Chapter 5

1.6K 51 0
                                    



"M-ma sorry,b-buntis po ako."
Napapikit naman ito dahil sa sinabi ko.

Alam kung dissapointed siya saakin pero anong magagawa ko eh nandito na.
Hindi ko naman kayang ipa laglag ang sarili kung anak.
Wala akong ginawa kundi ang umiyak sa harapan ni mama.
Nakikita ko sa mata niya ang lungkot,gusto ko siyang yakapin pero nahihiya ako dahil sa nangyari.
Parang kakapusin na ako ng hininga kakaiyak.

Napa angat ang tingin ko kay mama ng hinawakan niya ang mga kamay ko.

"T-tatanggapin nalang natin ng buong puso at pagmamahal ang magiging anak mo.Makakaya natin to anak,tiwala lang."Mas naiyak ako dahil sa sinabi nito.Kahit ganito na ang nangyari tanggap parin ako ni mama ng buong buo.

Niyakap ko siya ng mahigpit at doon umiyak na parang isang paslit.
Hindi ko na maalala kung kailan huli ko siyang nayakap.Basta ngayon gagawin ko ang lahat para sa bagong buhay namin.

"Tahan na,bawal kang ma stress.Alagaan mo na lagi ang sarili mo huh.Wag na wag kang mag papagutom at baka gutumin ang apo ko."pilit na pinapagaan ni mama ang loob ko kaya ngumiti narin ako dito kahit na may bakas ng luha ang mukha ko.

Tumango na lamang ako dito.
"M-ma,natatakot akong sabihin kay papa na b-buntis ako."
Bakas parin ang panginginig ng boses ko dahil sa pag iyak.Isa pa itong problema ko.Baka palayasin ako ni papa pag sinabi ko ang totoo.Pero hindi ko naman maatim na magsinungaling.

Nakita ko kung pano lumuwag ang kapit sakin ni mama.
Bakas parin ang lungkot sa mga mata nito.

"M-maiintindihan naman siguro ng papa mo yan anak.Pagdating nila mamaya bibigyan ko kayo ng oras para mag usap.Ipaliwanag mo ang lahat at ng maintindihan niya."Positibo nitong saad kaya mas napanatag ako ng kahit na kaunte.

"S-salamat talaga ma huh,Wag kang mag alala.Gagawin ko ang lahat para matulungan kayo ni papa."ngumiti naman ito saakin at niyakap muli ako.

Im very Thankful to be part of their family.Kahit mahirap lang kami basta nagmamahalan ay sapat na saakin.Meron ngang mayaman pero hindi naman masaya at kumpleto ang pamilya.
Hindi lahat ng bagay nadadala sa pera,mas importante parin ang pagmamahalan.

——————————

Kinakabahan akong naghihintay sa munti naming sala sa pagdating nila papa.
Naghanda ako ng merienda kahit hapon na masyado.Alam kung pagod siya sa pagtatrabaho bilang Constraction worker.
Ang mga kapatid ko naman ay nagsipag datingan na kanina pa.Alam kung nagtataka sila sa pagiging balisa ko pero hindi ko sila matingnan dahil guilty ako.
Anong sasabihin nila?Edukada akong tao pero nabuntis at hindi pinagutan??
"Ate,okay ka lang ba?"Napa igtad ako ng magsalita ang kapatid kung sumunod saakin.Siya iyong nasa College na at education rin ang kinuhang kurso gaya ko.

"O-oo,okay lang naman ako.P-pagod lang siguro."mahina kung sagot dito kaya tinanguan niya nalng ako at pumasok sa kwarto nito.

"Ohh,bat nandiyan kapa?Sabi ng mama mo ay nagluto ka ng meryienda natin."masayang bungad ni papa.Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala siya.
Malungkot ko siyang pinagmasdan ngunit bakas parin sa mukha nito ang kasiyahan.God,help me.

Parang hindi ko ata kayang makita ang kabiguan nito saakin.Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako.Nangunot ang noo nito at bakas ang kalituhan sa reaksyon ko.

"A-anong nangyari?May masakit ba sayo?Sana ay natulog ka nalng muna."natataranta nitong saad saakin at hinagkan ang noo ko.Mas lalo akong naiyak sa naging reaksyon nito.

"P-pa,s-sorry talaga."mahina kung saad dito at hinawakan ang kamay nitong nakagabay parin saakin.

"Ano bang nangyayari sayong bata ka.May ginawa ka bang mali?"bakas parin ang pag aalala nito kaya humugot ako ng lakas ng loob at pinagmasdan siya.

"Pa,b-buntis po ako."mahina at nakayuko kung saad dito.Dahil naka alalay siya saakin ay naramdaman ko ang paninigas ng katawan nito dahil sa sinabi ko.

Napalayo siya saakin at pinagmasdan ako ng mabuti.Na parang pinoproseso nito ang mga sinabi ko.

"Pa,kasalanan ko naman kung bakit nangyari sakin to.K-kaya sana bigyan niyo ako ng pagkakataong m-manatili at tulungan parin kayo."lakas loob kung saad dito pero mistula parin itong napako sa kinatatayuan niya.

Nakita ko kung paano namula ang mga mata nito habang pinagmamasdan ako.Tuloy tuloy paring lumuluha ang mga mata ko pero mas nadadagdagan ito habang kaharap ko si papa.

I saw pain ang dissapointment in his eyes.I cant blame him naman.
Kasalanan ko kaya panindigan ko pero hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito sa pamilya ko.

Nakita kung para itong matutumba kaya mabilis akong lumapit dito.Pero para akong sinaksak sa sinabi nito bago pa ako makalapit.

"P-parang awa mo na,wag ka munang lalapit saakin.Nandidilim pa ang paningin ko Isabella.Iwan mo muna ako."ang boses nito ay nababasag na dahil sa iba't ibang nararamdaman.

Napa upo ito sa kahoy naming upuan dahil sa panghihina.Hindi na ako nagdalawang isip pang lumabas muna ng bahay.
Gusto ko muna silang bigyan ng oras para matanggap nila muli ako.

Nakita ko pa si mama na naka abang sa maliit naming gate.
Nang makita akong lumuluha ang mabilis itong dumalo saakin.

"M-ma,aalis po muna siguro ako.Bibigyan ko muna ng panahon si papa para maintindihan niya."mabilis kung naiusal sa harap ni mama.Nakita ko pa ang gulat dahil sa sinabi ko.

"P-pero maiintindihan yan ng papa mo.Hindi mo naman kailangang umalis pa.At saan ka naman tutuloy?alam mong buntis ka at kailangan mong mag ingat."
Alam ko naman yun pero naguguluhan rin ako.

"Tutuloy muna ako kila Jane ma,wala pa naman sila Tito at tita doon.At para may kasama rin ako.Wag kang mag alala mag iingat naman po ako dun."tukoy ko sa pinsan kung nasa kabilang baranggay.Medyo malayo pero mas mabuti yun dahil may kasama parin ako.

At isa pa doon din naman nanunuluyan ang isa ko pang pinsan.
Si Kristel at si Jane alam kung tutulungan nila ako.

Kahit pinipigilan ako ni mama ay buo na ang desisyon ko.Para rin naman ito sa sarili ko.Pati ako mismo ang naguguluhan.


Susunod........

Loving You Is A Mistake (COMPLETED✅✅✅)Where stories live. Discover now