Nina's POV
Ako si Nina. Isang babaeng gusto ng kasagutan sa katanungan na..
Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pag-ibig?
Nagtanong tanong ako sa mga taong aking nakakasalubong at tinanong ko kung ano bang meaning ng pagmamahal.
"Ate, pwede po ba magtanong?" tanong ko. Nandito ako ngayon sa MRT. Alam kong madaming naghihintay ngayon dito para sumakay kaya naisip ko na dito magtanong tanong.
"Nagtatanong kana diba?" sagot ni ate na nakapormang pang sosyal. Nakasuot ng branded na damit at nakasukbit sa kanyang mga braso ang kanyang branded na bag. Halatang masungit si ate. Meron kaya siya?
"Ayy. Ma'am para sayo po, love means what?" tanong ko habang nakahanda yung papel at bolpen ko para isulat ang kanyang mga kasagutan.
"For me, Love ay ang salitang pinapangarap ko." sagot niya. Makikita mo sa kanyang mga mata yung lalim ng hugot niya sa kanyang mga kasagutan.
Paano niya nasabi na LOVE ay ang salitang pinapangarap niya?
----
Chloe's POV
Ang weird nitong babaeng 'to. Ang dami namang pwedeng itanong pero bakit yun pa? And guess what? Sakin pa?
I can't define the true meaning of love but for me it's a dream.
When I was bata pa.. Ako yung ugly duckling ng pamilya ko. Ako yung pinaka pangit. Pinaka malas, I don't know kung bakit nabuhay pa ko eh. Hindi ako mahal ng ni isang miyembro ng pamilya namin. Si mama na dapat nagtatanggol sakin? Isa rin siya sa mga nagpapahirap sa buhay ko pero dahil mahal ko sila, hindi ko ito pinapansin.
Pati yung mga kapatid ko? hindi ako trinatrato as kapatid. Pakiramdam ko nga eh ako yung utusan nila.
*FLASHBACK*
Hindi ko ginawa yung isa sa mga pinag uutos nila.
"Bakit hindi mo nilabhan yung uniform ko para bukas? Ano? Hindi ako papasok bukas?" sabi ni ate.
"Bakit hindi mo nilinis yung kotse ko? Hindi na ako makakapasok sa trabaho niyan!" sabi naman ni kuya.
"Bakit hindi mo plinantsa yung damit na susuotin ko bukas? May meeting ako Chloe! Ang malas ko talaga at naging anak pa kita! Wala kang silbi!" sabi naman ni mama.
"Bakit hindi mo ginawa yung project ko ate? Pag ako bumagsak! Susumbong kita kay papa!" sabi naman ni bunso.
"Asan na yung pinapakuha ko sayo? Lintik ka talaga! Dapat pinakunan ko nalang yang nanay mo para hindi kana nabuhay pa!" sabi naman ni papa.
Hindi ko alam kung ampon ba ko o talagang malas lang talaga ako sa buhay nila. Malas na nabuhay pa ko. Tinangka ko ng magpakamatay pero hindi ko rin naman nagawa kasi hindi ko kayang iwan sila mama.
Nung sinisigawan ako ni mama. Dun ko nagawang magtanong.
"Ma, anak mo ba talaga ako?" tanong ko sa kanya. Nahinto naman siya sa pagsigaw niya.
"Bakit hindi mo manlang ako tinatawag na anak? Bakit hindi mo ko tinatrato na anak mo? Bakit ma?" tanong ko at tuluy-tuloy ng pumatak yung luha ko.
"Chloe, anak kita.." yung mga salitang ang sarap pakinggan.
"Pero sana hindi nalang kita naging anak. Wala kang silbi eh! Tigilan mo na nga 'tong kadramahan mo!" pagpapatuloy niya sa kanyang mga sinasabi sabay kutos sakin.
*END OF FLASHBACK*
At yun, mga ilang araw lang nun eh pinalayas ako sa bahay. Ten years old palang ako non. Naranasan kuna yung hirap.
Pero nagawa kong magsumikap para sa sarili ko. At tignan mo ko ngayon, may sariling condominium, may sariling mansyon, may bodyguard, may sampung maids, may sarili na akong building company at may mamahaling kotse na nakaparada sa parking lot ng mansyon ko na AKO ANG NAGMAMAY-ARI.
Kinakamusta ako ng pamilya ko pero hindi ko sila magawang patawarin eh. Nananatili sakin yung sakit. Yung kinamumuhian nila ako dati. Tapos ngayong alam nilang meron na akong maipupundar. Pinaparamdam naman nila saking ako yung tunay nilang anak.
For me, Love ay ang salitang pinapangarap ko noon pa na hindi magawang ibigay sakin.