Chapter 14

1.8K 51 0
                                    

Iniupo ko ang magdadalawang taon kong anak na babae sa sofa saka ko hinawakan ang anak ni Alexander na magdadalawang taong gulang din sa taon na ito.
Naging masaklap ang nangyari sa nagdaang taon.Namatay si Samantha dahil sa natamo nitong pagdurugo sa kanyang ulo.Naapektuhan ang utak nito kaya wala ng nagawa ang doctor para iligtas ito.

Nabangga ito sa poste sa hindi malamang kadahilanan.Ayun sa mga pulis ay nawalan daw ito ng kontrol.Mabuti nalang at siya lang mag isa ang nasa sasakyan.Iniwan pala ni Samantha ang anak nito sa bahay nila dahil makikipag usap palang siya sa pamilya ni Alexander.

"Ma'am,may naghahanap po sainyo sa labas.Papasukin ko po ba?"wala naman akong inaasahang bisita saka mamaya pang hapon ang uwi ni Alexander sa trabaho.

"Papasukin niyo nalang po manang."wika ko dito saka tinabihan ang mga anak ko.Hindi ko maintindihan pero unang kita ko palang kay Zandro ay sobrang gaan na ng loob ko dito.Sandro ang ipinangalan ni Alexander sa anak na lalaki.Akala ko no'ng una ay magiging komplikado ang buhay namin pero sa totoo lang sobrang saya ko at nasa amin si Sandro.
Sobrang bait at napaka lambing na bata tulad din ni Sandra.Sa tagal kong inaalagaan ang dalawa hindi ko maipagkakaila ang pagiging magkamukha nito.Siguro dahil nagmana sila sa Daddy nila.

"Good morning Mrs. Villaruel."saka ko lang inangat ang tingin ko sa taong nagsalita.Masyado akong naaliw sa mga bata kaya hindi ko ito napansin.Ngumiti ako dito saka marahang tumayo.

"Magandang umaga din sayo."naka ngiti kong saad pero napawi rin iyon ng makitang hindi siya saakin naka tingin kundi sa mga anak ko.Hindi ko mapigilang maintriga dahil mababakas sa mukha ng mama ang lungkot at guilt sa mukha nito.

"Excuse me,pwede bang malaman ang kailangan mo?"hindi ko mapigilang magtanong dahil wala itong balak magsalita.Doon ko naagaw ang atensyon niya saka palang ito humarap saakin.

"Im doctor.Brandon Park."

"Are you related to Samantha Park?"pang uusisa ko dito.Nakita ko kong pano ito lumunok ng ilang beses bago nagsalita.
"P-pamangkin ko siya."doon lang nag sink in sa isip ko kung bakit siya nandito.Malamang ay bibisitahin nito ang anak ni Samantha.

"Nako im very sorry at hindi kita nakilala doc,ngayon lang kasi kayo bumisita para kay Zandro.Sa totoo nga ay ikaw palang ang dumalaw kay Zandro na kapamilya niya."masigla kong saad dito saka siya pinaupo sa sofa na nasa harapan ko.Saka ngayon ko lang naalala na siya pala ang nagpa anak saakin dalawang taon na ang nakalipas.

"S-sana mapatawad mo ako sa lahat ng n-nagawa ko."hindi ko alam kong bakit umiiyak ito sa harapan ko.Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.
"Hindi ko maintindihan doc,hindi ba't nandito ka para bisitahin si Sandro."nagtataka kong saad dito saka siya tiningnan ng mariin.

"H-hindi,nandito ako para personal na kausapin ka Isabella."hindi pa man ito nagpapaliwanag ay bigla akong kinabahan sa sinabi nito.
"Manang,paki dala nga po ng mga bata sa play room nila.May pag uusapan lang po kaming importante."wika ko kay manang na kasambahay namin.Mabilis naman itong tumalima sa utos ko saka niya binuhat si Sandra at hinawakan ang kamay ni Sandro.Hinatid ko pa sila ng tingin bago ko hinarap si Mr. Park.

