Chapter 4

1.6K 61 0
                                    



Isang linggo na simula ng bumalik ako sa probinsiya.Gusto ko na sanang mag apply sa dati kong skwelahan malapit lang saamin.Pero sabi ni mama magpa hinga muna ako at mag relax kahit ilang linggo lang.

Hindi na ako nag inarte pa at sumang ayon din.
Medyo masama ang pakiramdam ko simula ng maka balik ako dito samin.Pero hindi naman ako nilalagnat sadyang masama lang pakiramdam ko.

And about Alexander,kahit naman na anong galit ko nag iwan parin ako ng sulat.Ganon ko siya kamahal pero sadyang hindi kami ang nagka tadhana.
Ika nga nila pinagtagpo pero hindi tinadhana.
Naluluha akong Napa upo sa kama dahil sa mga naiisip.Napa hawak naman ako sa ulo ko ng bigla itong kumirot.Kailangan ko na talagang mag take ng medicine para dito.

"Anak,lumabas kana diyan at kumain ng pananghalian.Baka malipasan ka ng gutom."narinig ko ang sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Opo lalabas na."nagugutom narin naman ako.Kanina pa nag aalburuto ang tiyan dahil hindi ako naka kain kaninang umaga.Natulog lang ako magdamag,naging tamad ako kumilos lately.Nasanay siguro ako na si mama lang ang gumagawa lahat ng gawain.

Hinagilap ko ang pang sapin sa paa at mabilis na kumilos para lumabas ng kwarto.

Pumunta naman ako agad sa kusina at nakitang nag aayos ni mama ng pananghalian.Lumapit naman ako dito para tumulong man lang.

"Ma,pasensya na talaga dahil hindi ako nakaka tulong sayo dito sa bahay."panimula ko nang makita ang naging mali ko.Guilty ako.oo,minsan na nga lang ako nandito tulog pa inaatupag ko.

"Ano kaba anak,yun nga ang dapat mong gawin.Mag relax ka muna at ako na ang bahala dito.Hindi naman tayo nagigipit dahil sa mga binigay mong tindahan natin.Kahit ito man lang bilang pasasalamat namin sayo."Napa ngiti naman ako sa sinabi nito.Mama will always be mama,shes so sweet and carying.

"Hindi naman po ako nanghihingi ng kapalit ma.Makita ko lang na maka ahon kayo sa hirap sobrang saya ko na."naluluha kung saad dito.Napatigil naman ako sa paghahain ng kanin.hayyyssss!Nagiging iyakin nanaman ako.

Nakita kung binuksan niya ang nilutong ulam.Napa takip ako sa bibig ko ng maamoy ang ulam.
Biglang kumalam ang tiyan ko na parang hinuhukay.

"O siya tama na ang drama baka gutom lang————-"
Napatigil siya sa pagsasalita ng bigla akong Napa takbo sa banyo ng wala sa oras.

Hindi ko na kaya ang amoy nito kaya mabilis ko itong nasuka.
Naduduwal ako pero wala namang lumalabas.Parang nanghihina ako,kahit anong pilit ko wala talaga.
Pinunasan ko nalng ang bibig ko at naghugas ng kamay bago lumabas.
Pagkatapos ko ay pumunta na ulit ako sa kusina.Nakita ko si mama na pinagmamasdan ang kilos ko.

"Dinatnan ka ba ng buwanang dalaw mo?"seryusong saad niya kaya Napa lunok dito.Napa isip naman ako pero delayed lang naman siguro ako.
Napa lingo ako ng mahigit isang linggo akong delayed.Wag mong sabihin nagdadalang tao ako.

"M-ma——-"naiiyak kung saad dito pero seryuso parin ang anyo nito.

"Tinatanong kita Isabella,oo o hindi!?"Napa igtad ako sa sigaw nito.Kahit kailan man ay hindi ko siya narinig na mag taas ng boses.
Napa hagulgol ako dahil hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko.

Nakita kung lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magpa liwanag.

"Kumain ka muna.May bibilhin lang ako sa botika."hindi niya na hinintay pang sumagot ako at mabilis na itong naglakad.
Pero hindi parin tumitigil ang pag agos ng mga luha ko.
Ano ng gagawin ko?
Kung totoo mang buntis ako hindi pa ako handa.Pero kasalan ko,kung hindi lang sana ako nagpadala sa tukso.

Kahit umiiyak ay kumain parin ako para magpa lakas kahit kunte lang.
Tanging hikbi ko nalng ang maririnig sa loob ng bahay.Pilit kung kinakalma ang sarili ko but I cant.
I wish his with me.Pero alam kung masaya na sila ng pamilya niya.

Napatayo ako ng makita si mama na mabilis na naglalakad tungo sakin.

"Gamitin mo to Isabella,kahit ano man ang resulta tatanggapin ko."Sabi nito sabay abot ng plastik.
Kinuha ko naman ito agad at binuksan ang pregnancy kit sa loob nito.
Pero bago pa ako umalis ay hinagkan ko ang mga kamay ni mama.

"M-ma,maraming salamat sa lahat."ika ko dito at mabilis na naglakad sa banyo.

Binasa ko muna ang instruction bago sinubukan.
Dalawang linyang pula daw ang lalabas pag positive at isa sa negative.
Kinakabahan akong hinintay ang paglabas ng resulta.Kung ano man ang kalalabasan nito tatanggapin ko ng buong puso at pagmamahal.
Napa pikit ako nang lumabas ang resulta.

Two red lines.....

Buntis nga ako..Wala sa sarili kung hinawakan ang maliit kung tiyan.
Baby...
Baby ko...
Kahit wala ang daddy mo kakayanin natin to.Kaya anak lalaban tayo,haplusin mo ang puso ko para sayo.

Lumabas ako ng banyo at nakitang nababalisang naglalakad si mama.

"Ma."inagaw ko ang atensyon nito,mabilis naman itong lumapit sakin.

"Ano na?kamusta ang resulta?"natatarantang saad nito sakin.Natatakot akong makita ang dissapointment sa mata nito sa sasabihin ko.

"M-ma sorry,B-buntis po ako."nanginginig kung saad dito.Naoa pikit naman siya ng mariin.






Susunod......

Loving You Is A Mistake (COMPLETED✅✅✅)Where stories live. Discover now