa o nasisiyahan sa mga tip na binibigay sa amin, lalo na kapag maayos ang trabaho namin nagbibigay talaga sila nang malalaking tip. Pero ako, dalawa lang gusto ko ma-appreciate at masarapan lang sila sa ginawa kong cake? Okay na ako dun, sobrang laking kaligayahan na 'yon para sa'kin.

"Galante pala ang may-ari nang Valdimore Shipping." Nangingiting turan ni Xia na nasa harapan namin at nagpupunas ng counter.

"Hmm,hindi naman! Tiyak ako nagyayabang lang yon!" Kontra ko agad sa sinabi nito.

"Hah? Bakit!? Paano mo naman nasabi?" Nagtatakang tanong ni Kylie.
Napaawang naman ang labi ko. 'nadulas na naman itong bibig ko.'

"Wala! Kalimutan niyo na 'yon, sige na magpapahinga na muna ako, kayo na bahala sa tip na yan,"

Sabi ko saka tumayo at lumabas galing sa counter, habang Xia ang naiwan 'ron. Malamang si Yuri nasa kusina para magbake. Hindi na ako nagpaalam kay Yuri,sa halip kay Xia at Kylie nalang ako nagpaalam.

"Kayo na bahalang ipagpaalam ako kay Yuri, uuwi na ako eh! May essay na naman kasi ako."

Saad ko kay Xia at Kylie, kumaway lang ito at lumabas na ako sa shop.

-

Madali kong tinungo ang kwarto ko at pahampas na humiga sa kama. Bakit feeling ko ang bigat nang pakiramdam ko ngayon!? Akmang pipikit na sana ako para matulog nang tumunog bigla ang cellphone ko. Napabalikwas ako nang bangon saka kinuha sa bag ko ang phone at tiningnan kung sino ang tumatawag, napaikot ang mata ko nang number ni Grey ang nag-appear rito. Hindi ko sana sasagutin kaso alam kong mangungulit lang ito kaya sinagot ko nalang.

"Bakit?" Tanong ko agad.

"Nasa labas ako nang bahay niyo," sagot nito.

Napatayo ako sa higaan at sumilip sa aking bintana, nakita ko agad ang kotse nito, kaya humugot na ako nang mararahang paghinga at pinatay ang tawag nito. Saka bumaba para puntahan ito.

'Buti naman at nakabukas lang ang bintana ng kotse nito kaya hindi na ako nag-abala pang kumatok.

"Ano na naman ginagawa mo rito Grey?" Kalma kong tanong rito. Ngumisi lang ito habang nakatingin sa'kin.

"May pupuntahan tayo," Nakangising sagot nito.

"Saan?"

"Hop in lemonade," Sabay kindat sa'kin.

I rolled my eyes before hopping into his car, saka mabilis na pinaharurot nito ang kotse. Ayokong sumakay o sumama sa kanya pero alam ko naman na hindi ako makakatanggi lalo pa sa isang gaya niyang sobrang kulit. Kaya imbes na makipag-argyumento ako sa kanya susundin ko na lang siya para walang pagtatalo na mangyayari.

Sa ilang minutong byahe dinala niya ako sa isang hotel na naman at syempre magarang hotel ito.

"Ano na naman gagawin natin sa hotel Grey? ikaw talagang namumuro kana sa'kin!"

Reklamo ko habang palabas ng kotse nito, he just sly smiled and pulled me. Saka pumasok kami sa hotel hangang sa nakapasok sa elevator at pinindot nito ang 34th floor. Pagkarating namin sa floor na iyon, pinasok namin ang isang room doon na marahil sa kanya.

'Milagro hindi ka naglaban sa paghihila sa'yo ni Grey Clara!?' Tanong nang isang maliit na tinig sa utak ko.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito Grey?kanina kapa puro lang ngiti!"
Naiinis kong turan rito,  binitawan nito ang pulsuhan ko at kinuha ang phone sa bulsa niya saka may tinawagan, hindi na ako nakinig pa at binaling sa palibot ang paningin ko. 'bakit ang hilig-hilig nilang mayayaman sa mga ganitong klaseng hotel!?aksaya sa pera!' Bulong ko sa sarili.

"Mag-antay ka lang babe,"
Anito sabay upo sa mahabang sofa.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito?at saka ano ba gusto mo? bakit ang hilig mong kaladkarin ako sa kung saan-saan, ginagawa mo akong tuta alam mo ba 'yon?" Puno nang sarkasmo ang mga salita ko at talagang nakaupo lang itong tinititigan ako habang ako nakatayo sa harap niya na napapamwestra pa habang nagsasalita.

"Pipi kana rin ba?" Gigil kong tanong.

He just shrugged, nang may bigla akong naalala. May naiwan pala akong sigarilyo sa bulsa ko at nakita ko naman ang lighter sa mesa na nasa harap lang ni Grey, kinuha ko ang siga sa bulsa ko at saka mabilis na dinampot ang lighter sa mesa at nang akma ko nang sisindihan, biglang tumayo si Grey and grab the lighter on my hand easily.

"Ano ba!?" Reklamo ko.

"What!?" He seriously say.
Kitang-kita ko ang biglang pagbabago ng emosyon nito and he didn't even blink! Even a second. At alam kong galit ito.

"Pati paninigarilyo ko pakikialaman mo na?" Taas-kilay kong tanong rito,

"When your with me you can't smoke!" Maikling saad nito.

"Ano!?bakit?" Gulat kong tanong.
Marahil wala pa nga itong alam na naging habit ko na ang manigarilyo lalo na kapag naiirita o naiinis ako, syempre maliban kapag kasama ko si kuya at mga kaibigan ko, I don't smoke when im with them.

"Hindi ko gustong naninigarilyo ka sa harap ko! Hindi nga ako naninigarilyo."
Mariin nitong turan habang nakapamulsq at nasa bulsa na nito ang lighter.'sinicured!'

"Tss! Habit ko na yan bakit pinakikialaman mo!?" Naiinis na tuloy ako lalo, ginagawa niya akong sunod-sunuran sa kanya.

"If you smoke I will punish you! And believe me babe, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo." Pagkasabi nito ay sabay balik sa sofa at umupo, and I just stand there stilled! 'Feel ko ang biglang pagtaas ng init sa katawan ko dahil sa mga sinabi nito. 'why I still can feel this burning sensation on him!

Nang biglang may kumatok.

"Come In," Ani ni Grey.

Pumasok naman agad ang mga tao na nasa labas at kabilang 'non ang mga bodyguards ni Grey saka assistant nito, maliban sa ibang tao na hindi ko kilala.

"Ano 'to? sino yang mga kasama ng tauhan mo?" Salubong kilay kong tanong habang nakatingin sa kanya na nakaupo lang ng kaswal. 'the sophisticated Grey Hunnter Valdimore !' Bansag nang karamihan sa kanya.

"Just watch sweetie,"

Anito sa'kin.

------------

Follow for more updates :)

Lies Behind TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon