Level 18:\Derek

28 1 0
                                    

Level 18:\Derek Velarde\Blocked -For Self Interest-

«Philippines\Makati, Manila\Velarde Townhouse»

Kinagabihan, nangamoy litsong manok, at pinasingaw na kanin ang kanilang bahay. Nagtipon ang kanyang pamilya sa kahoy na lamesa para sa hapunan. Hindi lang isang hapunang pampamilya ito, isa ring patunay na may pinatunguhan kahit papaano ang paglalaro niya ng computer games. Sa kanyang isipang sariwa sa tagumpay, matitiis kaya niya itago ang sikreto ng kanilang tagumpay?

"Papa, nanalo po ako ng ₱500,000!" maligayang sinigaw ni Derek, habang tinuklap niya ang balat ng kanyang drumstick. Sa loob ng segundong ito, agad-agad niyang inisip na sana pampaaral na lang sa kanya ito sa private school ng isang bagsakan, o mabuti pa ipaubaya na lang ang lahat ng ito sa kanyang ina.

Sumulyap ang kanyang papang Balt, "Talaga, sa laro ninyo?"

Ngumiti ang kanyang tatay habang sinawsaw niya ang balat ng manok sa platito ng Mang Tomas.

"Opo papa." Sinubo ni Derek ang kanyang kaning may kapirasong laman ng manok sa ibabaw.

Agad sumagi sa kanyang isip na dati-rati, ilang beses na siyang nadadatnan ng kanyang ama sa katapat na internet cafe. Lumalaban ng pustahan sa DotA 2 (Defense of the Ancients 2), League of Legends, o kaya sa pagkahaba-habang laro ng Warcraft 3, at umabot sa papasikat na online shooter na Call of the Battlefield. At least kasi ngayon, organisado naman ang nag-daos ng game tournament kanina.

Sinilip niya ang mukha ng kanyang ina. Kung pwede lang ngayon, itatakbo na nila sa ospital at umpisahan ang pagreretoke sa kanya. Daglian niyang kinuha ang bag na naglalaman ng cash prize, at pinakita sa mga magulang niya, "Nay, para sa'yo ito—"

Nanglaki ang mga mata ng mga magulang niya, sa nakita nilang bultu-bultong salapi.

"Yan na yung buong cash prize?" Tanong ni papa Balt.

Tumango muli si Derek, "At pampagamot natin iyan kay mama, 'pa..."

"Anak, okay lang ako. Huwag mo na ako alahanin." Malumanay na sinabi ng kanyang mama Mirna, "Gamitin mo na lang iyan sa pag-aaral mo, anak."

"Mama naman eh!" itinigil ni Derek ang kanyang pagkain at matulin niyang niyakap ang kanyang ina. Bawat luha nila'y rumatrat sa kanyang konsiyensiya, tila pinapasuko na siya nito.

Iniyakan niya ang balikat ng kanyang nanay, "Gusto ko po gumaling ka na, 'ma!"

"Anak, ako dapat ang mas nagsasakripisyo." Hinaplos siya ng kanyang nanay sa ulo, sa kabila ng mga magkakasunod na pagsuwail sa mga payo't kahilingan ng mga magulang niya. Ngunit, siya'y ngumiti ng saglit, "Pwede ba mamaya na ang drama? Lalamig na ang litsong manok."

Makalipas ng isang oras ng hapunang hitik sa kwentuhan ng pamilyang Velarde...

Habang naghuhugas si Derek ng kanilang pinagkainan, ang kanyang isip naman ay tila nag-spawn sa La Mesa Eco-Park...

«Derek's Dream\Call of the Battlefield\La Mesa Eco-Park»

Siya'y nagtago sa likod ng isang puno. Tanging armas? Isang Desert Eagle na may apoy na hindi mamamatay-matay, parang hindi na terno sa nakagisnang laro nila ni Ren.

"Huwag mo nang aminin, Derek!" Umaalingawngaw na sigaw ng isang lalakeng may malaim na boses. Hindi nagdalawang-isip na paputukan siya sa kanyang punong tinataguan.

Tatlong bala ng tila'y mala-demonyong bersyon ng Baby Armalite ang muntikang bumutas sa kanya. "Kung nagawa mong makipagpustahan, at kampante ka naman sa skills mo! Kaya mong pagtakpa—"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Call of the Battlefield Online (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon