Prologue

19.4K 368 15
                                    

Prologue

MASAYANG tinitignan ng babae ang bawat piraso ng baby dress na binili nito para sa anak. Sa susunod na buwan pa ang kanyang kabuwanan ngunit hindi na siya makapaghintay pang maisilang ang anak. Para sa kanya ay kahit na wala na siyang maituturing na sariling pamilya dahil anak siya sa labas at patay na ang kanyang ina, naririto naman ang sanggol na bunga ng pag-ibig.

She knew her baby was a product of love... kahit na hindi buo ang pagmamahal na natanggap niya mula sa tatay nito.

Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang kaibigan. Alfred looked so pale and anxious when he got in. Isang bagay na labis niyang ikinapagtaka dahil alam niyang masayahing tao ito at sa tuwing dinadalaw siya ay laging nakabungad ng ngiti. 

"Oh, Alfred. Halika, tignan mo 'tong mga damit na binili ko para sa baby ko." She smiled and decided to ignore his strange facade. Nang makita niya itong tumango bago lumunok, hindi niya maiwasang lalo itong pagtakhan. 

Pinanood niya ang kaibigan na maupo sa katapat na silya. Pinagsalikop nito ang mga palad sandali bago nito pinunasan ang noo. Nagsalubong tuloy ang kanyang mga kilay. "Bakit parang pawis na pawis ka eh ang lamig sa labas?"

Mabilis itong umiling bago nilipat ang tingin sa umbok ng kanyang tiyan. "K--Kumusta ka na?"

Sumandal siya sa backrest ng sofa at hinimas ang kanyang tiyan. "Eto, para akong may pakwan sa tiyan." She giggled. "Napapalakas na nga ang sipa."

Alfred let out a sigh for a moment. "H--Hindi pa rin pala niya alam ang tungkol sa bata?"

The woman shook her head. Mayamaya ay gumuhit ang mapaklang ngiti sa mga labi nito nang maalala ang ama ng kanyang dinadala. "Nagkabalikan na sila, hindi ba? Ayaw kong makasira ng relasyon. Masaya na akong mayroon kaming alaala. Isa pa, oras na malaman ng lahat na anak niya ang dinadala ko, baka mapatay siya ng Papa. Ayaw kong may mangyaring hindi maganda sa kanya kahit na naghiwalay na kami."

Lumamlam ang mga mata ng kanyang kaibigan nang magtagpo ang kanilang mga tingin. "Siya pa rin ang inuuna mo hanggang ngayon."

Muli siyang ngumiti. "Gano'n talaga. Sa ayaw naman natin o gusto, lagi naman nating uunahin ang mga taong mahal natin, hindi ba?"

Kitang-kita niya kung paanong namula ang mga mata nito na tila iba ang naging dating ng kanyang sinabi kay Alfred. Napawi ang kanyang ngiti at ang kanyang mga kilay ay muling nagsalubong dala ng pagtataka.

"Ayos ka lang ba, Alfred? May problema ka ba?"

Alfred sniffed before he stood up. "Tama ka. Palagi nating uunahin ang mga taong mahal natin... at mahal ko si nanay. Hindi pa ako handang mawala siya kaya..." 

With tears falling down his cheeks, Alfred slowly pulled a gun from his back. Namutla nang husto ang babae at ang puso niya ay halos tumigil sa pagtibok habang nakatitig ang nanlalaki niyang mga mata sa baril. "A--Alfred? Anong... anong ibig sabihin nito?"

He sobbed before he cocked the gun while his hands were shaking. "Patawarin mo ko... pero kailangan kong gawin 'to." He sniffed and tightened his hold on the gun. "Paalam... Via."

SEDUCTION SERIES #2: Heartbeats For A Stranger (Exclusive In The VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon