Kabanata 3

4.7K 156 1
                                    

Kabanata 3

PAWISAN ang katawan ni Alec dala ng pag-e-ehersisyo sa kanyang home gym. His muscles are flexing every time he's lifting the dumbbell. May asul na headband sa kanyang ulong pumipigil sa dulo ng kanyang buhok na bumagsak sa kanyang noo. The song "Photograph" by Nickelback is playing on the background while he's working out. His toned upper body in full display for the golden rays to kiss freely as the majestic sun bid its goodbye for the day.

Kahit sino yatang makakikita sa ampon ng mag-asawang De Vera ay aakalaing tunay itong anak. Marami na kasi ang nagsabing kahawig ni Alec ang presidente ngunit isa iyon sa mga bagay na napaka-imposibleng mangyari. Nonetheless, Alec was loved by the De Veras as their own, especially the first lady.

Ibinaba ni Alec ang dumbbell sa rack at pinunasan ang kanyang noo nang marinig ang pag-alingawngaw ng kanyang cellphone na nasa silya. He wasn't expecting any calls today from work and he keeps his contact number to only those whom he trusts. Napagod na siyang magbasa ng mga pagkahaba-habang mensahe mula sa mga babaeng pagkatapos niyang makasalo sa kama, lalo na sa monte costa ay umaarte nang asawa niya.

Alec walked towards the music player and turned it off before he answered the call. It was Dr. Hailey De Vera, the first lady of the Republic. Madalas namang tumawag ang ginang upang kumustahin siya at patuloy pa rin siyang kumbinsihing bumalik na sa mansyon, but Alec wanted to be independent already. Malaki na masyado ang utang na loob niya sa mag-asawa. But there is something about today that made him bothered. Hindi niya mawari kung bakit, ngunit may kutob siyang hindi pangungumusta ang pakay ngayon ng ginang.

"Ma'am?"

Ang hikbi kaagad ng matandang babae ang unang narinig ni Alec. Nalukot ang kanyang noo at namayani ang pag-aalala niya para sa babaeng kumalinga sa kanya mula nang pagsakluban siya ng langit at lupa.

He walked towards the glass wall and looked at the city, his sweat dripping down his toned chest and tummy. Mula sa kanyang penthouse ay tanaw niya ang paliparan kung saan siya dating nagtrabaho bilang piloto hanggang sa maluklok na si Vince De Vera bilang Presidente at kinailangan na siya nito bilang personal pilot.

"What's wrong, Ma'am?"

Baka kung normal na usapan ay sinita na naman siya ng matanda dahil ilang taon na siyang nakasunod sa apelyido ng mga ito ngunit ni minsan ay hindi niya tinuring na mga magulang ang dalawa. Not that he doesn't want them to be his parents. He loved them and he's grateful for everything they'd done to him. Napakalaki ng utang na loob niya sa mga ito dahil nagkaroon siya ng matiwasay na buhay. He wore signature clothes, ate the most expensive foods, and studied in schools only made for the elites. Sadyang takot lamang siyang gaya ng Mama Rodessa niya, malasin din sa buhay ang mga ito.

"Alec... Your Papa Vince is having an affair. Isang taon na akong niloloko ni Vince..." Humagulgol ang matanda kaya nataranta si Alec. "Bakit ngayon pa niya nagawa sa akin ito?!"

"Calm down, Ma'am. Where are you? Pupuntahan ko ho kayo. I'll cancel my meeting with the Raja Amor team so I could go to you."

Importante ang asosasyon ng Raja Amor bachelors' group pero para kay Alec ay mas mahalaga ang babaeng kumalinga sa kanya.

Suminghot ito. "Nandito ako sa mansyon, anak. Alec... Hindi ko matatanggap ito!"

Tuluyang naghisterikal si Hailey kaya kinuha ni Alec ang isa niya pang phone at tinawagan ang mayordoma sa mansyon, inutusan itong bigyan ng pampakalma ang matandang babae habang wala pa siya roon bago pa may mangyaring hindi maganda rito. May kumplikasyon na sa puso si Dr. Hailey ngunit pinili nitong huwag ipaalam sa asawa nang hindi pa dagdag isipin ni Presidente Vince. Ngunit ngayon, parang gusto na lang makialam ni Alec at sabihin sa Presidente ang kalagayan ng asawa nito nang makunsensya naman ito.

SEDUCTION SERIES #2: Heartbeats For A Stranger (Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon