Kabanata 8
PAGKABUKAS ni Alec ng pinto ay nilingon niya si Lucy na tahimik lamang na nakabuntot. Kanina pa umiikot ang tingin nito sa kanyang bahay, halatang namamangha lalo sa koleksyon niya ng artworks. Isa sa napag-alamanan niya tungkol sa dalaga ay ang hilig nito sa sining. She's into pottery but never actually tried it herself. She appreciates ancient architecture, too but she's more into paintings especially expressionism.
She, herself is an expressionism artist based on her artworks sold for an arm and a leg without anyone actually knowing. Maraming nag-akalang nakapag-aral sa ibang bansa ang pintor sa likod ng mga painting na likha ni Lucy. Alec thinks she has a life waiting for her only if she will go back to the right path. Iyong hindi ito nagiging sanhi ng pagkasira ng relasyon ng iba.
"We'll stay here. This is the master's bedroom." Tinuro niya ang pinto patungo sa banyo. "If you wanna take a shower, that's the bathroom. I'm just gonna talk to someone. Babalikan kita mamaya."
Hinawakan niya ito sa ulo at pinapasok sa silid. Gaya ng reaksyon nito noong una niya itong hawakan sa ulo, napaawang na naman ang mga labi nito at halatang nagulat sa ginawa niya. Alec doesn't know why but he really finds her reactions adorable. If only she's not the one causing the first lady heartaches, he'd probably pursue her for real. Kaya lang ay kahit baliktarin niya ang mundo, si Lucy ang keridang kailangan niyang alisin sa buhay ng Presidente.
He shut the door before she could mutter a word then he sighed and rubbed his palm on his nape. Now he's got two weeks to win her heart and leave it broken. That's the plan. Hindi siya pwedeng magpa-distract kahit anong mangyari.
Binulsa ni Alec ang kanyang mga palad sa kanyang pantalon saka siya nagtungo sa likod ng bahay kung nasaan ang taong pinaka-excited na makita siya kahit pa malabo na ang mga mata. Nang matanaw niya ang matandang lalake sa rocking chair, payak na napangiti si Alec.
He went on his knee and took the old man's weak hand to give it a gentle squeeze. Nagmano siya rito at hinaplos naman ng matanda ang kanyang buhok. "Alec. Nahanap mo na ba si Andeng?"
Napabuntong hininga si Alec. "Hindi pa, Tang pero gaya ng sabi ko hindi ko susukuan si Andeng."
Lumungkot muli ang mukha ng matandang lalake. "Kung sana hindi ko hinayaan ang asawa kong agawin ang pagkaing ibibigay ko sa inyong magkapatid noon, hindi sana kayo nagkawalay."
It's been five years since he found out Tatang Abner survived the flood. Napunta ito sa isang home for the aged, at nang minsang dalawin ng pamilya De Vera ang lugar, kaagad na nakilala ni Alec ang mabait na matanda. Kinuha niya ito kaagad sa lugar nang mas mabigyan ng atensyong medical. When his house in Cagayan was done, sa mismong lugar kung saan dating nakatirik ang tahanan ng mga Saturnino, doon niya idinala ang matandang lalake.
Halos humagulgol sa kanya si Tatang Abner dahil sinisisi nito ang sarili kung bakit sila nagkahiwalay ni Andrea. Nagpadaig daw kasi ito sa matapang na asawa at hanggang ngayon ay hindi pa rin nito nalilimutan ang kanilang naging usapan bago nangyari ang trahedya sa Cagayan.
Namuo ang luha ng matandang lalake kaya bago pa ito tuluyang maging emosyonal, sinubukan na ni Alec na ibahin ang takbo ng kanilang usapan. "Balita ko maganda na ang BP ninyo noong mga nakaraan, ah? Makakapasyal na kayo niyan sa kulungan ng mga kabayo."
The old man sniffed. "Wala na, Alec mahina na ang Tatang. Baka hindi na rin ako magtagal kaya sana mahanap mo na si Andeng bago ako mawala sa mundo."
That was the old man's only wish. Marahil ay para mapawi na rin ang pagkausig ng kunsensya nito. Ilang beses mang sabihin ni Alec na hindi kasalanan ng matandang lalake ang pagkakahiwalay nila ni Andrea, hindi nito mapatawad ang sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/283387170-288-k78280.jpg)
BINABASA MO ANG
SEDUCTION SERIES #2: Heartbeats For A Stranger (Exclusive In The VIP)
RomanceShe was a sinner he was meant to drive away, but when their hearts begin to beat for each other, they realized one thing. There's more to unfold than her being his father's mistress.