Kaye P.O.V
Andito ako ngayon kung saan daw kami nakatira. Medyo shock pa ako sa mga nalalaman ko. Hindi parin ako naniniwala. Hindi pwde. Ayokong makasal sa kanya. Di ko nga sa gusto e. Imposible ko syang magugustUhan e antipatiko yun e.
"Anak bakit parang tUlala ka." tanung ng nanay ko.
"Ahh may iniisip lang po ako. Gusto ko na po magpahinga san po ba ang kwarto ko?" tanung ko.
"Ah ganun ba anak. Magpahinga ka na nga nasa pangalawang pinto sa taas ang kwarto mo. Yung may nakalagay na OFF LIMITS" Turo sakin ng nanay ko. Umakyat na ako at tinungo ang sinasabing kwarto ko. Natatawa talaga ako pag-naiisip ko na ako? Magkakagusto dun? Hahahaha? Kahit kaylangan di ako nagkagusto dun never.
Nasa tapat na ako ng kwarto. Sa wakas makakapagpahinga na rin ako.
Pagpasok ko napasigaw ako ng wala sa oras..
"AhHhHhH !!!!" -yung totoo. Kwarto ko ba ito?! Dinga.?! Hindi naman siguro to sakin. Biglang napa akyat si Nanay.
"Bakit ka sumigaw?" kinakabahang tanung ni Nanay.
"T-talaga po b-bang kwarto ko to? Joke-joke po ba to?" tanung ko. Grabe. Ganito ba ako kalala dati.
"Oo naman anak. Wala kami dyang ginalaw kahit isa. Offlimits kame dito. Lahat ng yan e sayo.. Naku bata ka. Wag mung sabihin na iyan ang isinigaw mo? Hay naku anak magpahinga ka na magluluto pa ako" sabi ni Nanay at bumaba na sya. Naiwan akong nakanganga at di makapaniwala.
Oh no !!! Bangungut lang to? Hahaha tama. Its just a nightmare. Di ito pwede !!! Ako? Ganito? Oh c'mon NO WAY !!! imposible !!!
Di akin ang Hell Room na to.
Sinampal-sampal ko sarili ko.
At yun. PAK-PAK-PAK-PAK !!!
Wala pa rin. So totoo nga?
Nanlambot ang paa ko? Ganito ba talaga ako dati? Ganito ba talaga ako kabaliw?
Nilibot ko pa ang paningin ko. Walang-ya !!! Grabe feeling ko masusuka ako sa mga nakikita ko.
Mga personalize na gamit ang andito. And take note tadtad ng mukha nung kupal na yun at tadtad ng picture namin dalawa. WTF !!! Yung mirror puro pictures namin ang nakadikit sa side. Sa kisame,sa diding sa likod ng pinto at sa iba pa, Si kupal ang wallpaper. Peste !!! Yuck ganun ba ako ka inlove sa kupal na yun?? may unan pang may nakalagay na mukha nya. Malalaking teady bear na may nakaburda na Rhenz at Kaye. Mga gamit na nagpapatunay na ganun ako kainlove sa kanya. Yung totoo. Ginayuma nya ako nuh?! Siguradong ginayuma nya ako dati. Grabe di ako makarecover sa mga nakikita ko.
Napansin ko din ang laptop sa may side table. Pagtingin ko muntik ko na mahagis dahil pagtingin ko. Pictures naming dalawa at sweet na sweet. Pwe !! Di ko na to kaya parang masusuka ako. Lumabas ako ng kwarto kasi baka di ko makayanan ang nakikita ko. Panu ko kaya yun dati naaatim na makasama yung kupal na yun?!
Paglabas ko nakita ko si Kyla napapasok sa kwarto nya. Agad akong pumasok kasabay nya.
"Anu ba ate. Bakit ka pumasok dito?" nakapamaywang na sabi nya.
"Pwde dito na lang ako matutulog?" nag-puppy eyes ako.
"Eww. Yuck kadiri ka ate. Tigilan mo ako ng papikit-pikit mO. Di ka nagmumukhang cute, nagmumukakang aso." sabi nya at tinutulak ako palabas.
