Nina's POV
Pumunta ako sa isang grocery store para may stock akong food sa bahay nung nakita ko yung babaeng boyish na pinagtanungan ko dati.
"UY!" tawag ko sa kanya.
-----
Kris' POV
"UY! Ikaw yung babaeng nagtanong sakin about sa meaning ng love diba?" tanong ko.
"Oo ako nga yun. And ikaw yung babaeng nagsabi ng love means breaking all the rules?" tanong niya.
"Oo ako yun." ngiti ko saknya.
Ngayon, kami na uli ni Nathan. Pinilit niya talaga ako sa mama niya kahit hindi talaga gusto ng parents niya.
Sabi niya rin sakin na hindi naman namin kailangan maghiwalay eh kung yun yung problema. Meron lang talagang right time sa lahat ng nangyayare kaya nung naghiwalay kami. Ilang taon pa ang nakalipas ng maging kami uli. At wag ka, tinanggap na ako ng mama niya. Pinakita ni Nathan sa mama niya kung ano yung nagustuhan niya sakin. Dun naman ako na-touch kay Nathan.
Hindi niya naman daw kasi ako minahal sa kung ano panlabas na anyo ko eh. Minahal niya ako sa kung ano ako at kung gaanu kaganda yung kalooban ko.
Love means it doesn't matter kung ano siya, kung ano edad niya o etc. Kapag mahal mo ang isang tao, tanggap mo kung ano siya.
