What the?!

121 8 0
                                    

RHENZ POV

"Welcome home kuya" bati sa akin ng kapatid ko. Inakay nya ako papasok ng bahay. Nilibot ang paningin ko. Malaki ang bahay at ayun sa observation ko mukhang mayaman pala ako. Anyway di naman yun big deal, ang gusto ko lang naman maalala ko kung sino ba talaga ako.

"Hijo anung gusto mong kainin ipagluluto kita." tanung ni Mommy.

"Ah kahit ano na lang po sa ngayon gusto ko na muna po sanang magpahinga." sabi ko.

"Ganun ba. Sige magpahinga ka muna gisingin na lang kita pagkakain na tayo." nakangiting sabi ni Mommy.

"Rhea samahan mo ang kuya mo." utos naman ni Daddy.

"Okey po Dad. Lets go kuya." alok ni Rhea sabay hila sa akin paakyat.

Pumasok kami sa isang kwarto. Ito na siguro ang kwarto ko.

"This is your room kuya." nakangiting sabi ni Rhea.

Naupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ko ang boung kwarto. Infairness maganda naman pala ang taste ko sa design ng kwarto. Black and white lang ang kulay na makikita. May mga guitara din nakadisplay sa gilid meron din keyboard na katabi. Okey i think mahilig ako sa music.

"Kuya di mo pa rin ba kami naalala?" tanung ni Rhea.

"Sorry hindi talaga. E." -ako

"eh si Ate Kaye di mo parin maalala?" tanung ulit nya. Bakit naman nya yung biglang pina-alala yung babaeng yun.

"Wag mo nga yung mabanggit sa akin. Kumukulo ang dugo ko pagnaririnig ko ang pangalan nya." sabi ko.

"Ang hard kuya ha. Wag ganun." sabi nya sabay upo sa tabi ko.

"Nasasabi mo yan kasi di mo sya maalala. Wala ka kasi ngayon sa wisyo. Pero ang totoo nyan inlove ka kay Ate Kaye as in inlove ka sa kanya !! sagad sa buto." kinikilig na sabi nya. Tss anung nakakakilig dun. Minsan napapaisip ako pamilya ko ba talaga sila bat nila pinagpipilitan sa akin ang babaeng yun.

"You know what little Sis. Imposible yang pinagpipilitan nyo. Panu ako maiinlove dun. eh nagkakapikon yun tska di ko sya type nuh." -ako

"Hahahaha really?" mapang-asar na sabi nya.

"Really ka dyan." ulit ko.

"Hahahaha di ka talaga naniniwala sa akin nuh?" natatawang tanung nya.

"Talagang hindi." -ako.

"Wait mo ako dito kuya may kukunin lang ako sa room ko." sabi nya sabay takbo palabas.

Maya-maya pa bumalik sya at dala na nya ang cellphone nya.

"Oh para san naman yan?" tanung ko.

"Watch this." sabi nya at pinakita sakin ang isang video.

"What the?" halos lumuwa ang mata sa nakikita ko sa video.

"Hahahahaha look at your face kuya whahaha nakakatawa sobra !!!" tawang-tawang sabi nya. Namula tuloy ako sa hiya. Tss imposible ako gagawin yun. Alam kung may amnesia ako pero sa tingin ko di naman ako ganyan.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo di ka parin ba naniniwala?" pang-asar na tanung nya.

"that's imposible." pagmamatigas ko.

"Kaloka ka kuya ha. Diba ikaw yan !!! diba !! Diba !!" -tawang-tawang sabi nya.

"Yan yung video nung time na naglasing ka dahil di ka pinansin ni Ate kaye ng dalawang araw kasi nagkatampuhan kayo." natatawang paliwanag nya.

Halos lamunin ako sa lupa ganyan ba talaga ako dati ka sira ulo sa babaeng yun. Ganun ba ako katanga sa babaeng yun?

"So? Do you believe me na? Inlove ka kay Ate Kaye ng sobra kaya wag kang magsasalita di mo sya type. Sooner or later maalala mo rin kami.-" nakangiting sabi nya.

"Rhea !!! Bumaba ka nga dito ng makapagpahinga yang kuya mo-" rinig namin tawag ni Mommy mula sa baba.

"Opo, Mommy-" sagot nya. Tapos akmang lalabas pero huminto sya ng saglit.

"Oh paano ba yan kuya? Baba muna ako. Kung may kailangan ka tawagin mo lang kami. Tska kung gusto mo buksan ang laptop mo wag mo nang problemahin yung password tinanggal ko na yun. Bye-" sabi nya sabay alis.

"Teka bakit alam mo yung password? Akala ko ba laptop ko to?-" sigaw ko pero nakaalis na sya.

Pinagpasyahan ko naman na tignan na lang ang laptop pero pagbukas na pagbukas ko ginulantang agad ako ng mukha ng babaeng yun at ang malala pa kasama nya ako sa pictures at ang nakakadiri pa dun, yakap-yakap nya pa ako.

Feeling ko di ko kakayanin ang nakikita ko kaya pinatay ko na lang ang laptop at humiga na lang ako sa kama pakiramdam ko kasi masusuka ako sa mga nakita ko bigla ko tuloy naalala yung pinapanuod sa akin ni Rhea kinalibutan talaga ako ng matindi.

>>>>>>>>next update

Amnesia CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon