Nina's POV
Pumunta ako sa UP para puntahan yung forever ni Bryan nung bigla kong makita yung babaeng napagtanungan ko rin kung anong kahulugan ng pag-ibig.
-----
Nathalie's POV
"Ikaw yung babaeng nagtanong sakin kung anong meaning ng love diba?" tanong ko.
"Oo ako nga. Ikaw yung nagsabi sakin na love knows no distance diba?" tanong niya naman.
"Yes ako yun." sagot ko naman.
Ngayon, yun parin yung kahulugan sakin ng love kasi pinatunayan sakin ni Cjay yun.
*FLASHBACK*
Nagulat ako nung salubungin niya ako sa labas ng UP.
"Oh ano ginagawa mo dito?" tanong ko saknya.
"Surprise!" sabi niya naman sakin.
"Baby, nagkamali ako. Alam kong hindi tayo mapaghihiwalay ng salitang distance kaya nandito ako sa harapan mo para hingin sayo yung second chance. Can I have a second chance?" tanong niya sakin.
Napangiti naman ako.
"Baby, thank you. I'll give you second chance." sagot ko naman.
Nagulat ako ng bigla itong napatalon at sumigaw sigaw pa ito. Mukha kaming timang na pinagtitinginan ng ibang tao pero hindi ko ito pinapansin. Alam mo yung pakiramdam na parang kaming dalawa lang.
*END OF FLASHBACK*
Ngayon, kahit magkalayo kami. LOYAL parin kami sa isa't isa.
