Nina's POV
Love means what nga ba?
Nagsusulat ako sa magic paper ko ng bigla akong may mabunggo..
Tumalsik yung ballpen at paper ko.
Napatingin ako dun sa nakabunggo ko.
Isang lalaking nakatuxido suit. Matutulala ka sa sobrang kagwapuhan niya. At yun na nga ang nangyare sakin.
"Sorry." sabi niya at pinulot niya yung magic paper and ballpen ko. Boses niya palang, nakakapagpatibok na ng puso. Wala namang akong ginawa kundi titigan siyang pulutin yung magic paper and ballpen ko.
Humarap ito sakin at iniabot yung nahulog na gamit ko.
"Pwede magtanong?" yan lang yung mga salitang lumabas sa bibig ko.
"Ano yun?" sabi niya sabay ngiti. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko.
"Love means what?" tanong ko habang nakatingin parin sa kanya.
"Next time sagutin ko yan. Can I have your name?" tanong niya.
"I'm Nina." sagot ko naman sa kanya sabay ngiti.
-----
5 YEARS LATER
Chloe's POV
What a coincidence? Nakita kong muli yung babaeng nagtanong sakin kung anong ibig sabihin ng LOVE. Nilapitan ko siya.
"Miss. Remember me?" tanong ko sakanya.
"Ikaw yung nagsabi ng love ay yung salitang pinapangarap mo diba?" sabi nito sabay ngiti.
"Oo ako nga." balik kong ngiti sa kanya.
"Alam mo ba na naniniwala na kong Love ay dapat merong kapatawaran." sabi ko saknya.
*FLASHBACK*
Dumating yung araw na pumunta ako sa bahay namin nila mama kasi birthday nung bunso kong kapatid.
Niyakap ako ni mama. Yun yung salubong niya sakin. Yun rin yung unang pagkakataon na niyakap niya ko.
Masaya naming sinelebrate yung okasyon ng bunso kong kapatid.
Pagkatapos non, uuwi na sana ako nun eh. Nung biglang magsorry sakin si papa at umiyak pa ito. Makikita mo sa kanyang mga mata yung katotohanan ng sinasabi niya.
"Anak, patawarin mo ko sa nagawa kong kasalanan. Patawarin mo kami. Ayos lang kung hindi mo muna kami mapatawad ngayon pero sana pagdating ng panahon, mapatawad mo na kami. Nung pinalayas ka namin dito sa bahay? Hinanap ka nmin nun. Hindi kami halos makatulog. Masyado kaming naging panatag na mahal mo kami." sabi ni papa habang umiiyak sa harapan ko.
Umiyak din naman si ate at si kuya. Naiyak na rin si mama pati si bunso. Unti-unting nawala yung galit sa puso ko nung tunay na yakap yung binigay nila sakin.
Pinatawad ko naman na sila.
*END OF FLASHBACK*
Ngayon, ito kami sama sama. Ibang iba yung trato nila sakin ngayon sa noon. Ako na yung matatawag na anak nila mama't papa. Kapatid nila ate't kuya at nakakatandang ate sa bunso kong kapatid. Ang saya pala sa pakiramdam ng ganto. Wala na akong hihilingin pa :)
Pinag aaral ko yung bunso kong kapatid, at nagpupursige itong makapagtapos ng pag-aaral. Sila mama't papa naman eh nagpapahinga na lamang. Sila ate't kuya, may sari-sarili ng pamilya at ako yung tita nila. Kinikwento nila yung ginawa nilang kamalian sakin sa mga pamangkin, ikiniwento nila ito para matuto ng lesson ang mga bata.