FAMILY DINNER

121 6 0
                                    


KAYE P.O.V

"Ate anu ba bilisan mo nga. Kahit kelan talaga ang bagal mo gumalaw. Pagong ka talaga.-" sigaw ni Kyla mula sa labas ng kwarto.

"Oo na lalabas na.-" sigaw ko din. Bakit kasi kaylangan pa ako magbihis ng casual kung kakain lang naman kami buti sana kung sa labas eh dito lang naman sa bahay.

Pagbaba ko ang daming pagkain ang nakita ko. Anung meron?

"Ma? Ang dami nyo naman po atang niluto? Apat lang naman tayo di po natin yan mauubus.-" sabi ko.

"May bisita tayo kaya marami ang hinanda ko-" paliwanag ni Mama habang inaayos ang dining table.

Maya-maya pa narinig kong may bumubusina sa labas ng bahay.

"Andyan na siguro sila.-" sabi ni Tatay.

"Ako na po ang magbubukas-" pagpepresenta ni Kyla.

Nangbuksan ni Kyla ang pinto nagulat ako kung sino ang iniluwa ng pinto. Si Mr. Kupal and his family.

"Pasensya na kung medyo late kami ha. Medyo traffic e.-" sabi ng mama ni Kupal.

"Okey lang yun Balae. Sakto nga lang kasi kakatapos ko palang magluto e. Halika na't kumain muna tayo-. alok ni Mama. Grabe balae talaga.

"Hello Ate Kaye.-" nakangiting bati sa akin ni Rhea kapatid ni Kupal.

"Ah hello.-" medyo awkward kong sagot

"Ang ganda ni Ate Kaye ngayon diba kuya Rhenz.-" dagdag pa ni Rhea sabay siko sa kuya nya. Inirapan lang ako ng kupal tapos ngwalkout.

"Yaan mo si kuya wala lang siguro sya sa mood.-" Rhea.

"Okey lang yun. Wala naman akong pake sa kuya mong kupal e.-" sabi ko tapos umupo na kami para kumain.

Habang kumakain kami yung mga magulang namin tuloy-tuloy lang sa pagdadaldalan. Mukhang close talaga ang mga pamilya namin. Habang ang lahat masayang nagkukwentuhan. Kami namang dalawa walang humpay ang irapan namin. Mainit talaga ang dugo namin sa isa't-isa kaya paanong nangyari na naging kami at nakatakda pang ikasal.

Hanggang sa matapos ang dinner di man lang kami nag-enjoy dalawa ni Kupal dahil katulad ko di rin sya makarelate sa mga pinag-uusapan ng mga pamilya namin buti na lang masarap yung luto ni Mama kahit papanu nagustuhan ko ang Dinner na to. Matapos kumain nagchickan naman sila. Sila Kyla tska si Rhea naman umakyat sa taas dahil may pag-uusapan daw sila kaya napagpasyahan ko na lang lumabas sa may garden para magpahangin.

"Hays buti pa dito peaceful.-" sabi ko tapos umupo ako sa may upuan.

"Kanina peaceful dito pero ng dumating ka ng iba na ang ihip ng hangin-" mayabang na sabi ni Kupal.

"Bakit nandito ka?" tanung ko nagulat kasi ako ng bigla syang magsalita.

"Bakit ikaw lang ba pwdeng pumunta dito?-" sabi nya tapos lumapit sa akin.

"Bakit sinabi ko ba?" sabi ko tapos inirapan ko sya. Umupo naman sya isa pang bakanteng upuan.

"Anung plano natin?-" seryosong tanung nya.

"Plano saan?" nagtatakang tanung ko. Nagulat naman ako ng bigla nyang hinawakan ang magkabilang balikat ko tapos niyugyug ako.

"Anu ka ba? Wala ka bang planong mag-isip kung anung gagawin natin? Gusto nila tayong ipakasal. Ayokong ikasal sayo !!-" sabi nya habang patuloy sa pagyugyug sa akin kaya tinulak ko sya.

"Bitawan mo nga ako kung makayugyug ka dyan parang gusto mo akong patayin e. Tska FYI kung ayaw mong makasal sa akin, mas ayaw ko sayo. Ayokong magpakasal sa lalaking di ko kilala at di ko mahal nuh--" sabi ko.

