Charity ball

51 2 0
                                    

Clara's POV

Hindi ko alam na isa palang charity ball ang pupuntahan namin at talagang hindi niya pa sinabi sa'kin. Kumuha pa talaga siya nang mga taong magpapaganda raw kunu sa'kin at kahit sa pananamit ko sila rin ang nagpasya kung anong mas bagay daw na isuot ko.

And here we are now, halos hindi ko akalain na ang daming tao at talagang napaka-stunning nang charity ball na'to, pero syempre hindi mo agad sila makikilala dahil sa mga maskara na nagkukubli sa kanilang mga hitsura, and obviously this is a masquerade charity ball.

Paglabas ko sa kotse ni grey madali niyang hinapit ang beywang ko at kinabig papalapit sa kanya.

"You looked gorgeous and wonderful lemonade," Aniya habang dinadampian ako nang halik sa balikat. Napaikot naman ang mata ko sa mga tinuran niya.

"Bola pa more Mr.Valdimore!" Turan ko.

"Stop rolling your eyes babe,"
Aniya habang sinusulyapan ako at ang mga tao sa loob ng event hall.

"Paano mo nalaman?" Nagtataka kong tanong.

"You often do that babe everytime your pissed or annoyed". Nakangiting turan nito, naka-half mask lang ito kaya nakikita ko pa rin ang labi nito.

'Akalain mo nga naman alam pa pala niya habit ko,' sa isip ko.

Umupo kami sa isang table roon at kahit sa pag-upo namin hindi niya pa rin inalis ang kamay nito sa beywang ko at talagang may kasama pang himas.'mga the galawan ni grey! Lakas maka ninja moves.

"Wala ka bang plano na tanggalin ang kamay mo sa beywang ko grey?"
Tanong ko habang iniirapan siya.

"Wala babe," Mabilis at nakangiti nitong sagot. Napaikot nalang ang mata ko sa pagiging mapang-angkin nito. Hindi naman siya ganito sa'kin dati, pero bakit nag-iba siya ngayon?

"Wala naman sigurong kukuha sa'kin rito grey," I casually said.

"I don't think so," He just shrugged. Nagtaas naman agad ang isang kilay ko.

"Anong you don't think so!?" Nagtataka kong tanong.

"Ssh! Just go with the flow my love," Anito.

Napabuntong hininga na lang ako at nanahimik habang nanunuod sa mga nangyayari dito sa loob ng event hall. Hangang sa nagsisimula ng mag-bidding nang mga paintings at iba't-ibang uri na mga kakaibang gamit ang host.

May biglang nagsalita at nag-angat nang kanyang Tag na numero lang ang naka-indicate.

"250 thousand," Sabi nito.

"300 thousand," Ani naman nang isa na number 24.

"400 thousand," Yung isa naman na number 30.

"Anyone?going once,going twi---" Ani ng host.

"500 thousand," Sagot naman ng number 21.

"500 thousand, anyone?going once,going twice!," Ani nang host.

Wala nang nag-angat nang kanilang numero kaya.

"Sold to number 21," Ani ng host.

Nagpalakpakan naman ang mga tao, habang ako halos malaglag ang panga sa mga narinig kong halaga para sa iisang painting lang. Ganito ba talaga ang nature ng mga mayayamang tao? Makikipag taasan ng presyo para lang sa isang painting! Samantalang kami mga mahihirap halos makipagtawaran pa sa mga nagbebenta para lang makuha ang gusto naming item.

"Hey are you okay?" Nag-aalang tanong ni grey sa'kin, habang nakahimas sa likod ko.

"Ahm,yeah okay lang, medyo nalula lang ako sa mga halaga na naririnig ko." Pag-amin ko rito.

Lies Behind TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon