Kabanata 9

3.1K 131 11
                                    

Kabanata 9

"TANG, hindi ho siya si Andeng." Lumapit si Alec sa matandang lalake saka ito inakbayan. "Si Lucy ho ito."

Lumamlam ang mga mata ni Tatang Abner. Humawak sa kanyang braso ang nanghihina nitong kamay saka ito bumuntong hininga, tila nanghihinayang. "Akala ko ay si Andeng na. Katinig ni Rodessa, Alec."

Napakunot ng noo si Alec saka niya sinulyapan si Lucy na tila naguguluhan sa nagiging takbo ng usapan. She was glued on her spot, her confused eyes just staring at the old man.

Napabuntong hininga si Alec bago gumuhit ang payak na ngiti sa kanyang mga labi. "Mabuti pa kayo naaalala ang boses ni Mama."

Lucy breathed in deeply. "M—Mama mo?"

He nodded as he looked at her again. "Unang umampon sa'kin. She's dead."

Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Lucy. "I'm sorry to hear that."

"It's fine," he replied in a breathy way as he stood straight. "Fifteen years na rin naman. Natanggap ko na—"

"Alec, my loves so sweeeeet!" Umalingawngaw ang matinis na tinig ni Caren, ang may-ari ng katabi niyang lupa at dating kasambahay sa Maynila na swinerteng tumama ng lotto pagkatapos daw mapaniginipan ang lola nitong nagbabanggit ng numero. Totoo man o hindi, nanalo pa rin ang babae ng higit kumulang isandaang milyong piso.

She went towards him wearing her long sunflower dress. Nakabuntot naman sa babae ang halos isang dosenang kasambahay na may bitbit na iba't-ibang putahe. Mayroon pang letson na buhat ang dalawa nitong boy.

She immediately clung onto Alec's arm while a wide smile was plastered on her face. "Pasensya ka na, my loves hindi ako prepared. Ikaw naman kasi hindi mo naman ako sinabihang uuwi ka pala hindi tuloy ako nakapaghanda." Magaan nitong hinampas ang dibdib ni Alec. "Nakakainis ka magtatampo na naman ako sayo."

Nagpigil ng tawa si Alec habang pinapasadahan ng tingin ang pang-isang buong barangay na pagkaing dala ni Caren at ng mga tauhan nito.

"Hindi ka nga handa." Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. "Ganda ng damit natin, ah? Dilaw na dilaw."

Humagikgik si Caren. "Bagay ba? Nabili ko lang 'yan ng three hundred sa palengke."

Natatawang umiling si Alec. That's what he likes about Caren. Madalas mang makabasag eardrums ang tinig nito kapag nakikita siya ay aliw na aliw naman siya rito dahil kahit limpak-limpak ang salapi, tinitipid nito ang sarili at mas pinipiling tulungan ang mga kamag-anak sa Visayas habang ang ibang pera ay inilaan sa poultry business nito In fact, Alec was sure everything she brought to his home was all from her farm. Mula sa baboy hanggang sa mga pampalasa, everything is cultured in Caren's farm.

"Bagay. Sa susunod bili ka rin flower crown tapos tabi ka sa poon," biro niya rito ngunit imbes na mapikon ay kinilig pa ang babae.

"Shege." Inipit nito ang ilang hibla ng kulot na buhok sa likod ng tainga. "Shebi me eh."

Oh, goodness. Sa tawa pa lamang na hindi mailabas ni Alec ay baka mabusog na siya. Pambihira talaga ang kanyang kapitbahay kahit kailan. "Oh, kumusta na 'yong manliligaw mo?"

Umirap ito. "Sabi ko magparetoke muna siya. Saka ko na siya sasagutin kapag kamukha ka na niya—" Natigil ang sinasabi nito at ang mga labi ay nanatiling nakaawang nang mahagip ng tingin si Lucy na nasa tabi na ngayon ng ilang kasambahay. Halatang nahihiya ito habang kinakausap nina Kiko kaya simpleng ngiti at tango lamang ang sinasagot.

Eksaheradang humugot ng hininga si Caren saka siya tiningala. "Bakit nanguha ka ng chimay na lamang sa akin ng trentang paligo?!" Naningkit ang mga mata nito. "Alec, sinasabi ko sayo kapag hindi ako nanalo bilang Miss Bagumbayan ngayong taon wala kang letson sa susunod na pasko."

SEDUCTION SERIES #2: Heartbeats For A Stranger (Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon