Kabanata 1

10.5K 259 7
                                    

Kabanata 1

MALAKAS NA YUMANIG ang lupa dahil sa pag-aalburoto ng bulkan. Nagkakagulo na ang mga tao at hindi pa bumabalik ang ina nina Alec at Andrea mula sa paghahanap ng ipakakain sa kanila dahil hindi lamang ang lindol at pagsabog ng bulkan ang kanilang kalaban kung hindi pati ang malakas na buhos ng ulan at nagbabadyang flashflood.

Lahat ng kanilang mga gamit ay basa at ang usok ay mahirap singhutin. It's tragic to hear news about the government extending help to the affected places, yet not even a bag of rice nor a couple instant noodles had reached their home.

Pumapalahaw ng iyak ang bunsong kapatid ng dose anyos na si Alec dahil ilang araw nang tubig lamang at biskwit ang kaya nilang ipang-laman tiyan.

Sinuong ng ina ni Alec ang baha para mangutang sa malapit na tindahan, ngunit kalahating araw na ang lumipas ay wala pa ang kanilang ina. Ang sabi ng mga kapitbahay ay kahapon pa lumikas ang pamilya nina Aling Pasing. Nangupa raw ang mga ito ng kwarto sa isang hotel sa kabayanan dahil ayaw humalo sa mga nasalantang nasa evacuation center.

Isa ang bahay nina Alec sa nasa pinaka-liblib, at kung hindi magpupursige ang rescue ay hindi sila mararating upang masaklolohan. Kung patuloy na lalakas ang bagyo dala ng panibagong namumuong sama ng panahon, siguradong lulubog nang tuluyan ang kanilang maliit na tahanan bago pa sumikat ang araw kinabukasan.

"Alec, baka nagpunta ng kabayanan ang nanay mo!" sigaw ni Mang Abner.

"Ho? Wala namang pera ang nanay! Isa pa ay mataas na ang tubig sa sunod na barangay! Kanina pa umalis gutom na gutom na si Andrea!" sigaw niya pabalik.

Gumuhit ang pangamba sa mukha ng matanda. Mayamaya ay sumenyas itong mayroong kukunin sa loob. Nang lumabas ang matanda dala ang supot ng pagkain, nadinig ni Alec ang galit na tinig ng asawa nitong ubod ng damot.

"Wala na nga tayong pagkain uunahin mo pa ang mga 'yan?! Tignan mong hindi na nga makaahon si Rodessa sa utang sa akin hayan ka na naman!"

"Tumigil ka nga riyan, Berta nagugutom na ang mga bata!"

"Ewan ko sayo, Abner! Nagpapauto ka kasi sa mga 'yan! Sinabi ko na sayo noon may sumpa ang pamilyang 'yan. Lahat ng tumutulong diyan minamalas!"

"Mahiya ka nga sa mga sinasabi mo?! Mga bata 'yan, Berta!"

Pinaningkitan siya ng mga mata ng matandang babae saka nito inagaw ang supot na hawak ng asawa. "Lalo na 'yan! Malas 'yan! Bakit kasi inampon-ampon pa 'yan ni Rodessa! Ke-ganda ng buhay nilang mag-asawa noon. Dumating lang 'yan nagkandaletse-letse ang buhay niya!"

Napaiwas na lamang ng tingin si Alec.
Minsan ay naiisip niyang tama ang sinabi ng mga kapitbahay. Malas siya sa buhay ng Mama Rodessa niya. Siguro kung hindi siya iniwan ng matalik nitong kaibigang siyang tunay niyang ina para makapag-Japan ito, baka maganda pa rin ang buhay ng Mama Rodessa niya. Hindi sana nagugutom ngayon si Andrea.

Tinignan niya ang kanyang kapatid, limang taon lamang at walang muwang sa nagaganap. Basag na ngumiti si Alec. Maswerte pa rin si Andrea. Hindi pa nagagawang basagin ng mga salita ang munti nitong puso. Ang tanging iniinda pa lamang ay ang sakit ng tiyan na mapapawi ng simpleng pagkain.

Lumunok si Alec nang tumunog ang kanyang tiyan. Nalalasahan na niya ang asido sa kanyang sikmura dala ng gutom ngunit mas inaalala niya ang kapatid. Kung hindi niya magagawang gumawa ng paraan para magkaroon sila ng pagkain, baka mapaano ang kanyang kapatid.

He carried his adoptive sister on his back and tried to go to the other house, begging them to keep Andrea safe as he looked for food and for their mother. Napakiusapan niya ang matronang bagama't mataray sa paningin ng karamihan ay madalas hiramin si Andrea.

SEDUCTION SERIES #2: Heartbeats For A Stranger (Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon