Level 13:\Derek

69 2 0
                                    

Level 13:\Derek Velarde\Disconnect -It had to be done!–

Nilapitan ng grupo ni Derek ang mga tournament organizers at pinagpalit ang malaking ₱500,000 tseke para sa isang bag na punung-puno ng ₱1,000 bills. Habang binibilang ang pera sa harap mismo ng mga organizers, tinawag siya ni Badong,

"Derek, tara, kain tayo sa Jollibee!"

Tumango si Derek sa isang kislap, "Sige ba, doon tayo maghatian!"

They left the stage, until a hooded teenager blocked their way, then he called his name. Nilagpasan nila ang binatilyo, as if he's merely a ghost or an annoying networking associate. For the second time, sumigaw muli si Franzen, yung naka-hoodie: "Hoy Velarde!"

“Derek, hindi mo ba papansinin yung naka-hood kanina?” hila-hila ni Hagibis ang kaliwang kamay ni Derek.

“Ano ba, papagamot ko na agad ang mama ko!” nagsimangot si Derek.

Derek and his gang walked away from the hooded guy, until it pulled Derek's other hand. He peeked at Franzen's eyes, "Bakit, Franzen?"

"Gagi! Kung makadamit ka, akala mo gangster" dinuro ni Jason ang dibdib ni Franzen

Nakahalukipkip si Hagibis, "Nag-fe-feeling Daneil Padilla naman!"

Lumapit si Franzen kay Derek at nagmaka-awa, "Balato naman dyan!"

He shook his head, then yelled at Franzen's face, "Sorry, kailangan kong bilhan ng gamot ang nanay ko!"

Tinuloy nila ang paglalakad pauwi, pero tinulak siya ni Franzen sa malamig na sahig ng SMX, "Huwag mong kakalimutan na kami ni Horganner ang nagpapanalo sa iyo!" at dinuro ang ilong niya.

Tinulak ni Badong si Franzen, at hinarangan si Derek ng mga kasamahan niya. Sigaw ni Badong sa desperadong binatilyo, habang nakatikom ang mga kamao, "Ginagago mo ba kami?"

“Di mo ba kami narinig na may iba pang plano sa perang yon, ha!” tinulak-tulak ni Jason si Franzen.

“Huwag mo siyang sasaktan!” ani ni Derek.

Di makapagpigil, hinawi ni Franzen si Jason at nilabas niya ang kanyang cellphone na tumatakbo pa ang radar app. "Hindi mo ba alam, na si Horganner ang may gawa ng program na ito?”

“Ito ang nagpapanalo sa iyo!” Nilapit pa ni Franzen ang cellphone sa mukha ni Derek, “Ano, balato o papadisqualify at papa-ban kita sa lahat ng mga barilang games!"

"Horganner?" Derek whispered, as he brought himself up. Tse! Ililibing pa yata ang sarili niya sa mga pinagsasabi niya! He clenched his fists again, as if he wanted to punch him out from the SMX's glass windows.

"Oo, siya nga!" bulyaw ni Franzen. “Tandaan mo, parehas tayo nangangailangan ng pera dito!”

Call of the Battlefield Online (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon