Level 16:\Estelle\Disconnect -One Step to Resolution-
Sa likuran ng SMX Convention Center, nilabas ng pamilya ni Estelle ang lahat ng mga natirang paninda pabalik sa kanilang owner-type jeep. Napatingin ng saglit si Estelle sa mga grupo ng mga nagpapapicture na cosplayers sa sidewalk. Seven-thirty na, at samu't saring ugong ng mga sasakyan ay dinig na dinig sa paligid ng MOA.
Nakauwi na kaya sina Ren? O baka naglaro sa ibang kompyuteran? Nilapag ni Estelle ang mga bitbit na bote ng mga palaman ng mga sandwich, Ba't ako nag-aalala ng ganito?
Lumapit si Mamay Cynthia sa kanya, “Anak, may nakalimutan ka ba?”
Napakamot siya ng ulo, “Wala po, mamay.”
“Siguro si Ren ulit ang iniisip mo, anakis?” Mamay Cynthia smiled wide, “O may nakilala kang iba?”
Opo, siya ulit. Pero gusto ko din si Henry... Napabuntong-hininga siya, lalo na tila atat ang mga magulang niya na magkaroon siya ng boyfriend — or actually isang seryoso, mabait at maasikasong boy friend. Pero real-talk: Life doesn't always spawn perfect beings in this game we're in.
“Pwede po ba, sa bahay na lang natin ito pag-usapan, Mamay? Papay?” Binuhat muli ni Estelle ang mga bote ng mga palaman sa kanilang sasakyan.
Twenty minutes after, sa kanilang tinitirahang kulay-kapeng bungalow sa Pasay city...
Nakaupo silang tatlong mag-anak sa kanilang luma't gula-gulanit na sofa, pinapanood nila ang teleserye adaptation ng Diary ng Panget sa kanilang lumang TV. Tanging hapunan nila ngayon ay tigalawang di-nabentang hamburger sandwich, dahil di yata natuloy ang panlilibre ng isang grupo ng mga customers kanina.
“Papay, ang daming nangyari kanina,” sabi ni Estelle, “Basta, parang thriller film, kasi ang bilis eh!”
Napalingon sa kanya si Papay Danny, “Ano yun, anakis? Magbabalikan ulit kayo ni Ren?”
Magbabalikan ulit kayo ni Ren? Ume-cho sa isip niya ang pang-asar na tanong ng tatay niya. Sa isang saglit, parang ngayu-ngayon lang niya naintindihan ang mga 'pinagdadaanan' ni Ren bilang isang pro-gamer. Eto na naman sila o!
Huminga siya ng malalim, “Papay naman eh! Huwag muna nating pag-usapan sina Ren dito ha?”
Napasandal ang mga magulang niya, at tugon ng kanyang ina, “Ano uli yun, anakis?”
“Nakakita kasi ako ng kahinahinalang guy kanina,” kinagat ni Estelle ang kanyang hamburger sandwich.
Muling nagtanong ang kanyang ina, “Ano mo yun? Stalker? Bagong manliligaw?”
Iniling ni Estelle ang kanyang ulo, “Hindi niya ako type, at mukha siyang emo galing sa ibang teleserye.”
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang apron, at pinakita sa mga magulang niya ang lalakeng tinutukoy niya, “Ito yung lalakeng nakita ko kanina, nakikipag-usap sa cellphone, sa tabi pa po ng mga nanonood ng laban nina Ren kanina!”
“Baka naman yung girlfriend niya ang tinatawagan, anakis.” Napainom ng isang basong tubig ang kanyang matabang Papay Danny.
“Girlfriend?” Tinaas niya ang kanyang mga kilay, “Papay naman, parang wala namang magkakagusto sa kanya.”
“Uso ngayon ang mga bad boy, anakis,” sabay nagpakitang-palad ang kanyang ama, “Tignan mo si Kenji ng She's Dating a Gangster—”
Tinaasan niya ng boses ang kanyang ama, habang pinapanatili ang kanyang masayang tono, “Pero teleserye yun, papay! Walang tao sa tunay na buhay ang magtatangkang makipag-date sa mga gangster, puwera na lang po kung si Janice Cornetto siya!”
Hininaan ng Mamay Cynthia niya ang volume ng kanilang TV, “Ba't napunta kina Kenji at Cornetto ngayon ang usapan?”
“Si papay eh,” napabuntung-hininga si Estelle, “Pero yung lokong iyon, siya yung nangdaya kina Ren kanina! Isa pa, tinawag pa'kong kutong-lupa ng Intsik na yun!”
“Anong ginawa mo, pagkatapos 'yon?” tanong ng kanyang Papay.
“May pinagsumbungan ako, 'pay.” Namula ang kanyang mga pisngi, “Yun yung isa pang guy na nakilala ko ngayon, si Henry.”
Tignan nga naman ang pagkakataon, nag-ring ang kanyang cellphone. Lumayo sa salas si Estelle, “Mamay, papay, kakausapin ko lang po ito ng saglit.”
Pumasok siya sa kanilang silid-tulugan, at doon nang sinagot ang tawag,
“Si Henry ito, si Estelle Conejo ba ito?” Pakilala ng binatilyo sa kabilang linya.
“Oo, ako 'to, Henry.” Tanong ni Estelle habang nilalatag ang kanyang banig “Anong nangyari?”
Tugon ni Henry, “Umamin na siya. Siya nga yung kasabwat ni Derek sa pandaraya sa tournament kanina at—”
“Sinasabi ko na nga ba, Henry eh!” Napakamot siya ng ulo, “Paano na yan? Eh natanggap na nila parehas yung cash prizes?”
“Kami na ang bahala dito, at ngayon,” sagot ni Henry, “Hintayin mo na lang ang tawag namin para sa susunod na steps, okay?”
Tinapos na niya ang usapan nila ni Henry, at napatayo para tawagan si Ren. Sana sagutin mo na, please!
BINABASA MO ANG
Call of the Battlefield Online (TAGLISH)
Fiksi IlmiahPatay na ang karera ni Ren Hernandez sa e-sports, pagkatapos dayain umano ng kaniyang bespren sa isang Philippine e-sports tournament. Putol na ang kanyang ugnayan sa kanyang mga kaibigan, at pare-parehas rin silang talo sa kanilang ginawa! Magbabag...