Nina's POV
Simula nung nakilala ko yung lalaking nakatuxido suit na yun? Naging matalik kaming magkaibigan kahit may crush na talaga ako sa kanya. HAHAHAHA!
Ngayon, kami na. Niligawan niya ako ng 5 months. At wag ka, sa parents ko siya unang nanligaw. Tinanggap naman ng parents ko at ngayon sakin na siya nanliligaw. Nakakatuwa lang talaga sa pakiramdam. :)
Pero hindi ko parin alam kung anong tunay na kahulugan ng LOVE!
Sumakay akong muli sa MRT at nakita ko yung lalaking nagbabasa dati na nakatayo ngayon sa harapan ko at ako naman yung nakaupo. Tatanungin ko na sana siya ng biglang..
-----
Adrian's POV
"UY! Ikaw yung babaeng nagtanong sakin dati diba?" tanong ko sakanya.
"Ikaw yung lalaking nagsabi ng love means exposing yourself to the pain of being hurt by someone?" tanong niya sakin.
"Yes that's me!" sabi ko sabay ngiti.
Oo naniniwala ako dun sa sinabi kong yun.
"Alam mo naniniwala na rin ako sa love na if it's meant to be. It is meant to be." sabi ko saknya sabay ngiti.
Naalala mo yung babae dati na nakipaghiwalay sakin.
Kami na uli ngayon. Wala eh, if it's meant to be. It is meant to be.
Ngayon, ipinagpapatuloy namin yung relationship na naudlot before. Sinabi niya sakin na nung nagbreak kami, hindi niya naman nakita yung spark na hinahanap niya eh. Nasa akin lang daw kasi yun :)
![](https://img.wattpad.com/cover/35189977-288-k10236.jpg)