"Kyla please dito muna ako. Di ko kaya magstay sa kwartong yun." sabi ko.
"Anung pinagsasabi mo? Eh ikaw naman ang nag-ayos ng kwarto lahat ng yun kagustuhan mo kaya pwde ba get out of my room. Nakakadisturbo ka." pagtataboy ng walang-ya kung kapatid. Wala akong nagawa ng tinulak nya ako palabas sabay sarado ng pinto. Kinatok ko naman ulit ang kwarto ni kyla. Pero ang bruha ayaw ako pagbuksan kaya pikit mata akong bumalik sa kwarto ko.
Pagpasok ko sa loob pinilit kong wag masuka sa mga nakikita ko. Sinimulan ko tanggalin ang mga dapat tanggalin. Inalis ang mga sandamakmak at nakakasukang pictures namin dalawa. Pinalitan ko rin ang mga punda, ang mga teady bear inilagay ko sa loob ng cabinet. Yung mga pictures nilagay ko sa isang kahon at nilagay ko sa ilalim ng kama. Pinagbabaklas ko rin ang mga wallpaper na puro mukha ni Kupal.
Nang matanggal ko na lahat nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman at di na mukhang impyerno itong kwarto. Sa isang sulok napansin ko ang isang mini office at mga nakasalan-san na folder itong part na lang to ang di ko naayos. Kumuha ako ng isang folder at binuksan ko.
"Wow ang ganda." nakita ko sa folder ang iba't ibang design ng gown sa bawat page may nakalagay ng Kaye sa baba at may pirma pa. Ako ba ang nagdrawing ng mga to? Wow ang galing ko naman. Tinignan ko pa ang lahat ng mga folders ang namangha ako napaisip tuloy ako. Talentado naman pala ako. Umupo ako sa mini-office ko at kumuha ng lapis at nagsimulang gumuhit.
Abala ako magdrawing ng biglang may pumasok sa kwarto.
"A-a-anung na-nangyari dito anak? Nilooban ba ta-tayo? Bat nagkaganito ang kwarto mu? Nasan na ang mga iniingatan mung mga gamit??" tarantang tanung ni Mama. Tss
"Ma di po tayo nilooban nag general cleaning lang po ako tinanggal ko lang yung mga walang kwentang bagay na nakalagay dito sa room.." sabi ko sabay pagpag ng kamay ko.
"Pero anak bakit?" tanung ni Mama.
"Anung bakit?"-ako
"Importante sayo yung mga yun bakit mo pinagtatatanggal? Ni ayaw mu nga pahawak samin ang mga yun. Anak maaring nakalimot kayo pero naniniwala kame na babalik agad ang mga alaala nyo. Makakatulong ang mga gamit na yun para maalala mu ang dating meron kayo kaya wag mung itatapon ha." sabi ni Mama.
"Ma talaga bang fiancee ko yung lalaking yun?" seryosong tanung ko.
"Anak totoo yun kaya kung ako sayo ibalik mu na ang mga gamit mo." sabi ni mama.
"Pero po."-ako.
"Okey. Sige ganito na lang itago mu na lang pero wag mung itatapon kasi baka pagdating ng oras na maalala mu lahat magalit ka sa akin dahil hinayaan kung itapon mu lahat ng yun." sabi ni Mama. Wala akong nagawa kundi sundin ang sabi ni Mama.
humiga ako sa kama ko. Napaisip ako. Na-inlove ba talaga ako sa kanya dati..?? Anu ba talaga sya sa buhay ko. Anung mangyayari samin ngayon ni hindi namin maalala ang isa't-isa tapos nakatakda kaming ikasal??
AN: pasensya na slow update.
Thanks sa pagbAsa until next update.
BINABASA MO ANG
Amnesia Couple
RomancePaano kung magising na lang kayo isang araw na hindi nyo na kilala ang isa't-isa? At maging stranger sa mata ng bawat isa? Maipagpapatuloy nyo pa kayo ang lovestory na meron kayo? Maging hadlang kaya ang pagkawala ng mga alala sa pag-ibig na meron k...