Lahat ata ng salitang binitawan ko tungkol sa lalaking iyon kinain ko din. Gulong-gulo na ang utak ko dahil sa kanya.
Lumaki naman akong may respeto sa sarili pero bakit?, bakit ganon nalang ako mag paubaya sa taong hindi ko naman lubos na kilala. Tumututol ang utak ko pero bigay na bigay ang katwan ko.Oh!goddess please...
“ Ate Nary!”Napabalik ako sa realidad ng marinig ang pagtawag ni marie.
“ Ha?” wala sa sariling sabi ko.
Nasa kubo kami ngayon kung saan kumakain ang mga manggagawa.Pero tapos na rin naman sila mag hapunan. Tumambay lang kami ni marie dito dahil tapos narin naman sya sa mga gawain na inutos sa kanya.
Gusto ko nga tumulong ngunit sabi nila sakin na mahigpit na inutos daw ng senyorito nila na wag akong pagtrabahuhin sa farm.
Nung-una kinilig ako pero nang maalala ko yung nangyari nung nakaraang gabi gumuhit ang sakit sa dibdib ko.
“ Yung pusa nila aleng mareng ginahasa ng manok.” saad nito.
Mabilis ang pag lingon ko sa kanya at takang tingin ang pinukol binigay ko.
“ oh diba! Sabi na nga po ba, Dika nakikinig ate e.” Inis na turan nya. Nag cross amrs pa ito at nag pout. Nag tatampong tumingin sya sa ibang deriksyon.
Napakamot ako sa aking buhok at nilagay ang takas kong buhok sa likod ng tenga ko.
“ Sorry marie. Marami lang akong iniisip ngayon. ” paghingi ko ng pasensya.
“ Bakit ate? Anong iniisip mo?” curious na tanong nito. Lumapit pa ito sakin at pinagkatitigan ako.
“ Hindi halatang chismosa ka” sarcastic na tono ko. Ngunit natawa ko ng mag salubong ang kilay nya.
“ Ate naman e!”
“ Ate naman e!” pang-gagaya ko sa malamyang tono. Kaagad naman tumalim ang tingin nya sakin. Inirapan ako nito.
“ Aba't! Huwag na huwag mo kong iirapan, Hindi bagay sayo.” Soft lang ang aura ni marie hindi bagay sa kanya ang magtaray. Morena sya pero sobrang ganda naman, atsaka hindi katulad ng ibang morena mataray kung tignan. siya parang anghel dahil sa mga mata nyang kulay chocolate. Actually asset nya ang mga mata nya.
Kaya nga hindi ako mag tataka baka magustohan rin sya ni driko, sa angking ganda ba naman nito. Piniksi ko ang isipang yun.Damn. sinasaktan ko lang ang sarili ko.
“ Ayan kananaman ate e!” sigaw na naman nya.
“ Ano ba yun!” Natatawang turan ko.
“ Ano ba kaseng iniisip mo? bakit ganyan na lang yung pagkalutang mo.”
Napabuntong hininga ako. I want to open. Gusto kong mag kwento para naman mabawasan ang iniisip ko at ang bigat sa dibdib ko.
Pero hindi. Kase hindi pa ako sigurado sa lahat, sa nararamdaman ko sobrang nalilito pa ako. Baka hindi niya rin ako maintindahan.
“ Wala family problem lang” Pagdadahilan ko.
“ Bakit?”dugtong nya.
“ Family problem nga lang, kulit mo.”
“ Kwe—” Hindi na nito na tuloy ang sa sabihin ng sumenyas ako na tumigil.
Tinikom nya ang bibig at tumango-tango na lang.
Manang-mana sa tatay niyang madaldal din. Umiling na lang ako at tinanaw na lang ang mga mangagawa.
na nag tratrabaho.Mag-aalaskwatro ng hapon nang mapag desisyonan ko na lang umuwi na umuwi tutal wala 'din akong kasama gumala.