KAYE P.O.V"KAYE !!!! KAMUSTA KANA !!! MABUTI NAMAN BUHAY KA PA AKALA KO IIWAN MUNA AKO E--" nagising ako ng bigla may babaeng yumakap sa akin. Sino ba to? pilit akong kumakawala pero ang higpit nya mangyakap. Sa takot ko napasigaw ako.
"MA !!! MAY BALIW NA NAKAPASOK SA KWARTO KO !!!--" sigaw ko. Naramdaman ko naman na kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin.
"Ang hard teh. Baliw talaga? Kaloka ka pati ba ako di mo matandaan? Sabagay si Rhenz nga di mo tanda, ako pa kaya. Anyway ang mahalaga naman talaga maayos ka at Alive na alive.-" hyper na sabi nya.
"Miss teka lang ha. Pwde bang malaman kung sino ka muna bago mo ako yakapin na parang gusto mo akong patayin ng ganito kaaga.-" sabi ko. Narinig ko namang tumawa sya tapos inayos nya ang sarili nya.
"Okey. Let me introduce myself. Im Sandy Dela Costa. 22 years of age. Philippines !!"- pakilala nya na parang nasa beauty contest.
"O-key. So sino ka sa buhay ko?-" tanung ko.
"Duh !!! Im your bestfriend. Gosh !!! dikit tayo nuh-ganito tayo kaclose. BFF tayo sobra-" sabi nya tapos pinakita nya sa akin yung dalawa nyang hintuturo na magkadikit.
"Di nga?" -ako.
"Ai grabe. Nakakahurt ka na ha. Di ka ba naniniwala? -sabi habang hawak-hawak ang dibdib nya. Artista ba sya lakas umarte.
"Di naman sa ganun. Alam mo naman na wala akong matandaan diba, kaya sinisigurado ko lang.-" sabi ko.
"Ah okey pero dont worry andito ako para tulungan kita sa pagbalik ng mga memories mo. Isasagawa na natin ang OPLAN: THROWBACK.-" paliwanag nya.
"THROWBACK?- ako
"Yes, Throwback with the capital T. Tutulungan kita maalala yung mga nakalimutan mo. Magsisimula tayo sayo-" sabi nya tapos hinila nya ako papunta sa may mini office ko.
"Ok umupo ka dyan. Isulat mo lahat ng sasabihin kong info. tungkol sayo. Okey.-" utos nya sa akin.
"Ikaw si Kaye Gomez. Kapatid ni Kyla Gomez anak ni Mrs. Karen at Mr. George Gomez. 21 years old. 3rd year college, nag-aaral ka para maging sikat na designer someday at makapunta sa paris para dun trabaho.-" sunod-sunod nyang sabi buti na lang nasulat ko agad.
Mga basic info lang yun tska na yung iba, let move on sa next topic natin.-" sabi nya.
"Rhenz Jake Lopez. 21 years old. 3rd year college. Photography naman sya. Lalaking may tatlong G-" sabi nya.
"Anung tatlong G?" nagtatakang tanung ko.
"Tatlong G means. Gwapo. Galante at Gentelman.-" pagbibida nya kay kupal.
"Close din ba kayo nun?" tanung ko.
"Sino? Si Rhenz? Aba oo close kami nun nuh. Magkaklase kaya tayo since high school kaya alam ko na likaw ng bituka nyo-" sabi nya.
"Uhmf Sandy pwde magtanung?" seryosong sabi ko.
"Ofcourse. Go ahead. What is it?-" sabi nya.
"Gaano ba kaming katagal na magsyota ni Rhenz?" -ako.
"Since first year high school kaya kung susumahin almost 7 years na kayo mag-on.-" sagot nya. Halos mabigla naman ako sa sinabi nya.
"What? 7 years? Ang tagal na pala nanamin." gulat na gulat na sabi ko.
"Nga e sa tagal nyo ng mag-on nagulat talaga ako na di nyo man lang matandaan ang isa't-isa.-" sabi nya. Shocking talaga yung 7 years. Grabe siguro ang pinalagok ni Kupal sa akin na gayuma kaya tumagal kami ng ganun.
BINABASA MO ANG
Amnesia Couple
RomancePaano kung magising na lang kayo isang araw na hindi nyo na kilala ang isa't-isa? At maging stranger sa mata ng bawat isa? Maipagpapatuloy nyo pa kayo ang lovestory na meron kayo? Maging hadlang kaya ang pagkawala ng mga alala sa pag-ibig na meron k...