"Kung ganun mag-isip tayo ng paraan para wag yun matuloy. Sure namam ako na ginayuma mo lang ako dati kaya humatong tayo sa kasalan na yan e. Kaya siguro naaksidente tayo sa kotse kasi nalaman kung ginayuma mo ako kaya nagtalo tayo sa kotse tapos naaksidente tayo-" sabi nya.

"Ang kapal din ng mukha mo nuh? Ako pa talaga ang nang gayuma? Ang lawak din ng imagination mo nuh? Sa ganda kong to baka ikaw pa ang nanggayuma sa akin.-" sagot ko naman sa kupal na yun. Pesti lakas ng apog.

"Nag-aaway ba kayo?" tanung ni Mama.

"Diba obvious Ma?" sagot naman ni Kyla. Napansin ko naman na lahat pala sila nakatingin na sa amin.

"Anu ba kasing pinag-aawayan nyo?" tanung naman ng mama ni Kupal.

"Di kami nag-aaway. Pinag-uusapan lang namin yung plano namin sa kasal.-" paliwanag ni Kupal.

"Oh anu bang napag-usapan nyo?" tanung ng papa nya.

"Dad, Mom, Tito, tita napagdesisyonan po namin wag na po ituloy ang kasal.-" boung lakas na sabi ni Kupal.

"Opo. Tama po yun di na po namin itutuloy ang kasal. Maghihiwalay na po kami-" dagdag ko pa.

Pero bigla kaming sinugod ng mga magulang namin.

"Anung sinabi mo? Naririnig nyo ba ang sinasabi nyo?" sabi ni Mama habang pinaghahampas ako. Pinipigilan naman sya nila Papa at Kyla.

"Ikaw ba ang naka-isip nito? My God Rhenz. Sa lahat ng tao ikaw ang may gusto nito-" galit din na sabi ng mama ni kupal tapos pinaghahampas din sya.

"Paano nga kami magpapakasal kung di namin matandaan ang isa't-isa-" sagot naman ni Kupal.

"Sumasakit ang dibdib ko sa inyo?-" sabi ng mama ni Kupal tapos bigla syang nahimatay.

"Mom.-" sabi ni Kupal habang ginigising nya.

"Balae dalhin na natin sya sa Hospital dali.-" mungkahi naman ni mama. Agad naman silang tumalima at sama-sama naming sinugod sa hospital ang mama ni Kupal.

************************

RHENZ P.O.V

"Anung nangyari kay Mom? Bakit sya nahimatay.-" tanung ko kay Dad.

" May sakit sa puso ang mommy mo. Masyadong mahina ang puso nya para magkaroon ng ganitong stress. Masyadong dinamdam ng mommy mo ang pag-atras nyo sa kasal.-" paliwanag ni Dad.

"So anung gusto nyong gawin ko? Ang magpakasal.-? -galit na sabi ko.

"Kuya para ito kay Mommy.-" sabi naman ni Rhea.

"But Dad, I don't love her !! Paano ko sya papakasalan?" -pagpoprotesta ko.

"How can you say that? Kung alam mo lang kung gaano mo kamahal si Kaye for sure pagsisihan nyo ang gusto nyong mangyari. Nasasabi mo lang yun kasi wala kang naalala pero maniwala ka son pangarap mong ikasal kayo ni Kaye.-" sabi ni Dad.

"Oh c'mon Dad. Wala nga akong maalala, wala akong maramdaman para sa kanya tapos papakasalan ko sya. Past na yun pwde naman sigurong magmove-on na lang tayo.-" paliwanag ko.

"Son, di ko naman sinabing magpakasal na kayo agad ang sinasabi ko lang pag-isipan mo muna, dahil baka pagdating ng araw na bumalik ang alaala nyo marami ng magbago na pagsisisihan nyo. Para naman to sainyo." -Dad.

"Pero Dad.-" -ako

"Okey fine. Do what you want.-" galit na sabi ni Dad tapos pumasok na sya sa room kung saan nagpapahinga si Mommy. Sumunod naman sa loob si Rhea. Hays anung gagawin ko. Napaupo na lang.

"Okey na ba si balae? Nasan na sya?" tanung ng mama ni Kaye.

"Nasa loob po nagpapahinga.-" sagot ko nagsipasukan naman sila pero ng papasok na si Kaye hinawakan ko ang kamay nya tska hinila sa palayo.

"Bakit mo ba ako hinihila?" inis na sabi nya.

"We need to talk." seryosong sabi ko

>>>>>> next update.

Amnesia CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon