Level 15:\Franzen Gao\Disconnect -Begin Root Search-
Umatras si Franzen, habang nilapitan siya ni Henry. Sa higpit ng pagkakahawak ng mga guwardiya sa mga braso niya, kinawag niya an kanyang mga paa. Muntikan nang masipa si Henry sa kanyang mga hita, pero hinila siya palayo ng mga guwardiya.
“Bakit?” utal ni Franzen, “Ano ka ba? GM(Game moderator)?”
Tinangkang tumayo ni Badong, ngunit pinigilan rin siya ng mga iba pang guwardiya, “Kaibigan ka nina Ren, no?”
“Sa security office na lang tayong mag-usap,” itinuro ni Henry ang mga nakiusosyong mga cosplayers at mga fans, “Ayan, tameme na kayo sa harap nila eh!”
Habang pinalakad sila ng mga guwardiya palayo ng convention hall, tinikom ni Franzen ang kanyang mga kamao, tila mag-cha-charge ba ng ki, chakra, nen, o kahit anong energy na pwede nang makapatay sa mga guards, o kay Henry! Sa kanyang pagtimpi, tila gusto niya rin sanang batukan sa noo si Estelle, dahil siya ang nakakita sa kanyang kalokohan sa event hall — sa madaling salita: Witness siya, na dapat nang patahimikin!
Sa loob ng opisina ng mga guwardiya, pinaupo ng diretso si Franzen, at ang mga kalaro ni Derek sa itim na carpet floor. Daig pa nila ang mga shoplifter kung maitipon sila sa kwartong ito. Samantalang si Henry ay nakaupong de-kwatro sa puting office chair, na obviously siya ang complainant sa kasong ito.
Dinuro ni Henry ang noo niya, habang hawak niya ang cellphone na may litrato niyang may kinakausap sa telepono, “Malinaw sa litratong ito, na nagbibigay ka pala ng direksyon sa isang player ng Valenzuela Valiants.”
“Ano ka?” itinaas niya ang kanyang nangangalit na kamao, “Kausap ko kaya nanay ko kanina diyan!”
Hinimas ni Henry ang kanyang makinis na baba, “Ang malala pa, marami pa silang nakakita sa'yong garapalang pagco-coaching kanina.”
“Hoy! Nanay ko ang kausap ko sa phone, bakla!” nag-init ang mga braso niya, at sinubukang suntukin si Henry, “Inuulit ko, nanay ko ang kausap ko sa hall kanina!”
Agad hinawi ni Henry ang kamay ni Franzen, at tinuhod ang kanyang tiyan. “Patawad, pero halata naman na may tinuruan ka sa tournament.”
Napaubo siya ng malabnaw na laway, mamula-mula ang kanyang katawan sa inis, at pagsisinungaling sa harap ni Henry. Pinagtinginan pa siya ng mga kalaro ni Derek, at naluluha pa si Hagibis sa kanyang aksyon.
“Kaya rin pala may tinitignan si Derek sa kanyang cellphone kanina...” pinunas ni Hagibis ang kanyang luha, gamit lang ang kanyang t-shirt. “Siya pala ang may gawa nung radar kanina!”
“Oo na, kailangan ni Derek ang premyo!” paluhang bulyaw niya kay Henry, “At ginawa ko lang iyon bilang kaibigan niya.”Dinuro pa niya ang school uniform ni Henry, “Palibhasa kasi, may pera kang pangcosplay, ang daling manita ng—“
“Chill lang, bata. Nilalayo mo na naman eh.” pinisil ni Henry ang bibig niya, tila lalamutakin niya parang dough na pang-pandesal. “Tinulungan mo nga, pero mali ang ginawa mo!”
Inalis niya ang kamay ni Henry, “Kailangan lang talaga niya ng pampa-opera! Mag-bespren ang dalawang iyon, at kung alam mo lang—”
Sabat ni Badong, “Hindi sila nagpapatalo! Palagiang nagta-tie, o kaya—“
“One or two points lang ang difference nila!” dugtong ni Lordino.
“Hindi man lang nagsabi sa'min kanina. Kanina pa nga siya nakabusangot bago kami naglaro eh.” dagdag ni Hagibis.
