Kabanata 6

3.6K 119 9
                                    

Kabanata 6

UMIGTING ang panga ni Alec nang sa pagpasok niya sa dining area ng mansyon ay naabutan niya ang Presidenteng pinaghihila ng bangko ang unang ginang. Dr. Hailey smiled at her husband as if she wasn't crying for several days because of the President's infidelity. Napakagaling nitong magpanggap sa harap ng Presidente ngunit hindi nito maitatago kay Alec ang pait na nakapinta sa singkit na mga mata.

Napailing na lamang si Alec nang halikan ni President Vince ang ulo ng asawa. He even whispered something in the first lady's ear that made her giggle before he kissed the back of her hand. How could he act so sweet and perfect when he's doing nasty things behind the first lady's back? Hindi masikmura ni Alec ang pagpapanggap na nagaganap, at kung may pagpipilian lamang siya ay baka umalis na lamang siya sa lugar habang maaga.

Nabaling sa kanya ang tingin ni Dr. Hailey. Her smile suddenly became awkward as if she's hoping he won't bring up everything they had learned about her cheating husband. Nang tignan siya ng Presidente ay sumenyas si Dr. Hailey na itikom niya ang bibig niya.

"Alec, come on. It's been a while since we had dinner as a family," masayang ani ni President Vince saka naupo sa silyang nakalaan para rito. Lumapit naman ang isa sa mga kasambahay upang salinan ng champagne ang baso nito. The food served on the table could already feed a dozen people.

Gustong matawa ni Alec. As a family? What a big word coming from an unfaithful family man. Kung hindi lang niya inaalala ang unang ginang ay baka talagang sumabog na siya dala ng galit.

Huminga siya nang malalim saka pekeng ngumiti. Kung magaling umarte ang Presidente para pagmukhaing tanga ang asawa nito, pwes ay siya ang gaganti para sa babaeng kumalinga sa kanya ng isa at kalahating dekada. He promised to make the President pay for breaking his wife's heart.

Matipid na ngumiti si Alec. "Good evening, Sir."

"Take the seat next to your Mama Hailey, Alec. Masarap itong pinahanda ko kina Manang," nakangiting balita ng Presidente bago sumimsim sa baso ng alak. "This is really good. Honey, you should try this."

Lihim na kumuyom ang mga kamao ni Alec habang patungo sa tabi ng unang ginang. Humalik siya sa ulo nito saka siya naupo sa silya, ang unang ginang ay pasimpleng piniga ang kanyang kamaong nakakuyom na tila sinasabing kumalma siya.

He took in another deep breath then smiled at Dr. Hailey, silently telling her he will keep his mouth shut despite the anger building up inside his chest. The President thinks he's such a great actor? Then Alec will take the stage and show him who's really playing the fool part.

"What's the occasion, Sir?" he asked casually.

Umiling ito. "Nothing. I just missed having dinner with the two of you. Palagi na akong sa labas kumakain dahil sa trabaho."

Trabaho? He wanted to laugh. Or perhaps because of Lucy Sta. Maria?

"Tomorrow morning, I'll be flying to Thailand for the ASEAN. Mas kampante sana ako kung ikaw ang piloto kaya lang ay provided ng ASEAN ang lahat," balita nito.

He smirked. "It's okay, Sir. I got something really important to do anyway. I'll probably be busy in the next two weeks."

"Huh. With the ranch in Cagayan?"

Tumango si Alec saka nagsalin ng champagne sa kanyang baso. "Yeah. I got new a new hoe—rse I need to take care of, train perhaps. Masyadong maamo sa groomer nito ngayon so I need to work my wonders... Right?"

Ngumiti ang Presidente, clueless of what he truly meant. "Piece of cake for you, Alec. Alam naman namin ng Mama mo kung gaano ka kahusay sa larangang iyan."

SEDUCTION SERIES #2: Heartbeats For A Stranger (Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon