Three

99 1 0
                                    

Nina's POV

Bumaba ako sa isang station sa MRT.

Nakita ko yung isang babaeng porma eh akala mo lalaki. Parang boyish. Ganun! Pero bagay naman sakanya yung pagka-boyish niya.

Lumapit ako sa kanya.

"Miss, pwede magtanong?" tanong ko.

"Sige sige. Ano ba yun?" tanong niya.

"Para sayo, love means what?" tanong ko at nakaready na ang aking papel at bolpen.

"Para sakin, love means breaking all the rules."

Paano niya nasabi na love means breaking all the rules?

----

Kris' POV

Nagtanong sakin yung isang babae.

Diba merong love at first sight tapos merong forbidden love. Medyo relate ako dun sa forbidden love.

Na-inlove kasi ako sa taong perfect. I mean almost perfect.

Mayaman, matalino, kilala siya, mabait, gentleman, hindi babaero at may respeto sakin. Yung almost perfect na talaga.

Niligawan niya ako ng ilang buwan. Sinagot ko naman at gusto rin naman siya ng pamilya ko. Sobrang sweet din kasi nung taong yun eh, halos ipadala niya sakin lahat ng gusto niya para sakin. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ako yung nagustuhan niya.

Mayaman siya, hindi kami mayaman. Mansyon bahay nila, normal na bahay lang naman yung samin. Hindi kami compatible!

Until one day..

*FLASHBACK*

"Mom, Dad. Si Kris, she's my girlfriend." pakilala niya sakin sa pamilya niya. Nasa mamahaling restaurant kami nung pinakilala niya ko. Hindi ako handa nun, kaya naka pants and tshirt lang ako at nakatsinelas. Hindi niya sinabi na ipapakilala niya na ako kasi gusto niya raw makilala ako ng parents niya kung sino tlga ako.

Kumain na kami at ang dami nilang tanong sa buhay ko.

"What's your family business?" tanong nung mom niya.

"Ahm.. meron po kaming sari-sari store." sagot ko naman.

"Wala kayong company?" tanong parin nung mom niya.

"Ahm.. wala po." sagot ko naman. Nagpaalam si Nathan para mag CR.

"Kris, I don't like you for my son. So you should know your limitations. Hindi ka bagay dito! To solve the problem? Makipaghiwalay kana sa anak ko." sabi naman nung mama niya.

Napatulala lang naman ako sa kanya.

*END OF FLASHBACK*

Forbidden love? Sabi sayo eh, hindi kami compatible. Hindi kami nararapat.

Nung nakauwi na kami nung araw na yun. Ilang buwan lang eh nakipaghiwalay na ako kay Nathan. Hindi ko narin sinabi kung anong rason. Hindi niya narin naman dapat malaman eh.

Hanggang ngayon, nagpaparamdam parin siya sakin. Ilang buwan kong hindi pinansin yung sinabi ng mama niya kasi for me, love means breaking all the rules. Pero madaming beses na inuuntog sakin yung mga sinabi ng mama niya.

Love means what?Where stories live. Discover now