Pagbukas ng pinto agad na pumasok ang isang babae at lalaki na may edad na nasa 40's kasunod nila ang isa batang babae na mukhang nasa 11 or 12 years old.
Agad sila lumapit dun kay kupal? Huh?
"hijo thanks God !! At gising kana." naiiyak na sabi ng babae. Nanay nya siguro?
"Kuya. Are you okay?" tanung nung batang babae. Okey malinaw na sakin na pamilya nya yun and im pretty sure na tatay nya yung matandang lalaki.
"S-sino kayo?" sabi ni kupal. Halos mahulog ang panga ng pamilya nya. Oo nga pala may amnesia sya at siguro di sila aware na may amnesia si Kupal.
"Hijo anu bang pinagsasabi mo? We're your family !!!" anya ng tatay ni Kupal.
"Mom anung nangyari kay kuya?" tanung nung bata.
"Oh my poor son." sabi ng nanay nya at niyakap sya. Si Epal naman di makapagsalita.
"We need to talk the doctor hon" pagkakalma nya sa asawa nya. Wew para lang ako nanunuod ng live soap opera.
Maya-maya napansin kung nakatingin na sakin yung bata.
"Ate?? Gising ka na rin?? sabi nung bata at sabay yakap sakin. Huh? Wag mung sabihing? Kapatid ko din sya? (o_O)
"Oo nga !!! Thanks God talaga at ligtas kayong dalawa." yumakap din sakin yung nanay ni Kupal. Nanay ko rin ba sya? So magkapatid talaga kame?! Oh my Geeh !!!
"Magka-" magsasalita na sana akong nangbiglang bumukas ulit ang pinto at may pumasok na tatlong tao. Nagsilapit agad sila sa akin.
"Anak. Salamat at gising kana? May masakit ba sayo? Ayos ka lang ba? Anung gusto mo?" aligagang sabi ng babae. Anak? So ibig sabihin nanay ko sya. So hindi kame magkapatid ni Epal. Hayy salamat naman ayoko ng kapatid na kasing-ugali nya. Pero sino yung kaninang lumapit sa akin.
"Mahal ko wag ka ngang maraming tanung sa anak natin. Baka mastress sya" tatay ko siguro sya. So sila nga pamilya ko.
"Kayo po ba ang pamilya ko?" tanung ko katulad ng reaksyon nung mga bisita ni Kupal nagulat din sila na wala akong maalala. Well. Wag silang mag alala. Nagulat din ako sa kanila.
"Anak di mo kame na-aalala? Wag mung sabihing nagka-anemia ka?" nag-aalalang sabi ng nagpapakilalang nanay ko pero anu daw ang sabi? Anemia?
"Nay Amnesia po, hindi Anemia Magkaiba po yun!!!" pagtatama nung batang kasama nila.
"Oo nga sabi ko nga Amnesia nga." sabi ng nanay ko daw.
"Kaawa-awa naman ang aming anak" -anya ng tatay ko daw.
"Wala po kasi akong matandaan e" -ako
"Oh my Gosh !!! Parehas kayo walang matandaan ni Kuya." sabi nung kapatid ni Kupal. Magkakilala ba kame.
"Andito rin pala kayo at gising na rin pala si Rhenz." sabi ng nanay ko sa nanay ni Kupal. Rhenz pala pangalan nya. Magkakilala sila?
"Oo eh. Anu ba tong nangyayari sa mga anak natin." naiiyak na sabi ng mama ni Kupal.
"Tama na yan. Ang mahalaga buhay silang dalawa. diba?" pagpapakalma ng tatay ni Kupal.
"Magkakakilala kayo?" duet namin ni Kupal. Nagkatinginan naman kame.
"Syempre naman magkakilala ang mga families natin dahil sainyo." sabi nung batang kasama ng nagpapakilalang magulang ko.
BINABASA MO ANG
Amnesia Couple
RomancePaano kung magising na lang kayo isang araw na hindi nyo na kilala ang isa't-isa? At maging stranger sa mata ng bawat isa? Maipagpapatuloy nyo pa kayo ang lovestory na meron kayo? Maging hadlang kaya ang pagkawala ng mga alala sa pag-ibig na meron k...
