39

682 32 4
                                    

xxxix.

Hindi ko man nayakap si Heeseung bago siya ilabas at ipasok ulit sa kulungan, nagsilabasan na ang mga taong nanood sa hearing.

Linapitan ako ni Monica at malakas na sinampal, "Akala ko best friend kita? Bakit mo kinakampihan ang rapist mong boyfriend?! Nasisiraan ka na ba?!" sigaw niya.

Agad akong inilayo ni Mom saka itinago sa likuran niya, "Don't you dare slap my daughter!" sigaw niya pabalik.

"Alam mo? Kasalanan mong impakta ka eh! Isama mo na ang ugod ugod mong asawa sa pagpapalaki jan sa malandi nyong anak! Magsama kayo sa impyerno!"

Nanghina ang mga tuhod ko nang maramdaman ang galit ni Monica. Hindi ko alam kung bakit, at hindi ko siya magawang paniwalaan sa mga oras na ito. Yinakap ako ni Mom at muling pinatahan.

Paglabas sa courtroom ay sandamakmak ang mga media na sumalubong sa amin,

"Attorney Justin, totoo po ba ang sinabi ni Attorney Luis na pinagtatakpan niyo lang ang kapatid niyo sa pang-gagahasa niyang nagawa?"

"Hindi." mabilis na sagot nito.

"Ano naman pong masasabi niyo sa side ng mga nagsampa ng kaso?" tanong ng kabilang media.

Napahinto si Attorney Justin sa paglalakad, "False Accusation may ruin someone's reputation and image, in my client's case it was clear that he was being set up or framed up to take all the blame they are pressing unto him." aniya.

Sinundan namin siya nina Mom and Daddy palabas ng korte, but then I was being cornered by the medias.

"Hindi ba't ikaw ang girlfriend ni Ethan de Dios or popularly known as Lee Heeseung? Anong nararamdaman mo sa nangyayari?"

"Sa iyo bang palagay ay totoo ang inaakusa sa boyfriend mong panggagahasa sa kaibigan mo?"

"Bakit nasa side ka ng boyfriend mo at hindi sa side ng bestfriend mo?"

I panicked as they cornered and bombarded me with photos and question. I was completemy overwhelm that I was about to faint again because of nervousness, panic, and fear.

Agad naman tinaboy ni Daddy ang mga media at hinila ako palabas ng korte. Pinasakay nila ako sa kotse at doon ko ibinuhos lahat ng mga iyak ko. They did just comfort me and listen to what I was saying.

Kumain kami pagbalik sa condo, but I lost my appetite after I was being around the medias. Dito na rin pinakain si Attorney upang makapag usap sila ni Daddy sa mga susunod na hakbang.

"I know your brother well, I mean he's with my daughter for the past four years. Itinuring na rin namin siyang parang anak, and being him...in this situation hurts me. My son, your brother I mean doesn't deserve this pain. Susuportahan kita sa kaso, I got all the sources amd money that you need."

Tumayo ako at nagpaalam na papasok na sa kwarto ko upang maligo. But when I was about to go inside my bathroom ay nakita ko ang cellphone ni Heeseung.

Kinuha ko iyon at bumalik sa kama upang maupo. I scanned my fingerprint on it because I registered mine in his phone, and he registered his on my phone.

Pagkabukas ko ay nakita ko ang picture na ipinakita kanina sa korte, there are many people in there. Hindi lang ang tita nilang buntis at mga bata. Naroon din ang iilan nilang mga tito at tita.

Inalis ko iyon at tinignan ang messages nito. There are two unsent messages sa conversation namin kaya agad kong binuksan ito, tears suddenly fell unto my eyes as I read those messages. 

"Hey mahal, I just drink the pear juice. I'm dizzy right now, are you already on bed?"

"Mahal, why aren't you replying? Sumasakit ang ulo hindi ko alam bakit. Baka siguro dahil sa puyat"

Dating My Hater (Enhypen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon