Two

146 1 0
                                    

Nina's POV

Nagtanong ako sa isang pasahero sa MRT.

"Sir, pwede magtanong?" tanong ko sakanya. Siya naman ay nagbabasa ng isang libro. Ako eh nakatayo habang siya yung nakaupo sa harapan ko. Umaandar na yung train.

"Yes, ano yun?" tanong nito na halata mong matalino siya.

"Para sayo sir, love means what?" tanong ko. Hawak hawak ko parin yung papel at bolpen ko.

"For me, love means exposing yourself to the pain of being hurt by someone." sagot nito.

Paano niya nasabing love means exposing yourself to the pain of being hurt by someone?

-----

Adrian's POV

Nung tinanong ako nung babaeng nasa harapan ko. May isang babae akong naalala..

Yun yung babaeng lagi kong kasama, lagi kong kakulitan, lagi kong sinusundan kahit naiirita na siya, lagi kong pinagtritripan, lagi kong tinutulungan sa mga projects niya at lagi kong aalagaan.

Pero nag iba na kasi ngayon eh. Hindi na kami laging magkasama, hindi na kami nagkukulitan, hindi ko na siya sinusundan kasi nahihiya na ko, hindi ko na siya magawang pagtripan, hindi ko na siya natutulungan sa mga projects niya at hindi ko na siya magawang alagaan. In short, HINDI NA KAMI YUNG DATI.

Ang daming nagbago nung nagbreak na kami. Lagi na rin kasi kaming nag-aaway. Lagi na siyang umiiyak ng dahil sakin. Kaya napagdesisyunan ko tanggapin yung pakikipagbreak niya. Ayoko na syang makitang umiiyak pa. Hindi narin kami nagkakasundo. Wala na kaming usap ng matino.

*FLASHBACK*

"Adrian, makikipagbreak na 'ko." sabi niya sabay umiyak.

"Ayoko." sagot ko naman at niyakap ko siya.

"Pagod na pagod na ko. Simpleng bagay pinag aawayan natin. Hindi na tayo katulad nung dati. Ayoko na." sabi niya naman at umalis siya sa pagkakayakap ko.

"Mahal kita pero parang wala ng spark." pagpapatuloy niya.

"Adrian, sorry." sabi niya at tumalikod na siya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad na siya palayo sakin.

Napabulong nalang ako ng..

"I had a lot of reasons to give up on you. But I still chose to stay. You had a lot of reason to stay. But you chose to give up."

*END OF FLASHBACK*

Tama lang siguro yun para hindi na namin masaktan yung isa't isa.

For me, love means exposing yourself to the pain of being hurt by someone.

Love means what?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin