Mabibigat ang bawat hakbang ko pa punta sa bahay nila marie. Doon ko lang naisipan pumunta dahil hindi ko parin naman kabisado masyado ang farm.
Halos hindi na maipinta ang muka ko sa sobrang inis.
Sobrang pakealamero niya! Kung maka demand akala mo boss, Oo boss nga siya pero, hello? hindi naman niya ako empleyado!
Nang ma tanaw ko na ang bahay nila marie mas binilasan ko pa lalo ang lakad ko.
Nakita ko siya sa kusina nila. Nasa labas kase ang kusina nila, ang lababo at lutuan nila ay gawa sa kahoy. Bago ka makapasok sa bahay nila bubungad agad ang kusina at ang lamesa kung saan sila kumakain.
" Hoy! Marie, sabi mo babalik ka din agad!" inis na sabi ko ng makalapit ako sa bahay nila.
Napalingon ito sakin. Gulat na reaksyon ang bumakas sa muka niya.
" Sorry ate. Si nanay kase pinahugas pa ako e. Pasensya na" Hinging pasensya nito.
Pero ibinalik niya 'rin agad ang atensyon sa hinuhigasang plato.
Napanguso ako at padabog na umupo sa upuan. Ipinatong ko ang aking siko sa lamesa. Naka pangalumbaba ako habang nakatanaw sa kawalan.
" Bakit, Ganiyan ang muka mo ate? May nangyari po ba. " lingon niya sakin.
Umiling ako. Nakita ko siya tumawa pero inirapan ko na lang.
"Wala may sumira lang ng araw ko" Inis na turan ko.
Hindi magandang ideya na mag kwento ako sa kaniya. Hindi sa wala akong tiwala, baka lang kase kung anong isipin nya at syempre alam ko naman na gustong-gusto niya si driko.
That man-whore! He's the only person I've met that I hate, I mean of all I hate he's the most damned curse.
" Ay! Oo nga pala ate Nary. Yung cellphone mo kanina pa po may tumatawag." Naka talikod na sabi nito. Sino naman kaya iyon?
Nagkibit balikat ako at kinuha ang nakasabit na bag malapit sa pinto nila. Dito ko iniiwan ang selpon ko sa kanila dahil kampante naman ako.
Kinuha ko ang cellphone at nang binuksan ko. Nakita ko kaagad ang 5 miscalled ni kuya pero nag pop up ulit ang number niya . Hudyat na tumatawag siya. I immediately accept his call.
" Hello kuya? " bungad ko.
" oh lilysis, Bakit? ngayon mo lang sinagot, Kanina pa ako tumatawag. May ginagawa kaba?" tanong nito.
Umiling ako kahit hindi n'ya naman makita.
" Nothing, I left my cellphone. What's the matter.why did you call? I asked.
Bumalik ako ulit sa pwesto ko, kung saan ako naka upo.
Tinignan ko si marie, nakatalikod lang ito at seryoso sa mga hinu hugasan na plato. Mukang hindi naman siya intresado kung may naguusap man malapit sa kanya kaya panatag ako na dito nalang sa pwesto ko.
" Nope. Gusto lang kitang kamustahin. I'm sorry kung ngayon lang ako napatawag. These past few days, I've had too many meetings with investors. Kaya sorry if hindi kita natawagan. " He explained.
Napaka oa talaga ng kuya ko. Ano naman kung hindi siya tumatawag? Sanay naman ako na bihira lang nilang kausapin o kamustahin even my dad and my mom.