Dineretso ni Henry ang kanyang mga paa, at napayuko ng kaunti sa kanila. Anong nangyari dito? Parang may gumayuma kay Henry? Kani-kanina lang, parang siya na ang may-ari o stockholder ng MOA. Ngayon, tila relaks ang kanyang pagkakaupo, parang papakinggan sila.
“Mga magkano ba ang kailangan niya? Sa'n naman ooperahan, 'Zen?” tanong ni Henry.
Uminit ang kanyang balat, at namawis sa bawat paghinga niya. Di mawari kung sasagutin niya pa ng husto o hindi? Gisado na siya, sa kabila ng maamong mukha ni Henry pa lang.
Napakamot na siya ng ulo, “Sabi ni Derek: mga 500,000 Pesos.”
“Ganito na lang, kung kilala mo talaga ang kaibigan mo,” tumayo si Henry sa kanyang kinauupuan, “Or let's say, ang kliyente mo?”
“Hoy! Kulang pa ba yun? Hindi ka naman siguro si Detective Conan kung makausisa ah!” tinikom muli niya ang kanyang mga kamao, gusto nang basagin ang pagmumukha ni Henry, sa kakatanong.
“Aba oo, pwera na lang kung ikaw talaga ay inutusan ng kung sinuman, para manggulo ng isang game tournament.” sabay humarap muli sa kanya, “Kung ganoon, mapapatawan ka ng parusang naaayon sa anti-cybercrime law.”
Walang-hiyang Henry na iyan, ang bata-bata niyang tignan kapag nakacostume, pero kung siya'y tanungin, daig pa niya ang mga kapulisan o mga private detective.
“Yung mukha ng ina niya, nasunog yata—” Nilaru-laro ni Franzen ang mga daliri niya, “Hindi ko matandaan eh, basta may aksidente yata nangyari nung mga time na iyon.”
“Tama nga ang pinaglalaban ninyo,” tumango si Henry, “Hopefully mapatunayan ninyo sa mga magulang ninyo na may mabuting pinatunguhan ang mga araw o buwan na ginugol niyo dito.”
Nilitanya na naman sila ng ilang event staff, at ni Henry. Bumungad sa isipan ni Franzen ang kanyang lola, at ang mga magulang niya. Ang kanyang lola'y tumayong inang-yaya, habang ang mga magulang niya'y nagtratrabaho sa Amerika.
Tandang-tanda pa niya, na inabot na siya ng madaling-araw para lang makabenta ng mga malalakas na in-game items for real money. Ang kadalasang alam lang ng mga nakakatanda, as usual: study group at school projects.
Ang nakakatuwa't, nakakalungkot lang? Alam ng lola niya ang bawat pinagdadaanan niya, na buti na nga, doon na nanggagaling ang allowance niya.
Biglaan silang tinaasan ng boses ni Henry, “Isa pa, pinahiya niyo na ang mga sarili ninyo, ang pamilya niyo, at ang buong Pilipinas!”
Patawad din, Derek. Piga na rin ako dito. Agad pinakita ni Franzen ang kanyang cellphone, at ang app na pinangtulong kay Derek. “Biktima rin ako dito...”
Nagsitinginan sina Hagibis sa kanya, na tila gumugulo na ang kaso nila. Napakamot ng ulo sina Badong at Jason, tsaka nagbulung-bulungan sina Hagibis at Lordino kung paano na nila paliliwanag sa mga magulang nila ang problemang haharapin ng kanilang team.
Napaupong de-kwatro muli si Henry, “Nabiktima ka ng ano?”
“Ginagawa ko lang ang utos sa'kin ng boss ko!” ang nagluluhang sigaw ni Franzen.
BINABASA MO ANG
Call of the Battlefield Online (TAGLISH)
Fiksi IlmiahPatay na ang karera ni Ren Hernandez sa e-sports, pagkatapos dayain umano ng kaniyang bespren sa isang Philippine e-sports tournament. Putol na ang kanyang ugnayan sa kanyang mga kaibigan, at pare-parehas rin silang talo sa kanilang ginawa! Magbabag...