CHAPTER 16

88 7 3
                                    

"Checkmate!" I shouted.I laughed and drink the orange juice beside me.

" Ma'am, naman eh. Lugi ako hindi naman ako marunong mag chess." kumamot ito sa kanyang batok.

Naglalaro kami ng chess dito sa kusina. Parehas kaming naka upo ni kuya berting sa stool ng kitchen counter. Habang si nanay beleng na nonood lang samin.

" Hay! naku berting.. Sinabi mo kanina marunong ka. Kahit kailan talaga na mayabang Ka. " Turan ni nanay beleng habang umiling-iling.

" Akala ko kase lipat lipat lang tapos kain, gano'n."

Anong lipat lipat tas ganun ganun? Ang gulo ng matanda'ng 'to. Kaya pala nag tataka 'ko kanina pa, nagiging Draughts game ang pag lalaro niya.

" Anong lipat lipat? Mang berting. " kunat noo 'kong tanong.

"Ano nga ba iyon. Ah, Dama 'ata. Ayun! dama pa 'la" Turan nito.

Nagkatinginan kami ni nanay beleng bago parehas napa-sapo sa noo. Kaya pala ang gulo ng mga moves niya kanina pa, yun pala Draughts game na ang nilalaro niya 'di man lang ako na inform.

" Mang berting naman e. Iba po yung dama sa chess." natatawang sabi ko.

" Pasensya na ma'am nary, Akala ko po kase pareho lang iyon. " Kamot Ulo'ng dahilan nito.

Napailing nalang ako habang natatawa. Kasalanan ko 'rin hindi ko na paliwang ng maayos sa kaniya.

Na 'excite kase ako ng makita ko itong chess sa may cabinet ng kwarto ko.
Nagulat panga ako dahil may basket pa ng puro laruan, kaso 'nga lang halatang na paglumaan na.

Uminom ulit ako ng juice at sumubo ng cake. Nakadalawang slice na nga ako ng cake, It's a mango cake and this is my favorite. Nung nakaraan pa ako nag c-crave sa cake na 'to e.

" Ahm.. Ang sarap talaga" Saad ko habang sinisumot ang laman ng kutsara ko.

" Marami pa nyan sa ref, narry. Kumuha ka lang kung gusto mo pa." saad ng matanda.

" Wala po bang may ari nito?" Baka kase lamon lang ako ng lamon 'tas may may-ari pala.

Umiling ang matanda. " Binili ni Senyorito iyan. " Napatigil ako sa sinabi ng matanda binili? Mahilig din pala sya sa cake.

" Para sa iyo ang mga cake na nasa refrigerator," Sabi nito.

Para sakin? Teka bakit? Nalilito ako. I don't wan't to make any conclusion Because some day and some how it can cause me into pain.

Tsaka hindi kami nakapag usap kahapon dahil maaga syang umalis. Dito lang ako nag lagi sa mansyon kahapon, tinatamad din akong lumabas para pumunta sa farm.

Gusto ko ma'ng manood sa parokya ng mga pagtatanghal pero parang hinihila ang katawan ko na maglagi lang dito sa mansyon.

" Hala! Si senyorita pinamumulahan." Panunukso ni mang berting sa aakin.

Napahawak ako sa pisngi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinagsa lubong ang aking kilay.

" Maainit lang kase mang berting!" Dipensa ko. Bakit naman kase sa tuwing na iisip ko ang lalaking 'yun. Mabilis akong pinamumulahan.

Please me { On-going }Where stories live. Discover now