"A-anong ibig mong sabihin?"Hindi ko mapigilang mautal sa halo halong nararamdaman.

"Si S-sandro,"paunang saad nito kahit sobra akong nagtataka ay hindi ako nagsalita.
Huminga ito ng malalim saka ako tiningnan sa mata na may awa at lungkot.Napalunok ako ng ilang beses dahil sa uri ng tingin nito saakin.

"H-hindi siya anak ni Samantha."halos mabingi ako sa narinig,nangilid ang mga luha ko sa hindi malamang kadahilanan.
Napahikbi ako sa ng hindi ko alam.

"W-what do you mean?Pero anak siya ni Alexander,p-paanong!?"hindi ko mapigilang tumaas ang boses dahil sa sinabi nito.
"H-hindi ko maintindihan,pwede bang sabihin mo nalang ng D-deritsyo?"nanginginig ko saad dito Napa kuyom ako ng kamao dahil parang pinaglaruan lang nila kami.

"H-hindi siya anak ni Samantha at hindi ito magkaka anak dahil b-baog siya.Im v-very sorry,dahil mahal na mahal ko ang batang iyon ay pinagbigyan ko siya sa k-kahilingan niya."halos lumuhod na ito sa harapan ko pero nanatili akong naka upo at pilit kong iniiwas ang tingin dito.
How could they do that?Masaya ba sila na makita kaming nagdudusa dahil sa mga pinaggagawa nila?

"A-anak mo si Sandro I-Isabella."humikbi ako sa narinig pero hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko.Umiiyak lang na parang wala ng bukas.
"P-paano nangyari y-yun?B-bakit niyo nagawa saamin ito?A-ang hahayop niyo!M-masaya na ba kayo na makita kaming n-nagdurusa?"halos hindi na ako maka hinga sa sobrang sama ng loob ko.

"K-kambal ang anak niyo,masyado lang akong n-nabulag sa pagmamahal ko sa pamangkin ko.Pero p-pinag sisihan ko na yun.M-maawa ka Isabella,kahit ipakulong mo pa ako ay tatanggapin ko.Basta m-mapatawad mo lang ako."nanginginig nitong saad saka siya lumapit saakin na naka luhod parin.

"B-bakit,naawa ka ba ng gawin mo yun s-sakin?N-naawa ka ba sa m-magiging kalabasan ng k-kahayupan niyo?Umalis ka!!hindi ako pala murang tao pero nakaka g*go kayo!Lumayas ka bago pa ako magtawag ng pulis."halos pumiyok na ako dahil halos sumigaw na ako sa sakit na nararamdaman ko.
Kahit nagdadalawang isip ay wala itong nagawa kundi ang umalis sa harapan ko.Napaupo ako sa hapag sa panlalambot na nararamdaman.

Kambal ang anak ko,mga anak ko.
Kaya pala sobrang gaan ko doon sa bata ay dahil dugo at laman ko iyon.Baby ko,babawi si mommy sa baby Boy niya.

Susunod......

————————————
A/N:Guys Epilogue na next chapter,short lang talaga ito gusto ko lang naman isulat laman ng utak ko.Antagal na nito pero ngayon ko talaga natapos.Sana magustuhan niyo kahit short story lang ito saka sana naenjoy niyo.Gusto ko lang i point na hindi lahat ng kabit ay gusto ang sitwasyon nila.Nagmamahal lang naman sila pero sa maling pagkaka taon.Hindi naman kasi lahat happy married life,yung iba pwersahan pa.Kaya wag tayo basta bastang mag Judge ng kahit na sino.Kabit man o hindi lagi nating tatandaan na tao lang din sila at nagkaka mali.Hindi naman ako sumaside sa mga kabit pero sana maintindihan din ng iba.Yun lang at Maraming Salamat sa tumangkilik.

Loving You Is A Mistake (COMPLETED✅✅✅)Where stories live. Discover now