Nina's POV
Nagtanong tanong akong muli kung anong kahulugan ng pag-ibig.
Nakita ko yung isang babaeng napaka inosente ng pananamit nito.
"Miss, pwede po magtanong?" tanong ko.
"Ano yun?" sagot nito.
"Para po sayo, love means what?" tanong ko.
"For me, love knows no distance."
-----Nathalie's POV
Nagtanong sakin yung babae. Dun ko natandaan yung nangyayare sakin ngayon.
Natandaan ko pa yung panahon na kami na ni Cjay. Madaming tumututol, madami kang maririnig na mga bad comments pero hindi naman nila yun dapat pakielaman eh. Kasi buhay namin yun, kami ang magpapatuloy nun. Hindi sila.
Hindi kami sumuko dun. Hindi namin pinansin lahat ng sinasabi ng ibang tao. Hindi nga rin ako naniniwala na may ibang babae si Cjay eh. I'll wait na siya mismo ang magsabi sakin. Kapag nasabi niya sakin, tska ako maniniwala. Ayoko magduda. Kasi may tiwala ako sa kanya.
Until one day..
*FLASHBACK*
"Cjay, guess what?" tanong ko sa kanya.
"What?" tanong niya.
"Nakapasa ako sa UP! Pangarap kong university yun." sabi ko sa kanya. Nagulat naman ako sa reaksyon niya na para bang binuhat niya lahat ng problema sa mundo.
"Anong problema? Hindi ka ba masaya para sakin?" tanong ko.
"Masaya ako para sayo pero iniisip ko palang na malalayo ka, nalulungkot na ko." sabi niya.
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Dumating yung araw na lilipat na ako sa manila. Dun na ako titira para malapit ako sa university.
Nagdesisyon siyang makipagbreak muna sakin kasi hindi niya raw kaya ng long distance relationship. Tinanggap ko yon kasi nagdesisyon na siya eh.
*END OF FLASHBACK*
For me, love knows no distance. Sana para sa kanya ganun din.
