Kaye P.O.V
"Anu ba !! Hanggang san mo ba ako hihilahin ha?-reklamo kay kupal ang sakit-sakit na ng braso ko sa kakahila nya e. Anung tingin nya sa akin kalabaw? Talo nya pa yung nag-aararo e.
"Tumahimik ka na nga lang dyan?-" sabi nya tapos lalo nya pa akong kinalakad hanggang sa makarating kami sa rooftop ng hospital tska nya ako binitawan.
"Kaloka ka? Mag-uusap lang tayo kailangan talaga dito sa rooftop? Bakit top secret ba ang pag-uusapan natin? Pwde naman tayong mag-usap dun ah bat kaylangan natin umakyat ng apat na floor para mag-usap buti sana kung gumamit tayo ng elevator pero hindi e, hagdan ang ginamit natin-" galit na sabi ko sa kanya. Walang-ya sya. Hinubad ko yung sout kung sandals feeling ko kasi puro paltos na yung paa ko.
"Pwde ba itikom mo muna yang bunganga mo, kanina ka pa dakdak ng dakdak dyan e.-" sigaw nya. Napatahimik tuloy ako.
"Okey. Alam mo naman ang sitwasyon ng mommy ko ng sinabi nating di na tayo magpapakasal diba?" tanung nya.
"Oo. Alam ko dinamdam ni tita yung paghihiwalay natin. Ganun din si Mama dinamdam nya din kaya tumaas din ang blood presure nya kaya pinatingin din namin sya sa doctor.-" sabi ko naman sa kanya.
"Kaya nga kailangan natin bawain yung sinabi natin.-" seryosong sabi.
"Anu?! Sabi ko na e my hidden desire ka sa akin e. May gusto ka talaga sa akin, gusto mung bawiin yun para makasal sa akin. No way !!!-" pagtutol ko.
"Wag ka ngang feeling. Wala akong gusto sayo nuh. What i saying is kailangan natin bawain MUNA ang sinabi natin for sake of our mothers. Magpretend mo na tayo na ipagpapatuloy na natin ang relasyon natin tapos habang tumatagal unti-unti na lang natin ipakita sa kanila na nagkakalabuan na tayo tska tayo magbreak para di sila mabigla. Para sa ganung way maiwasan natin yang kasal na yan--" paliwanag ni Kupal. Infairness may utak pala sya. Its a good idea.
"Biruin mo may talent ka pala. Okey. Papayag ako para kay Mama tska para kay Tita.-" sabi ko.
"Kahit di ka naman pumayag wala akong paki kasi para to sa mga mothers natin. Umayaw ka man, Its doesn't matter dahil wala ka namang choice.-" masungit na sabi nya. Ang antipatiko talaga to. Kung di lang masama pumatay. Pinatay ko na to.
"Tara na-" sabi nya tapos nauna na sya maglakad. Tama bang iwan ako.
Maglalakad na rin sana ako pero humapdi naman yung mga paltos ko. Pesti talaga yang kupal na yun. Dahil nga puro paltos na yung paa ko pinapasyahan ko na lang na maya-maya na lang bumaba kumikirot pa kasi yung paa ko.
"Anu pa hinihintay mo? Wala ka bang balak bumaba?-" sigaw ni Kupal sa akin. Tinignan ko naman sya ng masama.
"Peste ka. Wag kang atat. Mahapdi yung paa ko dahil sa mga paltos ko. Kung hindi mo ako hinila-hila hindi ako magkakaganito kaya mag---" nagulat ako ng umupo sya patalikod sa harap ko.
"Anu naman yan?" tanung ko. Pero di nya ako sinasagot bagkus kinuha nya yung dalawang kamay ko tapos isinakay nya ako sa likod nya. Piggy back. Bigla namn akong tinamaan ng hiya.
"Ibaba mo nga ako.-" sabi ko.
"Wag kang maarte. Masakip ang paa mo diba? Magpasalamat ka na lang kasi naawa pa ako sayo o better yet manahimik ka na lang--" pagsusungit nanaman nya. Gusto ko pa sanang humirit pero di ko nagawa. Awkward kasi e.
Hanggang sa hospital room ng mama nya pasan nya ako. Nagulat naman sila nung nakita kami. Gising na rin si Tita.
"San ba kayo galing?-" tanung ni Papa.
"Tska bakit pasan mo si Kaye?" tanung naman ng papa ni Kupal. Nilapag naman ako ni Kupal tapos inalalayan ako at ang kinagulat ko pa bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Hindi lang basta hawak kundi holding-hands kami.
"Mom binabawi na namin yung sinabi namin kanina. Ipagpapatuloy nanamin ang relasyon namin pero kung pwde lang po ipagliban muna po nating yang kasal na yan. Bigyan nyo po muna kami ng panahon na maalala ang isa't-isa.-" seryosong sabi ni Kupal.
"Talaga anak.? Masaya ako para sainyo. Tama yang desisyon nyo.-" tuwang-tuwa na sabi ng mama ni Kupal.
"Im proud of you son. You made a right choice.-" sabi ng papa nya tapos niyakap sya.
"Akala talaga namin di na kayo mapipigilan e-" sabi naman ni Mama tapos niyakap ako. Tuwang-tuwa talaga silang lahat.
"Ate hayaan mo sooner or later maalala nyo rin ang isa't-isa.-" sabi naman ni Rhea.
"Rhenz hijo alagaan mo ang anak ko katulad ng ginagawa mo dati. Alam ko nman na di mo naalala yung mga nakaraan atleast alam kong likas sayo ang maalaga.-" sabi naman ni Papa tapos tinapik-tapik sya ni Papa.
"Opo. Sisikapin ko po yun.-" sagot naman ni Kupal.
"That's my son.-" sabi naman ng mama nya tapos nagtawanan na ang lahat.
Sa nakikita namin mukhang sang-ayon na sang-ayon sila sa relasyon namin. Gaanu ba kami kainlove sa isa't-isa nung di pa kami nagkaka-amnesia at ganun na ganun na sila katultol sa paghihiwalay namin.
Pinayagan narin ng doctor na umuwi si tita kaya nagpasya na kami magsi-uwi.
"Pwde mo na siguro bitawan ang kamay ko.-" bulong ko kay Kupal. Agad nya naman binitawan. Tapos sumakay na sya sa kotse nila. Wala man lang bye. Sumakay na din ako sa kotse namin at umuwi na rin kami.
>>>>>>next update.
BINABASA MO ANG
Amnesia Couple
RomancePaano kung magising na lang kayo isang araw na hindi nyo na kilala ang isa't-isa? At maging stranger sa mata ng bawat isa? Maipagpapatuloy nyo pa kayo ang lovestory na meron kayo? Maging hadlang kaya ang pagkawala ng mga alala sa pag-ibig na meron k...