Nina's POV
Muli akong naghanap ng pwedeng pagtanungan.
Nakita ko yung isang lalaking naka-headset.
"Sir, pwede magtanong?" tanong ko sa kanya habang napapa onting head bang sya sa kantang pinakikinggan niya.
"Okay. Ano yun?" tanong niya naman.
"Para sayo, love means what?" tanong ko at nandyan parin si magic ballpen and paper.
"Love? Sus! Walang forever!" sagot nito. Ang bitter naman.
Paano niya kaya nasabing walang forever?
-----
Bryan's POV
Yung babaeng nagtanong sakin? Isa lang masasabi ko sa knya forever never exist.
Nagawa ko na kasing maniwala sa salitang forever.
Natatandaan ko pa yung mga panahong kasama ko yung forever ko. Pero naghiwalay din kami eh. Ilang years kami nun. Sabi sayo eh, walang forever.
Siya yung taong, pag napapatingin ako sa kanya. Mapapangiti nalang ako bigla kasi alam kong siya na yung tao para sakin. Siya na yung taong inilaan para sakin. Siya na yung taong kasama kong magpapakilala sa salitang forever.
Pero dumating yung isang araw na nagfade yung salitang forever.
*FLASHBACK*
"Bryan, may aaminin ako." sabi niya habang alam kong seryoso yung sasabihin niya.
"Ano yun?" tanong ko at naging seryoso narin ako.
"Pinagsabay ko kayo nung bestfriend mo." sabi niya.
Sobrang sakit sakin nung nalaman ko yun. Pinangunahan ng galit yung puso ko kaya nagawa ko siyang sigawan at dun ko nagawang makipag-hiwalay sa kanya.
Umiyak siya sa harapan ko. Sinabi niya sakin kung gaano niya kamahal yung bestfriend ko at wag ko raw sasaktan yung bestfriend ko dahil parang sinaktan ko na raw siya.
Ang galing no? Nagawa niya akong pakiusapan na wag kong saktan yung taong isinabay niya sakin. Ito naman ako at sinunod siya. Mahal ko eh. Sobrang mahal. Kahit masaktan pa ko ng paulit ulit? Mamahalin at mamahalin ko siya pero mas mahal niya yung bestfriend ko eh kaya hinayaan ko na siya.
*END OF FLASHBACK*
Naniwala ako sa forever noon pero ngayon for me, walang forever.