Annoying Roommate

363 13 0
                                    

"Ang sakit ng ulo" una kong nasambit pagmulat palang ng mga mata ko.. nilibot ko ang paningin ko bakit puro puti ang nakikita ko. diko alam kung nasan ako. Maya maya pa ay may narinig akong boses ng isang babae.

"doc. Gising na po yung pasyenteng babae." ani nito. Kung di ako nagkakamali nasa osPital ako pero bakit? Pinilit kong bumangon pero biglang kumirot ang katawan at ulo ko napasapo ako sa ulo at muli akong nawalan ng malay.

*His P.O.V*

"ahh ang ulo ko." nagising ako na nasa isang ospital na ako at puro benda. benda sa may kaliwang paa at dto sa ulo. Kumikirot din boung katawan ko. Nagulat ako ng may magsalita bigla.

"Doc. pati po yung lalaki nagising na ho !! " ani ng nurse muli kong nilibot ang paningin ko sa kabilang bed ay isang babae. May benda sa braso at katUlad ko may benda dn sya sa ulo. Mukhang walang malay.

Kumirot ng matindi ang aking ulo dahilan para mawalan ulit ako ng malay.

*Her P.O.V*

"ahh-" bigla kung sabi naramdaman kong may tumusok ng karayom sa ugat ko. Pagdilat ko yung nurse kinukuhaan ako ng dugo.

"Gising kana ulit." nakangiting sabi ng nurse habang nilalagyan ng bulak yung pinagturukan.

"Miss anu bang nangyari sa-" naputol ang sinabi ko ng bagiglang tumalikod yung nurse.

"Sorry Miss may iba pa akong pasyente ha. Wait lang po ha kung may tanong naman po kayo tanong nyo na lang kay Doc mamaya. Sige bye" sabi ng NurSe sabay alis.

Napalingon ako sa kabilang bed. Isang lalaki ang nakaupo pero patalikod mula sa akin nakatingin sya sa labas. Napansin kong may benda ang binti nya pati sa ulo.

"Ahh Mister, pwede ba magtanong?" tawag ko sa kanya pero di sya lumingon. Tinanong ko ulit. Wala pa rin.

"Hoy mister may itatanong lang naman ako. Bat ba-" ako

"bat ba ang kulit mo Miss? " pagalit na sabi nya. Letche tinatanong.

"bat kasi ang bingi mo. May tatanong lang naman. Tska bakit ka ba nagagalit." ako.

"Kasi ang kulit mo. Di ka ba marunong manahimik. Disturbo ka." pasigaw nyang sabi.

"Bakit ka naninigaw." sigaw ko din. Buysit na to. Bakit pa kasi ito ang naging room mate ko. Tinignan nya ako ng masama tapos sabay balik sa pagkakahiga nya. Hmf.

Humiga na rin ako. Maya-maya nakaramdam ako ng uhaw. Napansin kong may bottled water sa side table. Kinuha ko yun. Ang problema diko mabuksan dahil may benda yung isa kung kamay kaya napabaling ako sa lalaking nakahiga.

"Ahmf mister." sabi ko.

"Anu? pagalit na sabi nito. Gusto ko sanang batuhin ng unan. Kaso makikisuyo kasi ako pagbukas ng tubig na to.

"Anu kasi..ahhmf-" ako.

"Anu ba kasi at nangungulit ka nanaman." sabi nya sabay umupo paharap sakin. Gwapo sana masungit nga lang.

" Bat  ang sungit sungit mo? Para kang menoposed " pagalit kong sabi. Nakakapikon kasi. Mukhang namula naman sya sa inis.

"Ako? Menoposed? huh !!! sabi nya.

"Oo ikaw !!! ang sungit mo kasi eh.-ipapabukas ko lang naman to sayo. Ang sungit muna." sabi ko.

Ngumiti naman sya ng nakakaloko.

"Ayoko nga. Buksan mo mag-isa." sabi nya at nag-crossarms sya sa harap ko. Ang walang-ya. Peste sya. Inirapan ko sya then pinilit ko buksan ang tubig.

Amnesia CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon