Kabanata 7

3.5K 124 4
                                    

Kabanata 7

TATLONG oras ang naging byahe nina Lucy at Alec patungo sa isang aviation port sa Subic. Puputok pa lamang ang araw nang sabihin ng binata na mula roon ay gagamitin nila ang private helicopter nito. Sa totoo lang ay takot siyang sumakay sa mga ganoong uri ng sasakyan, at nang mapansin ni Alec ang kanyang pagkabalisa, bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito.

"What now? You're afraid of heights?" he asked while securing their luggages. Higit na maliit ang maleta nito kumpara sa kanya at naghuhumiyaw ang pink na kulay ng kanya kumpara sa kulay abo nitong trolley.

Lucy held her other arm and looked away while tapping her right foot on the cement ground. "I'm... I'm not comfortable with this... Thing. Baka... Bumagsak."

Alec let out a soft chuckle. "As if cars won't crash? Kung oras mo, oras mo. You tried killing yourself how many times, Lucy but look at you? Still alive and kicking."

Sinimangutan niya ito. She was suicidal, alright? But because of her therapies, she learned to value her life. Napagtanto niya ang mga bagay na gusto niya pang maabot gaya ng pagpunta ng ibang bansa para makita ang historical art pieces, makita ang mga elepante, at makapanood ng circus. Maybe her dreams are silly but she wanted to do it before she even dies.

Lumapit sa kanya si Alec at gaya ng ginawa nito kanina noong ayaw niyang pumasok sa shotgun seat, hinawakan na naman nito ang kanyang ulo saka siya iginiyang maglakad patungo sa helicopter.

He even guided her and held her waist so she can get in properly and the effect on her of his move isn't really something she can be proud of. Para siyang kinuryente at uminit ang kanyang pakiramdam kaya nang makaupo siya ay agad niyang iniwas ang kanyang mukha sa binata.

May kinausap pa si Alec na mukhang trabahador sa paliparan. Nag-abot ito ng pera sa lalake saka nito piniga sa balikat at tuluyang nagpaalam na sasakay na.

Alec then hopped in and helped her put on the straps and her flight helmet, making sure everything is properly worn. Hindi niya napigilan ang sariling pagmasdan ang facial features nito. Mula sa masungit na mga kilay, sa mahabang pilik-mata, sa natural na misteryosong mga mata hanggang sa matangos na ilong at manipis na mga labi. He has a tiny mole on the bridge of his nose and and the right side of his chin, too tiny it looked like black freckles already.

Nang tila napansin nito ang kanyang pagmamasid ay inangat nito ang tingin sa kanyang mga mata saka ito ngumisi at nagpakawala ng buntong hininga. Damn, his breath smelled like peppermint and its warmth felt good against her face.

"Don't stare too long, buttercup. You might fall easily for Jojo." He grinned and pinched the tip of her nose.

Hindi siya nakakibo dahil sa ginawa nito. Para siyang siraulong natulala, nakaawang ang mga labi at halos bumaliktad ang sikmura. Bakit ba ganoon ang epekto nito sa kanya?

Naupo ito nang maayos at isinuot ang headset. He then started pushing buttons she doesn't understand what for. Nang tuluyang umangat ang helicopter sa ere, nagsimulang magwala ang kanyang dibdib. Her anxiety kicked in, her eyes shut as she panted, her hands fisted in terror.

Mayamaya ay naramdaman na lamang niyang kinuha ng binata ang kanyang kamay. Naimulat niya ang takot na takot niyang mga mata upang tignan ito, ngunit nang makita niya ang tila kakaibang bersyon ng binata, nailapat niya ang kanyang mga labi sa isa't-isa.

He sighed and made her hold his arm. "Squeeze it when you're getting too scared."

Nalunok ni Lucy ang namuong bara sa kanyang lalamunan saka niya binawi ang kanyang kamay at iniwas ang kanyang tingin. Umismid naman ang binata, ngunit nang bahagyang tumagilid ang sasakyan, napatili si Lucy, sumarang muli ang mga mata at napakapit sa matipuno nitong braso.

SEDUCTION SERIES #2: Heartbeats For A Stranger (Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon