20

819 37 6
                                    

xx.

Heeseung and I went in to some park to hangout, naglatag siya ng tela sa may pangpang. He cooks so many foods and brings some different snacks!

"Smells so good!" kumento ko.

He smiled at me, and picked up a polaroid camera. Itinutok niya iyon sa akin at nagulat nalang ako nang mabilis niya itong nai-click.

Lumabas ang litrato ko at bahagya niya itong ipinagpag, he smiled as my photo showed up. Ngumuso ako nang makitang mukha akong naka aura doon. Kinuha niya ang wallet niya saka isiningit ang litrato ko, nagulat ako sa ginawa niya kaya bahagya akong nag aalala na baka may makakita noon.

"I have my other wallet for school so don't worry." he smiled.

Nakahinga ako ng naluwag at naging kampante sa sinabi niya. We took some pictures again using his polaroid saka nag selfie din sa phone niya.

I had so fun taking photos with him, halos mawala na ang mga ayaw kong ugali niya dahil sa bonding na ginagawa namin. Naaaliw ako sa tuwing umaalis kaming dalawa, and it's been already months since he started to court me. Marami na siyang nagastos at na effort dahil sa akin, and unti-unti ko narin siyang nakikilala pa lalo.

"Bakit hindi noodles ang dala mo ngayon?" tanong ko. "I thought noodles is your favorite?"

Ngumuso siya, "It's not noodles, Yvette. It's called ramyeon. Ramyeon from South Korea."

I murmured whatever saka na kumain ng mga niluto niya, may spam, may kaldereta, at may menudo rin. I enjoyed eating his dishes. Naglakad lakad kami sa may seashore after kumain para bumaba ang mga kinain namin. As the wind blows, ay inililipad din nito ang buhok ko. Masaya niyang hinahawi ang mga buhok na napupunta sa mukha ko,

"Mahangin masyado ngayon, malapit na rin kasing bumaba ang araw. " aniya.

Tinignan ko ang pababang araw, malapit na siyang lumubog sa may dulo ng karagatan kaya napatitig ako doon. Napangiti ako sa kaisipang sa bawat paglubog ay sisikat at sisikat din ito.

Bumalik kami sa pwesto namin at sinet-up ang camera niya sa may likuran namin. Kitang kita ang silhouette namin at ang malaking pulang araw. I giggled as he started recording it.

Pareho kaming nakaupo at dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sakaniya. Tumingin din siya sa akin saka ngumiti, he slowly reached my shoulder saka doon ipinahinga ang kaniyang ulo.

The next morning at school, tahimik ang Enhyfun na parang wala ang mga kinakikiligan nilang lahat. Nakasimangot din si Monica sa harapan ko habang nag d-doodle ng kung ano-ano sa notebook niya.

Lunch break at hindi man lumalabas ang kaibigan ko na hindi katulad ng dati, I approached her to ask what's happening.

"Monics, are you okay?" tanong ko.

Inirapan niya lang ako saka yumuko sa table niya, I'm starting to get goosebumps because of the thought na baka alam na niya ang namamagitan sa amin ni Heeseung.

"Monica, ano bang nangyari bakit ayaw mo ako kausapin?" tanong ko ulit dito.

Hindi niya ako sinagot kaya hinawakan ko ang balikat nito, umangat ang ulo niya sa akin saka ako tinignan ng masama. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko, she already knew?!

"Hayaan mo iyang best friend mo, Yvette. Wala lang iyan sa mood." sambit ng naglilinis ng kuko na si Jenna.

"Bakit wala sa mood?" I asked.

Itinigil niya ang paglilinis ng kuko saka humarap sa akin, "Hindi mo ba alam? Umalis ang mga athletes natin, nag training sa Toduro." sambit nito.

I checked my phone kung may text si Heeseung sa akin nguni't wala ni isa. He didn't even let me know na aalis pala sila, maybe nakalimutan niya? But he always updating me kung anong ginagawa niya and now umalis pala sila without notice?

"Argh! Nakakainis!" biglang sigaw ni Monica. "Yvette!" tawag niya sakin.

"O-Oh?"

Tumayo siya sa harapan ko, "Galing Toduro diba?" tumango agad ako dito. "Then alam mo yung mga babae sa Toduro? Magaganda ba? Marami bang model doon na sexy?"

Napapangiwi ako sakaniya sa bawat katanungan but it gave me a peace of mind and ease in my soul. Akala ko ay hindi niya ako pinapansin dahil alam na niya na nililigawan ako ni Heeseung.

Walang gana sa pagkain si Monica at pinaglalaruan lamang niya ang pagkain nito, I pouted as I saw her uncomfortable.

"Mababaliw yata ako kung makita kong may nililigawang babae si Heeseung." aniya.

Naubo ako at nabulunan, agad niyang iniabot sa akin ang tubig saka ngumiwi, "Dahan dahan kasi!" gigil niyang sabi. "I can't watch him date someone, gusto ko ako lang."

These past few weeks, madalas na banggitin ni Monica na hindi niya kakayanin makita si Heeseung na may kinakasamang babae. Iba na ba ang mga kilos ni Heeseung ngayon at parang napaghahalataan na siya ng iba? But he seems pretty normal to me.

"Buti pa ikaw, Yvette. Nakakausap at pwede mo syang kasamahin ng walang anumang feelings dahil hindi mo siya gusto. I can feel that he's uncomfortable whenever he's with me, masyado na ba ang mga ginagawa ko sakaniya at parang lumalayo na siya sakin?" she asked.

Hindi ako makasagot, bumuntong hininga na lamang siya at naunang lumabas mg cafeteria.

In the middle of our class, may kumatok sa pinto ng classroom namin. Pinagbuksan siya ng pinto ng teacher namin sa Literature, bumungad ang isang lalaking may bitbit na mga bulaklak at chocolates, kasama ang isang malaking paperbag.

"Dito po ba si Miss Yness Vermette Garcia ng BSED One?" he asked.

Nagulat ako nang marinig ang pangalan ko, napatingin din sakin ang lahat pati na ang teacher ko.

"Padala po for you." aniya.

Tumayo ako at dahan dahang naglakad palapit sa lalaki, iniabot niya ang mga bulaklak, chocolates, at ang malaking paper bag sa akin. Pinapirma niya ako sa isang papel saka na umalis.

Panay kantyaw ng mga kaklase ko sakin at nakisama na rin ang teacher ko sa panunukso. Inilapag ko ito sa tabi ko at kinuha ang letter na nasa mga bulaklak.

To Yvette,

I'm sorry I didn't even texted you na sa Toduro ang training namin for two days, hope you'll miss me : )

Love,
Bambi <3

Natawa ako nang makita ang nickname na ibinigay ko sakaniya, Bambi. He really reminds me of Bambi because it has a similar character as him.

I smiled as I read his letter, malaki ang ngiti ko not until Monica grabbed the letter and read it a loud.

"Ha! I can't believe that you kept this a secret to me, Yvette." aniya. "I thought we are best friends? So why didn't you tell me about your suitor? Who is he? I wanna meet him." mataray niyang sabi.

Everyone was waiting for my reply, but I'm too scared to admit that it was Lee Heeseung, the campus heartthrob they are simping for.

Dating My Hater (Enhypen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon