Kabanata 10

4.6K 119 3
                                    

Kabanata 10

FIRST day at the ranch wasn't bad. Mabait kay Lucy ang lahat at natutuwa siyang nagkaroon siya kaagad ng kaibigan. Akala talaga niya noong una ay lalamunin siya nang buhay ni Caren. Good thing their conversation went smooth. Tuwang-tuwa ito sa kanyang kutis na natural na morena. Sabi nga nito ay bagay niya ang kanyang kulay. She possesses the real Filipina beauty from her complexion to her facial features. It doesn't follow the mainstream beauty standard of white people and she's happy another Filipina appreciates it.

Naging abala si Alec sa pag-check sa mga alaga nitong hayop at dahil hindi pa siya nakakabawi dahil sa naging means of transportation nila, hinayaan na lamang siya nitong magpahinga sa silid. Hindi siya nakatulog at inabala lamang niya ang sarili sa panonood ng ilang video sa internet. Nang magsawa ay lumabas siya ng silid at naglakad-lakad sa bahay.

Naabutan niya si Tatang Abner na nagpapahangin sa likod ng bahay kung nasaan ang mga orchids at iba pang bulaklak. Naupo siya sa bakanteng upuan at tinignan ang matandang bagama't malabo na ang mga mata ay naaaninag pa rin siya.

"Lucy?"

She smiled. "Hello po."

"Magaganda ba ang mga bulaklak?"

"Opo."

The old man breathed in deeply then flashed a genuine smile. "Ako dati ang nagtatanim ng mga iyan mula nang hindi na ako makasakay ng kalabaw at magsaka."

She doesn't know why but she feels comfortable with the old man. Tila ba may bahagi ng kanyang pagkataong pamilyar dito, pati na sa mga pangalang binanggit nito kanina.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit nang tawagin siyang Andeng kanina ni Tatang Abner, may parte ng kanyang puso na nagsabing pangalan niya nga iyon.

Huminga siya nang malalim saka sumandal sa upuan. "Nagsasaka po kayo dati?"

"Oo. Nakikisaka ako sa lupa rito noong kasing lakas pa ako ng mga kalabaw ko. Iyang si Alec tsaka ang kapatid niya, aba'y lagi kong sinasakay ang dalawang iyon sa kalabaw ko kapag wala ang nanay nila."

Napakunot ng noo si Lucy nang ilang imahe ang biglang pumasok sa kanyang isip. Malabo ang mga iyon ngunit tila imahe iyon ng isang maliit na bahay na gawa sa kalahating semento at pawid. She saw a teenage boy who carried her younger version and brought her outside the house where an older man was waiting with his carabao. May hilang kariton ang kalabaw ngunit pinasakay silang dalawa sa mismong kalabaw.

Napalunok si Lucy nang mapagtantong tumagal na ang paglipad ng kanyang isip. Muli niyang tinignan ang matanda saka niya ipinagpatuloy ang kanilang kwentuhan. "Sabi ho ni Alec namatay ang nanay niya."

Tumango ang matanda, ang lungkot ay gumuhit sa mga mata nito kasabay ng pagbuntong hininga. "Hindi ko alam kung naikwento na ni Alec sa iyo gayong ika nga niya ay nobya ka niya. Ngayon lamang iyan nagpakilala rito ng kasintahan kaya hindi ko sigurado pero maliit pa lamang iyan, kilala ko na ang batang iyan. Napakasipag at matulungin kaya minahal nang sobra ni Rodessa. Ampon iyan ng kapitbahay namin. Gusto pang ipamigay ng asawa ni Rodessa dahil problema raw ang dala kung malamang nasa poder nila kaya lang ay napamahal si Rodessa kaya ipinaglaban niya sa asawa. Walang nagawa si Alfred eh matagal na rin silang nagpaplanong magkaanak kaya lang ay hindi talaga biniyayaan. Inabot pa ng taon bago pinanganak si Andeng kaya lang, kemalas naman ni Rodessa dahil isang taon pa lamang si Andeng eh naglahong parang bula ang asawa. Ang sabi ng mga kapitbahay nambabae raw pero hindi ako naniniwala roon. Halos sambahin ni Alfred ang asawa niya paano niya magagawang magloko? Lalake rin ako."

Napalunok si Lucy nang mapunta sa pangangaliwa ang kanilang usapan. Hindi niya alam kung papaano pa sasagot at ipagpapatuloy ang kwentuhan nila kaya mabuti na lamang din at bumalik na si Alec galing sa pag-check sa mga alaga sa rancho.

SEDUCTION SERIES #2: Heartbeats For A Stranger (Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon