ii.
Katahimikan ang nangingibabaw sa loob ng clinic, whenever I look at Heeseung, he's grinning at me...like a lunatic.
"So, aren't you feel honored to be with Lee Heeseung alone?" he slightly chuckled.
I gritted my teeth as he annoys me more. Hindi ko siya pinansin at nilabas ko ang book ko sa Science, U tried to focus on my study but then his whistles are too loud!
"Pwede ba?!" sigaw ko.
Nagulat siya sa akin, nguni't ang pagkagulat ay pinalitan niya ng pagkangisi.
"What? Anong pwede ba?" he slowly stood up and walk towards me. I gulped as I saw his dazzling abs infront of me. Yumuko ako at nagkunwaring nag aaral.
He laughed so hard, na dinig siya sa bawat sulok ng clinic. Sa sobrang inis ko ay inihampas ko sa mukha niya ang makapal na librong hawak ko.
"Mamatay ka jan!"
Umuwi agad ako pagkatapos, hindi ko kakayaning makita ang isang Lee Heeseung na ubod ng yabang, at kakapalan.
"Beshy! Narinig ko nasa clinic daw si Ethan kaya wala siya sa practice ngayon. Nakita mo ba siya don?" nag aalalang tanong ni Monica.
Inirapan ko siya, "Wala di ko siya nakita don." pagsisinungaling ko.
Nakita ko ang mga nagbabadyang mga luha sa mga mata ni Monica na siyang nagpakunot ng noo ko. "Bakit?"
"Kaya ba siya nag skip ng practice dahil may kinikitaan na siyang iba? Bumili pa naman ako ng sumbrerong katulad ng sakaniya, tapos makikita ko pinapahiram lang niya ang jowa nya ng libre. It breaks my heart, Yvette!" aniya saka umiyak.
Ilang minuto pa bago ko siya mapatahan, at bago ako makaalis ay nagkita kami ni Daniel.
"Yvette." tawag niya sa pangalan ko. Nilagpasan ko siya nguni't nahuli na naman niya ang wrist ko. "Usap tayo."
I laughed sarcasticly, "Kaya kaba lumipat dito dahil gusto mo akong makausap?"
"H-Hindi sa ganoon-"
Pinutol ko ang sasabihin niya, "Eh bakit ka nandito? Bakit moko sinusundan? Bakit kita kaklase? Bakit ka nasa harapan ko't kinakausap moko? Bakit di mo ko pabayaan!"
"YVETTE!" hinigpitan niya ang pagkakahawak sa wrist ko, kaya nasaktan ako.
Nandilim ang paningin ko sakaniya, sa ilang saglit ay nawala ang matapang nitong mukha at napalitan ng pag aalala.
"Y-Yvette, I-I'm sorry." Aniya.
Hindi ako makapag react dito, nakatulala lang ako habang dinaramdam ang sakit.
"Yvette!" tawag ni Monica at inilayo ako kay Daniel.
"S-Sorry, Yvette. I didn't mean to-"
Natuon ang atensyon naming tatlo sa pumalaklak, "You didn't mean to hurt her pero sinadya mo lang ganon?" aniya. His school uniform isn't button up kaya nakikita ang dibdib nitong kaunti. Nainis lalo ako nang makita siya.
"E-Ethan." tawag sakaniya ni Monica.
Hinila ako ni Heeseung palabas ng campus at sumakay sa isang limousine. Hindi ako makapag react sa mga pangyayari, napansin ko na lamang na huminto na ang sasakyan sa isang milk tea shop.
Lumabas si Heeseung sa sasakyan at bumalik pagkatapos ng ilang minuto bitbit ang dalawang milktea. Binigay nito ang isa sa akin saka na nag drive pabalik sa school.
Walang umiimik sa amin, I saw his nose slightly swollen. Masyado ko atang napuruhan ang ilong niya ngayong araw.
"Huwag mokong titigan ng may pagnanasa, Miss Yvette." aniya na siyang nakapag balik sa akin sa realidad.
Hinampas ko siya sa braso, "Kapal mo! Akala mo gwapo ka? Ha? Akala mo gwapo ka?!" sigaw ko.
"Oo naman, ako lang 'to. Si Heeseung Pogi." aniya pa at tumawa sa harapan ko.
Nagwala ako sa sasakyan niya hanggang sa makabalik na sa campus, "Pwede ba? Umayos ka nga! Pasalamat ka't nilibre pa kita. Walang babaeng pinaggagastusan itong wallet ko 'no!"
"Wow! As if naman pinilit kitang ilibre moko? Excuse me, you drag me inside your car when I was unconscious on my surroundings, you took your advantage!" sigaw ko sakaniya.
"Whatever." aniya saka ako inirapan.
Agad akong nahiga pagkauwi, hindi ko na mai-proseso ang lahat ng pangyayari ngayong araw. Masyado akong napagod sa lahat ng mga naganap ngayon.
"Yvette, kakain na tayo anak.", tawag ni Daddy.
Agad akong naligo at nagbihis. Pagbaba ko ay sumalubong sa akin ang mabangong luto ni Mommy. I hugged her while she's preparing our dinner.
"Aww, ang sweet naman ng anak ko." aniya saka pinisil ang cheeks ko.
"Can't believe she's on college na niyan one of these days." ngiti ni Daddy.
Masaya kaming kumain nang mag vibrate ang phone ni Daddy. He excused himself, saka tumayo palayo sa hapag kainan. Mom smiled at me, and we continue eating our dinner.
Nang matapos na kaming kumain ay doon palang natapos ang call ni Daddy, he looks so angry. Kinilabutan tuloy ako.
He called Mom kaya ako ang naiwan sa kusina para maghugas ng mga pinagkainan. Then suddenly, someone knocked on the door. Binuksan ko iyon at nakita si Monica na may bitbit na pizza, nagmano ito sa mga magulang ko at nag tambay sa veranda ng aking kwarto.
As I strum the strings of the guitar, kumakain si Monica at pinapaulanan ako ng mga tanong.
"Seriously, Yvette? You got the chance to ride in Ethan Lee's car! Napaka swerte mong babae ka, I'm so jealous!" aniya. "Just promise me, whatever happens di mo aagawin samin si Ethan?" inilahan niya ang pinky finger niya.
Tinignan ko siya ng nandidiri, "Ang korni mo, saka there's negative zero percent na magkakagusto ako sa mayabang na lalaking iyon ano! Di ko siya type."
Nagpatuloy kami sa kwentuhan bago siya makauwi, Mom and Daddy said their goodnights to me. And as I turned off the lights, I fell asleep.
Napakaraming tao ngayon sa campus dahil sports day, may mga nagpapasok na mga outsiders basta may ticket ang mga ito. Maraming pumapasok sa gymnasium upang masaksihan ang basketball team. Dumiretso nalang ako sa clinic kung saan naroon si Nurse Nica na may ginagamot na batang maliit.
"Napano siya?" tanong ko at tumabi sa batang umiiyak.
"Nadapa habang tumatakbo."
I held the boy's hand and smiled at him, "Sshhh, huwag kanang umiyak okay? Di na masakit yan." Sambit ko upang matigil na ito sa kakaiyak.
Isang mahabang araw para sa akin ang mag stay sa clinic para tumulong, kaya nang lumabas ako ay agad akong nag stretch ng katawan at nag unat unat pa.
"Hindi ka nanood." napatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa harapan ko. It was Heeseng Lee! Naka jersey ito ng Enhyfun Academy at naliligo ng pawis!
"S-So what kung di ako nanood? Worth it kabang panoorin?" irap ko sakaniya.
Pumameywang siya sa akin saka ngumisi ng malaki, "Worth it akong panooring maglaro, kase gwapo ako."
Nagsalubong ang dalawang kilay ko sakaniya saka sinipa ang kaliwa niyang paa at mabilis akong tumakbo palayo.

BINABASA MO ANG
Dating My Hater (Enhypen Series #1)
Fiksi PenggemarEthan de Dios, also known as Lee Heeseung, is a student in Enhyfun Academy. He is considered to be the all rounder ace because of his skills, and one of the heart throb in the said Academy. But despite of being famous, and getting along mostly with...