Level 14:\Henry

69 2 0
                                    

Level 14:\Henry Kanlaon\Disconnect -Middleman Installed–

Napatango si Ren at Estelle, then in a split second, hinawakan ni Estelle ang kamay ni Henry, “Sorry na, nadamay ka sa'ming gulo...”

Darn it, it happened so fast! I could have told my name first before I bothered helping them! My bad... Kinuha ni Henry ang kanyang mga personal calling card, at binigay ang mga ito kina Ren at Estelle. Honestly: either anime personification niya ito, o kung sakali ay isa pala siyang illustrator tulad ni Enjelicious.

Napaluhod pa sa sahig si Ren, “Sorry kung napaghinalaan din kita. Aaminin kong medyo nagselos ako at gusto na kita sapakin—“

Tinakpan ni Estelle ang bibig ni Ren, “Ano ba! Ang linaw na nga na tutulungan tayo ni Henry!”

Niyakap ni Henry sina Estelle at Ren, at sinabihan sila, “Ayos lang, after all tungkulin ko rin ito...”

Okay lang kaya kung mabunyag ko na sa kanila kung ano talaga role ko dito? Mahigpit niyang niyakap ang dalawa, at tila pinagtinginan na silang tatlo ng mga kalaro ni Ren.

“Hoy, baka magkapalitan na kayo ng mukha!” sabay hinatak ni Chesa si Ren palayo kina Henry at Estelle.

“Uuuuy, three-some na'yan!” banat ni Arnold.

“Anong three-some!” pabirong kinotongan ni Bernardo si Arnold, “Baka love triangle na'yan, pang-teleserye na!”

“Sorry Henry, pero kailangan ko nang umalis,” tumakbong pabalik sa kanilang hamburger stand si Estelle.

Sa wakas, napangiti rin ni Henry ang dalawang iyon. Maging siya'y napangiti rin sa pangyayaring ito. Yun nga lang, nakatingin ang ilang mga lalakeng cosplayers sa kanya. Eh ano ngayon? At least, I'm fabulous!

Dinig hanggang sa SMX ang malakas na agos ng ulan, tila sinapawan na ang mga nagkokontrahang Christmas jingle, at dubstep-remixed Japanese & Korean pop music sa loob ng convention hall.

Umulan na naman? Napakamot ng ulo si Henry, at siya'y bumalik sa backstage ng event hall. Ngunit narinig niya ang bangayan ng mga binatilyo, kahit pa ini-escortan na sila ng mga guards palabas ng SMX. Ano na naman yan?

Baka nandito yata yung sinasabi ni Estelle kanina, masundan nga! Agad tinignan ni Henry ang cellphone niya para sa hitsura ni Franzen, ang kinuwentong kasabwat ni Derek. Sumunod si Henry sa mga guwardiya, ngunit inawat siya ng isa sa mga pumalit na guwardiya sa labas ng convention hall.

“Mr. Kanlaon, huwag ka munang lumapit doon...” mahigpit na hinawakan ng guwardiya ang mga balikat ni Henry, “Pinagbilin ka sa'kin ng tatay mo.”

Sabay kunot ng mukha ng guwardiya, pero pinakitaan ni Henry ng litrato ng pakay niya. “Lalapitan ko ang batang ito, please... May kasalanan iyan sa event kanina!”

Tinuro ng security guard si Franzen. The boy in question has swollen eyes, that shed few drops of blood and tears. Islands of bruises mapped all over his face, as a result of being beaten up by a group. Eto nga yung sinusumbong sa'kin ni Estelle kanina!

“Siya nga, manong guard.” maliksing nilapitan ni Henry si Franzen.

“Huy! Anong gagawin mo, bata!” tinangkang lapitan ng guwardiya si Henry, “Papahiyain mo sila dito? Malaking iskandalo iyan sa inyo, boy!”

“I'm fine...” tanggi ni Henry, at pinaupo niya sina Franzen, at ang mga kalaro ni Derek sa sahig.

“May nakapagreklamo sa akin kanina, na ikaw pala ang nagpapanalo kay Derek at sa Valenzuela Valiants. Totoo ba'to o hindi?” sinabi ni Henry ng mahinahon kay Franzen.

Habang hinihintay ang tugon ni Franzen, kinukunan si Henry ng litrato ng mga babae nasa paligid niya. Cosplayer man, o gamer, o mga simpleng tumatambay sa SMX, na umusosyo sa pagkakadakip nina Franzen at ng mandurugas na grupo.

Call of the Battlefield Online (TAGLISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon