Kabanata 2

5.8K 173 12
                                    

Kabanata 2

NAKATULALA na naman si Lucy sa salamin ng dresser. Mag-a-alas sais na ng gabi ay hindi pa niya naaayos ang kanyang sarili. Siguradong mamaya lamang ay darating na ang sasakyang gamit ni Vince para sa dinner date nila sa bahay na binili nito para sa kanya ngunit hindi niya pa rin makapa ang enerhiya para simulan ang make up niya. Nakatitig lamang siya sa kanyang sarili, ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata ay hindi pa rin niya natatakpan ng concealer nang hindi mapansin ni Vince.

She was so unproductive today because of her nightmares. Her dreams haunted her even when she's already awake, and no matter what she does, the meds just don't work on her anymore. Nadarama pa rin niya ang nakapaninindig-balahibong haplos, ang mga sampal at sabunot. Lumala pa nga yatang lalo, sadyang kumakalma lamang siya kapag kasama na niya ang taong nagligtas sa kanya mula sa madilim na bahagi ng kanyang buhay.

Muli niyang narinig ang tinig sa kanyang isip. Nabitiwan niya ang hair brush na hawak at muling hindi napakali. Her body shivered and her eyes squeezed shut when she heard the familiar man calling her name again, her own voice faded in the background.

Naririnig niya ang pagtawa ng lalake. Nakikita niya ang sariling patuloy na tumatakbo sa kabila ng matinding sakit ng katawan. She was begging for help. She kept running for her life in the dark alley until she stumbled down. Tumawa ang lalake na tila isang demonyo. Hinawakan nito ang kanyang buhok at dinikit ang dulo ng ilong sa kanyang balikat upang singhutin ang kanyang amoy.

"Akin ka lang, narinig mo? Akin ka lang!"

Naitakip niya ang kanyang mga kamay sa kanyang tainga nang magsimula siyang maghisterikal. Her tears fell heavily, her heart pumped wildly inside her chest.

"Tama na... Tama na..." she whispered. Nanginginig ang kanyang mga kamay, nakayuko ang kanyang ulo habang hindi niya mapigilan ang mapait na alaala sa pagpasok sa kanyang isip.

Mayamaya'y napatili siya nang madamang may humawak sa kanya mula sa likod. Nag-panic siya kaagad at kung hindi siya niyugyog ng lalake sa balikat ay baka kung ano na ang nagawa niya.

"Hey! Hey, it's me!"

"V—Vince?" she called and looked at him when she recognized his voice.

Gumuhit ang awa sa mukha ni Vince. Hinaplos ng hinlalaki nito ang kanyang basang pisngi saka ito nagpakawala ng marahas na buntong hininga.

"What happened, Lucy?" he asked, his voice brought peace in her heart all of a sudden.

Napahikbi si Lucy at parang batang kinulong ang sarili sa dibdib nito. He's still wearing his business suit, the same one she saw he's wearing in the interview earlier. Naglaro sa kanyang ilong ang panlalakeng pabango ni Vince na siya mismo ang pumili, at habang hinahagod nito ang kanyang likod, hindi niya napigilan ang lalong umiyak.

"Vince... I think the meds are no longer working. I can... I can feel him holding me... Hindi... Hindi ko maalis... Hindi ko maalis sa isip ko..."

Tuluyang pumiyok ang tinig ni Lucy dahilan para higpitan ni Vince ang pagkakayakap sa kanya. Nang dumampi sa kanyang ulo ang masuyo nitong halik, naisara na lamang ni Lucy ang kanyang mga mata.

"I'll tell Dr. Suarez about it. Maybe she can schedule you another session tomorrow." Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at pinagmasdan ang kanyang mga matang namumula dala ng pag-iyak. "Tahan na, Lucy. I will never let anyone hurt you."

Basag na ngumiti si Lucy. "Thank you, Vince..."

He pulled her for a tight, comforting hug and Lucy just let herself feel his warmth. Kasalanan ang mahalin ang isang Vince De Vera, ngunit bulag si Lucy sa mga bagay na kayang ibigay ng pag-ibig nilang dalawa.

SEDUCTION SERIES #2: Heartbeats For A Stranger (Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon